Chapter 2: The Necklace

60 1 0
                                    

CJ's POV 

"Bes, about dun sa tinatanong ko sayo, yung ano, yung kung pwede ba kitang maging ano, hm, girlfriend. Hmmm, pwede ba?"

Nagkatinginan kaming dalawa. Sa sobrang dikit namin, para ng magdidikit ang mga labi namin.

"OO BES. Sinasagot na kita. Pumapayag ako. May tiwala ako sayo."

"Talaga bes? SALAMAT! MAHAL TALAGA KITA!" sabi ko at bigla ko siyang niyakap.

Nung narinig ko yung sagot niya, hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano. Alam ko mali tong ginawa ko, na gawing REBOUND YUNG BESTFRIEND KO. Oo. Inaamin ko, panakip butas lang siya at ang buong akala niya e mahal ko talaga siya. Pero kasi eto lang yung naisip kong paraan para makalimutan ko si Alexa. Para hindi ko maramdaman na mag-isa ko. Matututunan ko din mahalin ang bestfriend ko. SANA.

"May ibibigay ako sayo."  sabay bunot sa bulsa ko ang kwintas na dapat ay ibibigay ko kay Alexa pero dahil nga sa nagbreak kami, hindi ko na ito nabigay.

"Wow! Ang ganda! Star!" kitang kita ko kung gano siya kasaya habang sinusuot ko sa kanya ang kwintas.

"Star yan kasi ikaw yung laging nagbibigay liwanag sakin sa twing madilim na yung buhay ko. Yung nakakapagpasaya sakin sa twing malungkot ako. Ingatan mo yan. Tanda yan ng friendship natin at ng pagmamahal ko sayo." Hindi ko alam kung san ko hinugot ang mga sinabi ko pero totoo naman lahat yun. Kaya lang ang pagmamahal ko lang talaga sa kanya ay bilang kaibigan lang. Feeling ko ang sama sama ko sa mga pagkakataong to pero wala kong magawa. Desperado na talaga kong makalimutan si Alexa.

Nakita ko ang mga ngiti sa labi niya at ang mga mata niyang halos mangiyak ngiyak na habang sinabi ko iyon.

"Hindi ko na-imagine to. Na mangyayari satin to. Inaamin ko mahal na kita noon pa pero dahil sa may girlfriend ka, wala akong magawa kundi ang tumunganga. At eto na nga yung pagkakataon, yung mahal mo na rin ako. Ang sarap pala sa pakiramdam. Salamat bes. Salamat kasi napansin mo rin ako at minahal mo rin ako." sabay tulo ng luha niya.

"Bakit ka umiiyak? Tahan na. Mahal na nga kita e."

"Sobrang saya ko lang kasi. Hindi ako makapaniwala na boyfriend na kita. Hindi na bestfriend lang. Ang sarap sa pakiramdam." unti unti na siyang tumatahan.

At ako naman ay unti unting nakokonsensya. Alam kong mali to pero dadating din yung time na mahal ko na rin talaga ang besfriend ko.

-------------------------

A/N: Alam ko sobrang tagal kong mag-update! Summer pa to. Sorry na po. Nanuod po kasi ako ng Kdramas para makahugot ng inspirasyon. (。⁀ ᗢ ⁀。) Sana nagustuhan niyo update ko. May kasunod pa po yan. Mahaba-habang story to. Haha! Joke lang. Pero may kasunod pa po yan. Thanks sa mga nagbabasa ng story na to pati dun sa mga nagvote. Love you! Siguro next week or next next week yung kasunod na update. Exam ko na this coming week e. Again, thank you!  ♥~(‘▽^人)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From bestfriends to rebound to true love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon