Chapter 4

7 1 0
                                    

Umagang-umaga ay nagising si Maria Crisanta at tila napamura sa ganda ng sidlak ng araw dahil kay ganda nga ng umaga ngunit ang nararamdaman niya'y tila ang pinakapangit, pinakamasakit at pinakamapait.

Ilang linggo na ang nagdaan, at halos darating na ang katapusan ng buwan hindi nagpaparamdam kay Maria Crisanta ang boyfriend niya. Araw-araw niya man itong tawagan o itext ay gano'n pa rin at walang sasagot. Tila nagiging mag-isa ang buhay ni Crisanta, yon ang nararamdaman niya. Mas masaklap pa nito, malayo at halos hindi siya o niya kilala ang mga relatibo ng kaniyang pamilya. Walang ibang alam na matatakbuhan si Crisanta kundi ang taong mahal na lamang niya. Ngunit tila mas pinaparusahan siya ng tadhana, hindi niya ito halos maabot at makausap.

Dumeretso si Maria Crisanta sa banyo at tumitig sa salamin doon. Hindi niya alam ang dapat na maging reaksyon sa sariling repleksyon, dahil aware siya sa kaniyang sariling pagbabago at dahil yun sa pagkasunod-sunod na pagkawala ng kaniyang mga magulang. Matagal siyang tumayo sa salamin ng kaniyang banyo at pinakatitigan ang sarili.

"Ang pangit, potek" mahinang bulalas niya sa sarili dahil sa paghawak nito sa kaniyang ibabang mata. Napakalalim na ng kaniyang mga mata at sobrang itim na ng eyebugs niya, maging ang kaniyang labi ay namumutla at nagkukulay puti nang bahagya niyang kagatin at pinakadiinan ang sarili sa salamin.

Ang kaniyang buhok ay nalalagas at tila may kulay puti na naroon. Maganda pa naman ang kaniyang ilong, kurba ng labi, makapal na itim ng kaniyang kilay, pilik mata at kutis ng kaniyang balat ngunit namamayat na siya at tila ang laki ng naibawas niya, kung titignan at ihahantulad sa kaniyang dating katawan ay nakaka-awa na siya ngayon kung tingnan. Sobrang lamlam ng kaniyang mga mata kapag tinitigan sa malapitan.

Ilang saglit lang ay lumabas na siya sa banyo matapos maligo. Kakatwang isipin na kahit lunod na lunod siya sa sakit ay nakuha niyang maligo palagi, ang problema nga lang ay hindi ito halos na kumakain. At yon ang isa sa dahilan ng kaniyang biglaang pagbawas ng timbang at pagkapayat.

Bumaba si Maria Crisanta at walang ganang binuksan ang libro ng kaniyang pinag aralang degree. Pschology facts and human behavior with mental ill/disorder.

Nagbabasa siya roon at isa isang pinakatitigan ang mga litrato na na idrawing din niya. Ngunit tila may kakaiba sa kaniya, mahilig siyang tumingin sa gilid na parang may tumawag sa pangalan niya at pakatitigan niya ang gawing iyon at muli na namang magbabasa sa libro. Lalo niya pa itong nagagawa ng makalipas ng ilang araw, hindi rin siya mapakali sa paglingon at pagkamot ng kaniyang batok. At kung minsan ay parang kinokontrol siya ng isang remote dahil tumitigil na lamang bigla at bahagyang ngumingisi, at sa oras na malaman niyang bigla siyang ngumisi at sasampalin nito ng mahina ang sarili at kakamutin ang ulo.

Kasalukuyang nagtitipa ng cellphone si Maria Crisanta nang biglang makatanggap ito ng text mula sa international school aa kanilang board exam. At ang sabi sa text nang mabasa niya ito ay magbukas ng isinend na link at pindutin at panoorin ang announcement ng mga nakapasa.

Wala pa man ay tila hindi na mapakali si Maria Crisanta, ang kaniyang ulo ay inilinga-linga niya. Ngunit bago pa ang lahat ay nasa sarili pa siyang nagtipang muli at tumawag sa kaniyang dating tinulungan sa paseyenteng may sakit.

"H-Hello?" nakapag tatakang, nagtataka rin si Maria Crisanta sa pagsasalita sa linya gayong siya ang tumawag dito.

"Hello Ma'am Crisanta?" anang babae sa kabilang linya.

"Sino 'to?" nagtataka na namang sabi ni Crisanta, at matagal bago magsalita ang kabilang linya.

"Ma'am si Kleoffi po ito, bakit kayo napatawag?"

"K-Kleoffi?" hindi na maipaliwanag ni Crisanta ang sariling pagkalito. "Pwede ka bang p-pumunta?" dagdag nitong ani kay Kleoffi sa kabilang linya.

