Nasa loob ako ng kwarto at nag-iisip ng maaaring ibigay na regalo para sa boyfriend kong si Kevin sa darating na anibersaryo namin.
Ilang araw na simula nang huli naming pagkikita dahil sa dami ng mga gawain ko. Nagmamay-ari ang aking mga magulang ng malaking hospital at halos kilala ang hospital nila dahil ito na ang mas pinakamalaking hospital na nandito sa buong Manila. Parehong doctor rin ang aking mga magulang at ako nama'y kasalukuyang nag-aaral ng aking degree upang maging isang ganap na Doctor. Ang kaibahan lamang ay nais kong maging Psychology.
Maya-maya lang ay nag ring ang cellphone ko sa gitna ng pag-iisip. Kinuha ko iyon mula sa aking mesa at sinagot.
"Hello, is this Maria Crisanta Villanueva's line?" sabi nito sa aking buong pangalan sa kabilang linya nang sagutin ko. Nagtaka naman ako at sumagot.
"Yes speaking, who's this?"
"Th-This is Kleoffi Serano, under trainee student po ng h-hospital niyo" sagot nito na may kahalong kaba sa pananalita sa kabilang linya.
"Yes, what's the matter?" tanong ko rito.
"Yung patient po kase that have mental health disorder, h-hindi ko po ma-mahandle" ani nito na kabadong kabado.
"Papunta na ako" sabi ko nang may ngiti sa labi dahil hindi ko akalain na mahihingan ako ng tulong about sa degree na kukunin ko.
"Ma'am Crisanta!" tawag sa akin nito ng makarating ako sa entrance ng hospital.
"Ako po yung tumawag, nasa 3rd floor po yung patient" dire-diretsang ani nito at bahagyang tumango sa kaniya. Nagpamauna na akong maglakad at sumakay sa elevator. Dumeretso ako sa hallway at iminuwestra nito ang daan tsaka hinarang ako nang madaanan ang pinto na may numero. 004.
Binuksan ko ang pinto at kasabay ng pag tapak ko sa loob ay ang paghawak ni Kleoffi sa aking braso. Tumingin ako sa kaniya at tumango, sinisiguro na mah-handle namin pareho ito.
Nadatnan ko ang babaeng kinukotkot ang sarili damit at wala sa sariling hinahampas hampas ang ulo mula sa kamang inuupuan.
Maya-maya ay nalingunin niya kami kung kaya't ikinalma ko ang aking sarili at bahagyang ngumiti sa kaniya. Ngumiti ito pabalik sa akin at ng ilang segundo ay nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha ng makita sa aking likod si Kleoffi.
"Lumayas kayo!! Mga walang utang na loob!" malakas na sigaw ng babaeng pasyente. Ikinalma ko lamang ang aking sarili habang dahan-dahan na lumalapit sa kaniya. Habang papalapit ako ng papalapit ay gano'n din si Kleoffi na sumusunod sa akin. Paatras naman ng paatras ang babaeng pasyente. Hanggang sa marating niya ang sulok at wala nang mapag-atrasan. Lumuhod siya at kumapit sa aking mga kamay, humawak naman ako rito bilang alalay at nakita kong tumulo ang mga luha nito.
"Shh. Maayos lang ang lahat, huwag mo kaming palayasin okay?" mahina, malambing kong ani sa babaeng pasyente habang hawak pa rin nito ang aking kamay. Akma ko na siyang itatayo ng humagolgol ito at bumitaw sa aking pagkakahawak.
"Sinaktan niyo ako! Mga satanas! Walang konsensya!" paiyak nitong sigaw at wala sa sariling tumatawa, tinuturo turo niya ang sarili at maging hindi mapakali ang mga mata na tumingin tingin kung saan.
"Shh" ani ko. "Anong pangalan niya?" tanong ko kay Kleoffi.
"Sherley Jimenez po" dagliang sagot nito dahil sa pagka-kabado at pagkalito. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya sa sitwasyong ito.
