Nathan pov"Oi pre, baka pwedeng sa kotse nalang ako ouh?" Nanginginig na tanong ni jona habanh nakatago sa likod ni chris na kaslukuyan namang bitbit ang bag nito gamit ang dalawang kamay nito.
"Jona ano ba? Wag mo sabihinb takot ka?" Naiiritang sambit ni chris.
"Tol naman eh! Hindi ka ba natatakot baka kung anong multo ang nandyan?" Padabog na sambit ni jona.
Chris scoffed after hearing what he said "Seryoso kaba pare? Ang tanda tanda mo na at hanggang ngayon takot ka parin sa multo?" A gibe reply by chris na halata sa mukha nito na nagpipigil itong tumawa.
Seryoso, kahit ako rin kulang nalang maihi na sa pagpipigil ng tawa ko. Pano naman kasi mula noong unang bese kami nagkita hanggang ngayon wala parin siyang pinagbago matatakutin parin.
May isang bese nga noong na prank namin siya hindi lang siya nahimatay umihi pa talaga siya sa pantalon nito.
"Pare naman ouh!" Padabog na sa tugon ni jona rito.
"Sige, mamili ka...sasama ka samin? Ouh doon ka sa sasakyan maghintay nang magisa?" Sambit ni chris.
Napatalon si jona dahil sa tunog ng kidlat pagkatapos na sambitin ni chris ang sinabi niya habang halata sa mukha ni chris ang pagpigil nito sa pagtawa dahil sa reaksyon ng kaibigan nito.
"S-sabi ko nga sasama ako," nauutal na tugon ni jona saka mabilis na naglakad papunta kila steph at hazel na 6 na hakbang nang malayo samin na naglalakad.
Ilang segundo ang lumipas nang naunang naglakad si jona pauna samin ni chris at di nagtagal nag lakad na rin siya saka na rin ako sumunod sa kanya.
Sabay kami ngayon ni chris na naglalakad paakyat ng east wing ng bahay papunta sa isang corridor kung saan ibat ibang mga pinto ng kwarto ang bumungad samin.
Binuksan ni steph ang ika pitong pinto ng corridor at pumasok rito, sinundan namin ni chris silang tatlo papasok ng kwarto kung saan mayroon itong limang single bed.
Balot ng alikabok ang buong kwarto dahil sa tagal ng panahong hindi ito nasikaso, biyak ang ilang parte ng pader nito at nagkalat din ang mga dahon at kahoy sa sahig.
Isa isang inilapag nila naming lahat ang mga gamit namin sa sahig malapit sa mga kama na napili namin.
Kanya kanya kaming kumuha lahat ng isang malinis na tela mula sa mga bag namin at pinagpag ang kutson para alisin ang mga alikabok at kalat mula rito.
Nagsig labasan ang mga alikabok mula sa kutson ng kama namin habang pinagpag namin ito at nang tuloyan na maalis ang alikabok at kalat sa aming mga kama ay isa isa na naming inilapag ang dala naming mga gamit rito.
Habang inaayos ko ang gamit ko napunta ang paningin ko kila chris nang lumapit rito si Jonas "Oi pre, baka naman....." Nag mamakaawang tugon nito.
"Ano naman ba?" Naiiritang sagot ni chris.
"Pre, samahan mo naman ako mag banyo ouh naiihi ako,"
He scoffed while looking at jona "Seryoso ka ba? Sa edad mo nayan mag papasama ka parin kapag magbabanyo ka?"
"Nakakatakot naman kasi mag banyo magisa sa lugar nato eh!"
Napakamot nalang si Chris sa batok nito nang marinig niya ang sinabi ni Jonas "Hay ano ba naman yan ouh! Sige na nga! Baka mamaya umihi ka pa dyan sa katre,"
YOU ARE READING
The house of darkness
Random5 unsuspecting college students stumbled upon an abandoned house in a midst of a storm unknown to them that they have trespassed a demon's domain and there is more to it than meets the eye as terrifying secrets also lies within the house. Things too...