"Po? pumunta saan ma'am?"

"Bahay" ani Crisanta ng diretso.

"Sige po, papunta na" yon na lamang at biglang binaba ni Crisanta ang linya. Pahampas niyang inilapag ang cellphone niya at binuksan ang link sa kaniyang laptop.

Mataman na pinanood ni Maria Crisanta ang announcement, at habang nagsasalita doon ang Dean ng school ay naka appear na roon sa gilid ng screen ang list ng mga nakapasa sa board exam. Habang nagsasabi ng pangalan ng nakapasa ang Dean ay walang pakealam si Crisanta doon at idinikit ang sarili sa laptop at halos halikan niya na ang screen sa paghahanap ng kaniyang pangalan. Ngunit nakailang ulit na siyang pabalik-balik sa pag babasa ng mga nakapasa ay wala roon ang pangalan niya't hindi niya makita. Mainam niyang tiningnan muli ang video at pinindot ang playback, nakinig siya sa lahat ng pangalan na sasabihin ng Dean ngunit, halos hambalusin niya ang laptop dahil natapos na itong sabihin ang lahat ng passers ngunit hindi naisali ang kaniyang pangalan. Na sa kaniyang isip, isa lang ang ibig sabihin.. 'hindi ako nakapasa' ani niya sa kaniyang isipan.

Ngunit nakakapangilabot nang sabunutan niya ang sarili at tumawa tawa habang ang luha sa mga mata ay naroon at rumaragasa sa kaniyang pisngi.

Sakto at dumating si Kleoffi at nadatnan siya doon na iyak ng iyak at sabunot ang buhok. Halos makalbo na niya ang sarili.

Dinaganan ni Kleoffi si Crisanta at inaawat dahil sa ginagawa sa sarili. Kumuha ng tubig si Kleoffi at laking pasalamat nito nang kumalma ito.

Nagpaalam si Kleoffi na umuwi agad dahil tumawag ang isang nurse at kailangan si Kleoffi ng isang pasyente. Si Crisanta naman ay tumatawag sa kaniyang boyfriend dahil hindi na nito halos kaya ang lahat ng nararamdamang hirap.

Gabi na at hindi nakatulog si Maria Crisanta kung kaya't hindi niya akalaing matapos niyang subukang tawagan si Kevin ay nagring ang telepono nito at sinagot ito ng kaniyang nobyo.

"L-Love" ani Crisanta, ngunit matagal bago sumagot si Kevin at narinig ni Crisanta ang buntong-hininga nito sa kabilang linya.

"Uhm.. Sorry I wasn't able to call nor text you" ani Kevin.

"It's okay, naiintindihan kita. H-How are you?" mahinang ani Maria Crisanta.

"Hmm. Fine." tanging sagot ni Kevin dito.

"I- I missed you, love" mahina na ang boses ni Crisanta at tila gagaralgal na ano mang oras na pupuno pa siya ng sasabihin. "May sasabihin sana ako" ani Crisanta at nakapag desisyon nang sabihin lahat ng sakit at bigat na nararamdaman niya.

"May sasabihin din ako sa'yo" sagot ni Kevin sa kabilang linya, naantig naman ang interes ng nobya nito at naisip na baka para sa anniveesary nila ang patungkol na sasabihin dahil hindi sila nakapag celebrate dahil sa mga nangyari.

"M-Mauna kana, love" ani Crisanta, matagal bago sumagot si Kevin sa kabilang linya.

"Let's.. let's end this. Let's end us" bigla ay parang nabuhusan ng malamig na yelo sa buong katawan si Crisanta at hindi makapaniwala sa narinig ng kaniyang nobyo.

"Ha ano? B-Bakit? May problema ba tayo?" sunod sunod na tanong ng nobya nito.

"I'm tired of this relationship, I'm tired of us. I can't handle this anymore, Crisanta"

"Love..." ang tanging lumabas na salita ni Maria Crisanta at hindi na halos alam ang pwedeng sasabihin. Nang walang salitang tumugon ay pinatay na ng nobyo nito ang linya sa kabila at sa sobrang lalim sa pag-iisip ay nahawakan at nayakap ni Crisanta ang unan at iniyakap sa sarili. Doon ay hindi niya namalayang nakatulugan ng napakahabang oras ang kaniyang pag iyak at pag yakap ng sarili sa madilim at masulok na dulo ng kaniyang kwarto. Doon ay niyakap at pinuno nito ng kalungkutan, pagkabigo, sakit at kung ano anong halo-halong emosyon ang buong kwarto nito.

"Your Crazy Love" Where stories live. Discover now