Chapter 1: The start of new love.

94 4 2
                                    

Ako nga pala si Beatrice Anne Ramos. 18 years old na pero hindi pa rin nagkaka-lovelife. Bakit? Kasi I'm waiting for that someone who deserves me. Who's worth the wait. Gusto ko kasi yung first boyfriend ko, siya na yung last at mapapangasawa ko. Hindi naman imposible diba? Basta maalam ka lang mag-antay.

Meron akong guy bestfriend, si Clark John Lopez. Ever since we're in Elementary, close na kami. Hindi ko rin alam kung pano. Siguro kasi nasasakyan namin trip ng isa't isa. Tapos nung nag-high school na kami, iisa pa rin kami ng pinasukang school. At dun ko na rin naramdaman na MAHAL KO NA SIYA. Kaya lang, nung 2nd year HS na kami, nagka-girlfriend siya. Masaket. Kasi akala ko siya na. Siya na yung mapapangasawa ko, siya na yung inaantay ko, hindi pala, nagkamali ako. Yung sa araw-araw na ginawa ng Diyos, makikita ko silang sweet ng girlfriend niya. At ang matindi pa neto, sakin humihingi ng tulong si John pag nagkakaproblema sila. Saket noh? Pero wala kong magawa kundi tiisin na lang. Mahal ko siya e. Ganun talaga, WILLING AKONG MAGPAKATANGA BASTA PARA SA KANYA. Martyr e. Masokista.

At ngayon hindi ko alam kung matutuwa ba ko para sa sarili ko o malulungkot para sa bestfriend ko kasi wala na sila ni Alexa, ang girlfriend niya for 4 years. Ang tagal ko tong hinintay, yung magkahiwalay sila. HAHAHAHAHAHAHAHA! *evil laugh* but I feel sorry for my bestfriend naman. Tumatawag siya sa kin almost everyday and he's crying. I feel sorry for him. Nakipagbreak kasi si Alexa sa kanya because of another guy. Masakit yun kahit hindi ko pa naman nararamdaman yun. HAHA. Pero yun nga. At eto, dumating na yung araw na hinihintay ko. Yung araw na tatanungin niya ko kung pwede ako na lang, ako na lang yung mahalin niya pang habangbuhay.

------------------------------

"Beaaaa! Naririnig mo ba sinasabi mo???!"

"Oo naman! Anong problema sa sinabi ko?"

"You're asking me what's the problem huh? Look, NBSB ka. Your reason is because you're waiting for that someone who deserves you and you're saving yourself for the best. Tapos ngayon papayag kang maging REBOUND? SERIOUSLY BEA?"

"Pwede chumill ka lang? Sino ba naman kasing may sabing rebound ako ha? Ang tagal na nilang wala ng girlfriend niya. 4 months na oh."

"OO. 4 months na silang wala. Pero 4 YEARS LANG NAMAN PO KAYA YUNG PINAGSAMAHAN NILA. So malamang hindi kaagad yun mawawala. At baka nga hindi na mawala yung feelings nila sa isa't isa e."

"E kung hindi naman pala mawawala, bakit sila nagbreak diba?"

"Wag mo kong pilosopohin Beatrice ha."

"I don't see anything wrong naman kasi if sasagutin ko yung bestfriend ko diba?!"

"Bulag ka na rin ba? I'm not saying na mali but you don't deserve that kind of relationship wherein you're a rebound! Alam ko kung gano mo kamahal yang bespren mo pero Beatrice naman, paminsan minsan isipin mo rin yung sarili mo. Hindi lang lagi yung bespren mo na mahal na mahal mo."

"Pero Stacey, ang tagal ko tong hinintay. Yung mapansin ng bespren ko, yung ako yung mahalin ng bespren ko. Eto na o, eto na yung pagkakataon, TATANGGIHAN KO PA BA?"

"Bea, pag-isipan mo munang mabuti yan. Wag puro puso paganahin. Minsan ginagamitan rin ng utak yan. Di porket mahal mo, sasagutin mo na. Isipin mo rin kung worthy ba siya ng pagmamahal na ibibigay mo sa kanya."

Pinagsabihan na naman ako ni Stacey, my girl bestfriend na halos magkapatid na kami kung magturingan. May point siya, dapat pag-isipan ko muna, pero kasi mahal ko si John. Ayakong palampasin tong pagkakataon na to.

"Stacey, mahal na mahal ko si John, alam mo yun. Ayakong aksayahin tong pagkakataon na binigay sakin ni Lord."

"Hayy Bea, di ka talaga mapigilan pagdating sa bespren mong yan. Basta ako, pinagsabihan kita. Binalaan kita na may possibility na masaktan ka."

"Sa love, masasaktan at masasaktan ka talaga, kahit anong iwas pang gawin mo. And I know John is worth the pain. Alam ko na safe ako sa kanya, na di niya ko hahayaang masaktan."

After naming mag-usap ni Stacey, nakipagkita na ko kay John. Nag-usap kami tungkol sa mga bagay bagay. After ilang minutes na pag-uusap, nagkaron ng katahimikan. Tapos nagsalitang bigla si John.

"Bes, about dun sa tinatanong ko sayo, yung ano, yung kung pwede ba kitang maging ano, hm, girlfriend. Hmmm, pwede ba?"

Napatingin ako sa kanya, nakatingin na siya sakin. Halos magkadikit na yung mukha namin at sinabi ko sa  kanya na,

"OO BES. Sinasagot na kita. Pumapayag ako. May tiwala ako sayo."

Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko, basta alam ko sasaya ko dito. Ginusto ko to, lahat gagawin ko, wag lang mawala sakin to.

-----------------

A/N: Corny ba? Sorry na, di naman ako ganun kagaling magsulat ng story e. But I swear, papagandahin ko pa to. So just keep on reading. At kung may suggestions kayo, comment lang. Hihi. Thanks for reading this chapter! :") <3

From bestfriends to rebound to true love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon