Chapter 1: the calm before the storm

2 0 0
                                    


Third person pov

"Okay class, before i leave may short announcement lang ako..." panimula ng professor nila "since nabasa ninyo ang update sa school natin na magkakaroon tayo ng long weekend hindi ko na muna kayo sisingilin sa mga assignments ninyo or projects na kukunin sana next week kaya you have more time para tapusin iyon, kaya naman sa mga hindi parin natatapos or sa mga hindi parin nakagawa please tapusin na ninyo, understood?"

"Yes sir," sabay na usal ng mga estudyante nito.

"Good, if you no longer have any questions or concerns i will now take my leave," umalis paalis ng classroom ang professor nila bitbit ang bag nito palabas.

Nang tuloyan nang makalis ito napuno ng mga ingay ng mga estudyante ang classroom, yung iba nagpapasalamat dahil masmarami pa silang oras para tapusin ang kung ano man na kailangan nilang tapusin, habang ang iba naman ay nakikipag usap sa mga kaibigan nila sa mga plano nila sa long weekend na bakasyon dahil sa nag sabay sabay na mga events.

Isa isang lumabas ng classroom ang mga estudyante habang kasama ang mga kaibigan nila habang pinaguusapan ang mga plano nila.

Mahigpit na hinawakan at isinuot ni nate ang kanyang bag sa likuran nito habang sumunod na lumakad palabas ng classroom kagaya ng iba nitong kaklase.

12:00 pm na nang matapos ang klase ni nate kaya naman lahat na nang mga kapwa estudyante na kagaya niya ay papunta na rin ng canteen para kumain.

Kinuha ni nate ang kanyang cellphone mula sa bulsa nito habang naglalakad papunta ng canteen para kumain kasama ang mga kabarkada nito na sila Hazel, Christopher, Jonathan at Stephanie.

Mula high school hangang college magkakabarkada na silang lima, sabay sila kung kumain, sama sama rin sila sa mga karatantadohan ng isa, at sabay rin silang grumaduate ng senior high at sa pag enroll sa college.

Although, magkaiba sila ng mga course nagkikita parin silang lahat tuwing lunch break at uwian since siya lang naman nakikisakay pauwi ang mga ito dahil siya lang naman ang may sasakyan at may license.

Pagkatapos na makuha ni Nate ang kanyang cellphone, inaccess niya ang group chat nila.

Nate: Guys asan na kayo?

Steph: Andirito na ako naghihintay sa inyo.

Jona: On the way na ako, nasa library pa kasi ako dahil may pinagawa sa'kin si ma'am Elisa.

Hazel: Papunta na ako kakaalis lang kasi ng prof ko.

Chris: Malapit na ako dyan hintayin ninyo nalang ako.

Nate: sige, steph saang table ka naghihintay?

Steph: dito malapit lang sa bintana sa kaliwa.

Nate: ok, hahanapin nalang kita dyan magkita nalang tayong lahat dyan.

Pinatay ni Nate ang cellphone nito pagkatapos nitong makapag reply sa group chat nila at nagpatuloy na naglakad papunta sa canteen kung saan sila magkikita.

Bumungad kay nate ang mga estudyante na kumakain sa mga lamesa ng canteen habang ang iba naman ay pumipila ang iba sa counter para kumuha ng pagkain ng makarating siya rito, iginala niya ang kanyang mga mata para hanapin ang kaibigan nito.

Habang abala ito sa paghahanap kay steph may kung sino ang biglang kumalabit sa kanya mula sa kanan nito, lumingo ito para tignan kung sino ito na walang iba kundi ang kaibigan nitong si chris.

The house of darknessWhere stories live. Discover now