Special Chapter

9 1 0
                                    

Kausap ko ngayon ang Psychiatrist ni Maria Crisanta at inaalam ang mga nangyari.

"Noong mga naunang buwan, magkasunod na namatay ang parents ni Maria Crisanta. Ang kaniyang ina ay nabunggo ng malaking truck dahil nawalan ito ng preno, ang ama naman ni Maria Crisanta makalipas ang ilang araw ay ininom ang gamot na maaaring makapag babawi ng buhay dahil siguro sa matinding sakit na naramdaman nang mawala ang asawa kaya nagawa nitong kitilin ang sariling buhay" ani ng Psychiatrist.

"S-Si Crisanta po, a-anong- what happen to her?" hindi ko na alam bakit garalgal ang aking boses at nanghihina ako sa aking mga nalalaman.

"Basta sinabi sa akin ng kag-graduate pa lang na student dito si Kleoffi Serano. Ang sabi niya tumawag sa kaniya si Maria Crisanta ng araw na iyon, nadatnan niyang hinahamapas ang mga kagamitan sa kanilang bahay, pati ang sarili ay nagawa nang saktan dahil hindi nito natanggap agad na hindi nakapasa sa board exam ng kaniyang degree na kinuha" paliwanag nito sa akin at tila mas humina ang aking pandinig at paulit ulit na inalala ang gabing iyon kung saan tumawag ako at nakipag hiwalay sa kaniya.

Hindi ko lubos maisip na lahat ng masakit at masaklap na dinaranas niya'y hindi nito sinabi sa akin. Itinago nito lahat ang sakit na naramdaman at hindi man lang tumawag sa akin. Walang wala akong ideya sa nangyayari sa kaniya. Sinisisi ko ang aking sarili dahil sa aking ka walang alam.

Sa aking naramdamang pag-iisa at kawalan ng lakas sa trabaho ay wala lamang sa aking nalalaman kay Crisanta. Lalo ko pang nasisi ang sarili dahil nagawa kong iwanan siya at hindi inintindi ang lagay nito. Sa halip nahulog ako sa ibang babae.

Nagsisisi ako. Habang si Crisanta ay lumalaban sa bawat sakit na dinaranas, nadagdagan nang hindi ito makapasa sa board exam dahil sa kaniyang kalungkutan at nagawa kong hiwalayan at hindi inintindi. Napakamakasarili ko.

Ilang linggo na ang nakalipas matapos kong malaman ang lahat. Ngayon ay kailangan ng operahan ni Daniela. Hindi ko na muling nakita pa si Crisanta kahit na dumadalaw ako sa hospital nila. Lagi ay si Daniela ang sadya ko kahit na inaaalala ko rin ang lagay ni Crisanta. Nasasaktan ako tuwing nakikita siya. Nasasaktan ako tuwing makikita at maiisip na ako ang dahilan kung bakit siya nagka ganito ngayon. Nagkaroon siya ng sakit na ganoon ng dahil sa akin, ang malala pa ay siya mismo ang naging pasyente sa pagiging magaling niya sa pag-aalaga ng may ganoong sakit. Sobrang sakit isipin na iyon ang katotohanan nang dahil sa akin.

"Sir Kevin Damon" ani Doctor nang matapos na ang operasyon. Doon lamang ako sa kapilya at nananalangin para sa successful na operasyon ni Daniela. Ngayon ay bumalik ako upang tingnan muli ang lagay nito.

"Doc, kamusta po?"

"Pasensya na, pero hindi kinaya ng pasyente. Kailangan nito ng maaaring magdonor ng puso para sa kaniya" Ani Doc. Nasapo ko ang sariling noo. Walang paglagyan ang kaba at pag-aalala ang aking puso't isipan. Saan na lamang ako makakahanap ng heart donor? Ayaw ko ring mawala si Daniela.

Bumalik na ako sa loob ng kwarto ni Daniela at ipinasok na rin siya kanina pa. Hindi ito nagigising at tila napakatahimik ng buong kwarto niya. Ang machine lamang na naroon sa kaniyang ulunan ang maingay at masakit sa aking tingnan ang mga nakasaksak at nakasalampak sa kaniyang katawan, kamay maging sa ulo nito mula sa machine. At ang hose nito sa ilong na nagmula sa tangki ng oxygen na nagbibigay at nagdurugtong sa kaniyang paghinga.

Maya-maya lang ay napag-isipan kong umuwi muna at ipag-utos na ayusin ang gamit ni Daniela sa opisina nito at iuwi sa aming bahay. Nang makauwi ako ay saktong nandoon ang aking mga magulang at nagtatanghalian. Hindi pa kami magkaayos nito kung kaya't deretso akong pumasok at naglakad paakyat ng hagdan sa aking kwarto. Ngunit nakailang hakbang pa lamang ako sa hagdan ay tinawag ako ni Mommy.

"Anak" ani nito, lumingon ako at tumingin si Daddy sa akin.

"Sabayan mo na kaming mag tanghalian" ani Mommy ngunit tila wala ako sa sarili para kumain. Masyadong nauukopa ang aking isipan at kakaisip kay Daniela. Alalang-alala na ako dito.