"Tumigil ka-patay na siya, pinatay siya nila.. mga hayup kayo!!" sigaw muli ng babaeng pasyente nang marinig ang sariling pangalan na isinagot ni Kleoffi.
"Shh, tama na nandito ka Sherley, hindi ka namin papabayaan" ani ko ng mahinahon. "Kalma na, shh.. breathe Sherley nandito kami, nandito ako. Tahan na" ani ko at paulit ulit na hinahagod ang likod nito. Dahan-dahan itong tumahan sa pag-iyak at bahagyang tumitig sa akin. Walang emosyon ang titig niya ngunit alam ko na iyon, dahil napag-aralan ko iyong mga emosyon nila.
Ngumiti ako, hinaplos kong muli ang buhok niya dahil nagulo ito sa pagpukpok nito kanina. Bahagya na siyang tumayo at tutulong sana si Kleoffi ngunit sumenyas akong hayaan na lang ako.
Umuwi na ako matapos no'n dahil maghahanda ako ng gamit maging pati ang aking sarili para sa entrance board exam sa aking degree na kukunin. Ilang saglit lang ay tumawag ang aking nobyo.
"Hi" matamlay nitong ani sa kabilang linya ng sagutin.
"Love?.. Hi, kamusta?" tanong ko na magiliw. Narinig ko naman na bumuntong-hininga ito bago sumagot.
"I've heard what happen to you today"
"Yeah, but how are you first?"
"I'm fine love, so how was the patient?" tanong nito, bumuntong-hininga naman ako.
"She's okay.. for now, I instructed Kleoffi before ako umuwi" sagot ko.
"What are you doing right now?"
"Uhm.. nagr-ready for board exam and-" wala pa man akong nasabi ay agad niyang itinanong ang kasunod kong sasabihin pa.
"And what?" dagliang tanong ni Kevin mula sa kabilang linya. Batid ko na ang nais niyang makuhang sagot sa akin.
"Ano...."
"Ano?" pag-uulit nito sa sinabi ko at ginaya ang tono ng pananalita ko.
"Uhm.." wala agad akong masabi sa kaniya dahil nahihiya akong sabihin na nag-iisip ako para sa anniversary namin.
"Hmm?" kinilig tuloy ako sa pag-uulit niyang muli sa sinabi ko. Napangiti ako.
"Ano love.." ang akala ko ay may sasabihin siya ngunit mukhang nag-antay na siya sa kasunod kong sasabihin kaya bumuntong hininga ako. "At.. nag-iisip din p-para sa anni-anniversary natin" napapahiya kong amin. Rinig ko naman ang bungisngis niya sa kabila. Nangunot ang aking noo ngunit may tuwa sa loob loob ko.
"And I'm thinking of you anyway, sige na baba ko na love. Tawag lang ako ng secretary" ana nito ng dire-diretso at napatulala pa ako sa teleponong hawak ko.
"O-Okay" ang tanging naisagot ko.
Dumating ang gabi at tinawagan ko si Kleoffi upang alamin ang lagay nito at ng pasyente, nakampanti naman ako nang sabihin nitong maayos ang lahat. Binuklat ko ang aking libro at nagsimulang magbasa doon. Magr-review ako para sa board exam. At hindi ko namalayan nang ilang saglit sa gitna ng pagbabasa ay nakatulugan ko iyon.
Maaga akong nagising nang magring ang aking telepono.
"Hello?" sagot ko agad sa linya at inaantok ko pang sabi, hindi na tiningnan kung sino ba ang tumawag roon.
"Ma'am!! yung mama niyo po!! Nadisgrasya, nandito ngayon sa hospital ninyo!" bigla ay napabalikwas ako ng bangon at dali-dali na naligo at lumabas ng bahay upang pumunta sa hospital, dala ang sasakyan at pinaharurot.
YOU ARE READING
"Your Crazy Love"
Mystery / ThrillerA college student who have a wealthy family and owned a big hospital in their city. Crisanta's parents are both doctors and they owned a hospital, while Crisanta the main character was a college student who pursuade her degree of being a Psychologis...