Chapter 3

6 2 0
                                    

"William Scott Villanueva, the greatest, brilliant and incredible doctor of Villanueva Hospital, and also the owner, with his wife, Cristen L. Villanueva officially signing off. Farewell and you may rest in peace" malungkot na saad ng kanang kamay nila sa lahat ng nurses, staffs and personnel ng hospital. Ngunit may bahid doon ang pagka propesyunal nang bigkasin iyon dahil nilalabanan nito ang garalgal sa boses at ang pag patak ng mga luha.

Lalo lamang na humagolgol si Maria Crisanta matapos ang lahat ng nangyari, iniisip nito na wala na ang mahal sa buhay at ang kaniyang inspirasyon para sa kinuhang degree. Wala na ang lakas niya, at ang huling iniisip ay ang nobyo nito na kahit ilang ulit niyang tawagan ay hindi nito makontak.

Lutang na umuwi ng bahay si Maria Crisanta, nagdisesyon din ito na ipalimbing ng agaran ang ama upang hindi na siya lalong masaktan ngunit kahit ilibing man nito ng maaga o hindi, ang sakit na dulot ng pagkawala ng kaniyang mga magulang ay hindi nito maagang mawawala at dadalhin niya habang buhay ang sakit na iyon.

Alas syete na ng gabi at dumeretso si Maria Crisanta sa kaniyang kwarto. Hindi nito malaman ang gagawin, kahit ang kumain ay hindi na niya nagawa, ilang oras na rin ang nakalipas nang mahiga ito sa kaniyang kama ay napakatahimik niya. Gabing-gabi na at pumatak angbalas dose, hindi ito nakatulog kung kaya tumayo siya parang may kung ano sa sarili na bigla na lamang siyang ngumiti sa salamin at pinagmasdan ang sariling mukha. Napaka laki na ng eyebugs niya at halos ilang linggo lang ay namayat na ito. Ang kaniyang mga mata ay kumikislap dahil sa walang tigil na pagluha at maya-maya lang ay naiiyak at humahagolgol.

Hindi na nito alam ang gagawin at hinahanap hanap ang presensya ng kung sino, ngunit pakiramdam nito'y posibleng samahan ito ng taong nais niya dahil hindi halos sila nito nagkikita at nagkakausap. Hindi na halos siya natatawagan ng nobyo nito at maging ang text niya sa nobyo ay flood na at walang reply na natatanggap, gayunpaman ay lalo lamang siyang nagmukmok at lunod na lunod sa kaiisip kung bakit hindi siya sinasagot ng kaniyang nobyo. Tila wala na sa kaniya ang salitang pag-asa dahil sa sunod-sunod na nangyari. Ang sakit na nararamdaman niya ay tila hindi maikukumpara sa sampung track ng buhangin at bato na pinapasan niya. Nais nitong mailabas ang sakit at gustong mawala ngunit wala siyang lakas sa sarili na gawin iyon, maging ang isa niyang kasambahay ay umalis na rin sa pagtatrabaho sa kanila bilang kasambahay.

Pakiramdam ni Maria Crisanta ay nasa kaniya ang lahat ng sakit na mararamdaman ng lahat ng tao. At dumating sa punto na pati ang Diyos ay kinuwestiyon niya kung bakit ito nangyari sa kaniya.

Ilang beses siyang pumupunta sa simbahan upang kuwestiyunin lamang ang Panginoon. Muli ay sa tuwing babalik sa kanilang bahay ay nagkukulong sa kwarto at umiyak ng umiyak.

Isang gabi ay umiinom ng kape si Maria Crisanta at wala sa sarili palaging nakatingin sa malayo. Bigla ay nagring ang kaniyang telepono. Kahit pa nag-aantay ito sa kaniyang nobyo na tumawag ay wala na siyang lakas upang ipakitang interesante siya sa mga bagay bagay.

Dinampot niya ang cellphone niya at walang ganang tiningnan ang screen ngunit taka siyang tinitigan iyon bago sagutin dahil numero lamang naroon.

"Hello" malamyang ani Maria Crisanta.

"Ms. Maria Crisanta Villanueva, tama?" ani nito sa kabilang linya. Batid nitong lalaki ito dahil sa laki ng boses at makapangyarihang pagsasalita.

"Speaking" maikling sagot ni Maria Crisanta.

"This is officer Michael Caridad ma'am, may update na po sa driver na nakabunggo ni Mrs. Cristen L. Villanueva, ang pangalan po ng driver ay si Lito Katigbak. Nagmamay-ari ng truck at kasalukuyang business owner ng kaniyang dinideliver" pagpapaliwanag ng police kay Maria Crisanta.

Napabuntong hininga lamang si Maria Crisanta dahil sa kawalan ng reaksyon sa nalaman at sinabi ng police.

"Huwag niyo na siyang ikulong" anang Maria Crisanta, may bahid na luha sa kaniyang mga mata.

"Kami na po ang bahala Ma'am" sabi ni police officer Michael Caridad.

"No. Let him free, don't accuse him anything" mataray na ani Maria Crisanta ngunit may bahid na hina sa boses at ang kaniyang mga luha sa mga mata ay halos namumuo na at ilang saglit lang ay tumulo na ang luha nito sa pisngi. Agaran siyang suminghap at sinusubukan na ibalik ang namumuong luha sa mga mata upang hindi ito magpatuloy sa pagtulo.

"Sige ma'am"

"Thank you" at ibinaba na nito ang linya matapos.

"Huwag ka nang umiyak"

"Sa mundong pabago-bago"

"Pag-ibig ko ay, totoo..

"Ako, ang iyong bangka..

"Kung magalit man ang alon ng panahon..

"Sabay tayong aahon"

Bigla ay nagplay ang cellphone ni Maria Crisanta ng kanta at halos ramdam niya ang sakit at pighati sa buong sarili. Hindi halos mapangalanan ang nararamdaman, tila ang kantang iyon ang nagsasabi ng kaniyang nararamdamang hindi niya mailabas.

Sa pwesto niyang iyon ay bahagyang sunod-sunod na pumapatak ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata at ng ilang sandali ay hindi na nito makayanan ang sakit na dulot ay humagolgol na ito. Pilit pa nitong huwag lagyan ng ingay ang pag-iyak ngunit halos umiiktad siya sa kinauupuan dahil sa hirap ng paghinga. Kung kaya't nauuwi sa malakas na hagulgol at hikbi ang kaniyang nagagawa sa pag-iyak.

Ilang minuto pa, hanggang sa umabot ng oras ay hindi nito alintana ang basang basa niyang damit, iyak pa rin ng iyak si Maria Crisanta sa salas nila at pinakatitigan ang picture frame na naroon sa kaniyang unahan at banda ng kaniyang gawing mesa.

Tila nilamon siya ng kalungkutan at hindi na alam ang maaari pang gawin kung kaya't tumawa siya at tinulungan ang sariling pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Malawak ang kanilang kusina at halos makikita ang napakagandang view sa labas at makikita rin ang tabing dagat at sa kabila niyon ang kalsada at ang kay layong bundok. Doon ay napaupo siya sa upuan ng kanilang kusina, at muling naiyak nang makita ang tanawin. Tila malayo ang kaniyang pananaw at inuudyok ang kaniyang isipang alalahanin ang magaganda at masasayang alaala ng kaniyang mga magulang.

"Your Crazy Love" Where stories live. Discover now