"I'm not hungry" malamig kong ani at nagpatuloy sa paglalakad.

"Son, please join us" bigla ay nagsalita si Daddy kung kaya't lumingon ako at wala sa sariling bumaba at lumapit sa table at naupo roon. Ipinag-utos ni daddy agad na kuhanan ako ng plato sa aming kasambahay at agaran nitong ginawa.

Matamlay akong tumitig sa pagkain at walang kilos na ginawa. Naramdaman ko na lamang na lumapit sa aking tabi si Daddy at bigla ay bumuhos ang aking mga luha nang tapikin nito ang aking balikat at haplusin ang aking likuran. Tumabi naman si Mommy at hinawak ang aking kamay at pisngi. Iniyakap ako ng aking ama sa kaniya at doon nasubsob ko ang aking mukha at upang maitago ang aking paghagulgol.

Doon ko lang naramdaman ang matinding sakit at pagsisisi. Ang aking buong katawan at sistema ay nanghihina at hindi alam ang maaaring gawin. Masyado na nga akong nanghihina at patuloy lamang sa pag-iyak, habang patuloy rin sa pag alo ang aking mga magulang sa akin.

Nandito na ako sa loob ng aking kwarto at sumasakit na ang aking ulo kaiisip. Bigla ay nagring ang aking cellphone.

"Sir, si Kleoffi ito. Mayroon na raw pong heart donor si Ma'am Daniela, at pinapasabi ng doctor niya kung ayos ba sa iyo na gawin ang operasyon bukas na bukas?" Sabi nito sa kabilang linya nang sagutin ko kung kaya't napabuntong-hininga ako sa tuwa at nagpasalamat dahil mapapanatag rin ang aking isipan at puso sa pag-aalala ngunit ang inaalala na lamang ay ang operasyon at hinihiling sa Panginoon na maging matagumpay.

Maaga akong pumunta sa hospital at dumeretso na sa desk nang makita ako ng Doctor na aasikaso sa girlfriend ko. Tinawag niya ako kaya sabay kami na pumunta paakyat at gulat akong napatitig sa kaniya dahil ngayon na pala ang gagawing operasyon.

Nasa OR na si Daniela at ako naman ay pumasok sa kwarto niya at inilapag ang dinala kong bulaklak. Ngunit bago ako pumasok ay taka kong nakita ang kabilang kwarto. Kwarto ni Maria Crisanta. Madilim at kaunting ilaw lang ang naroon, hindi ko lubos maaninag kung naroon ba siya.

Natapos na rin ang operasyon ni Daniela at laking pasalamat kong matagumpay ito. Nandito na kaming muli sa kanyang kwarto at nasisilayan ko na ang kaniyang ngiti. Kumakain rin si Daniela ngayon ng lugaw. Biglang kumatok si Kleoffi at nagpaalam na gusto akong makausap. Lumabas ako at umupo kami sa pasilyo na naroon.

"Ano iyon Kleoffi?" pagbubukas ko sa usapan.

"Kamusta ka?" tanong nito sa akin at naguluhan ako.

"M-Maayos"

"Gaano ka ayos?"

"Uhm..."

"Si Ma'am Maria Crisanta ang heart donor ng girlfriend mo" malungkot niyang saad at gulat na tumitig sa kaniya. I can't believe it. "Minsang naging matino ang isip niya at nakausap ako, ikiniwento ka niya sa akin Sir, at nasabi ko rin na may nobya kana at nangangailangan ng heart donor" naistatwa ako sa kaniyang sinabi sa akin.

"W-Where is she?" taka ko pa itong hinanap kahit alam at alam ko na ang maaaring sagot, garalgal naman ang boses ko sa pagkabigla at hindi makapaniwala. Sa kabilang banda ay lalo pa akong nilamon ng pagsisisi, ngunit wala akong nagawa kundi harapin ito. Ang sakit.

"Hiniling niya pong ipacrimate ang kaniyang katawan, at gusto niya pong iuwi niyo siya sa kanilang bahay at ilagay siya sa kanilang altar" umiling si Kleoffi bago iyon sabihin sa akin. Malapit na ring mangilid ang mga luha nito at nang hindi ko pa namalayan ay tumulo na nang tuluyan ang kaniyang mga luha, agad naman niya itong pinahid.

Hindi ko maipaliwanag ang namumuo at panibagong sakit na nararamdaman. Hindi ko lubos maisip na ako pa ang higit na may kasalanan pero si Crisanta pa itong nagdugtong ng buhay kay Daniela, ang babae na siyang ipinalit ko sa kaniya. Parang hindi ko na halos makilala ang aking sarili, ang lahat ng sakit at pagsisisi na aking nararamdaman ay kinikwestiyon ko kung tama bang makaramdam ako ng ganito gayong ang konsensya ko ang ngayo'y dahan-dahan na umiiral at kumikilos sa buong sistema ko.

"Please take care of my heart, Love. Mahal na mahal kita" ang maliit na card na nakabitay at maayos na pagkakaribbon sa maliit na taklob ng abo na niyang katawan. At sa baba niyon nakasulat ang kaniyang pangalan. "Maria Crisanta Villanueva, your Psychology Doctor"

END

"Your Crazy Love" Where stories live. Discover now