“Thanks sa paghatid pero hindi naman kailangan. May kailangan ba kayo sa'kin?” Alanganing tanong ni ate Rems habang palipat lipat ang tingin sa akin at kay Esther na determinadong hinatid siya sa tinutuluyan niya kahit pa medyo gabi na.
“May tanong lang po sana.” Si Esther nanaman ang nagsalita para sa akin. Hindi ko alam kung saan ba nakukuha ni Esther ang katapangan niya pero saludo ako sa kapal ng muka niya.
Napakurap si ate Rems saka dahang dahang tumango. “Okay?”
“Kilala niyo daw po yung ex ni Timothee?”
Napakurap muli si ate Rems.
“Si kuya Jam?”
Agad napahampas sa akin si Esther na hinampas ko naman pabalik kapwa tumitili on the inside kasi pusang gala, kilala nga ni ate Rems.
“Opo!” Napaubo pa ako. “May alam ka ba teh kung ba't sila naghiwalay?”
Napaisip ito, nagkatinginan nalang kami ni Esther, parehong hindi na makapaghintay.
“Hindi ko alam eh. Basta nalaman ko nalang kay kuya na hiwalay na sila.”
“Third party ba?” Suhestyon ko.
Umiling ito. “Malabo, hindi naman cheater si Tim eh.”
“Fell out of love!” Ani Esther.
Napatingin sa amin si ate Rems. “Posible. Hindi ko alam. Bakit niyo natanong?”
Hindi kami pareho nakakibo dahil ang creepy tingnan kung iisipin na sinundan pa namin si ate Rems para lang tanungin kung sino yung ex ni Timothee dahil lang may crush ako sa kanya. Stalker much.
Ate Rems seemed to have figured it out though dahil lumawak ang ngiti nito. “If one of you likes him, I think naman may chance kayo.”
Pareho kaming napasinghap ni Esther. “Ano po?!”
Ate Remy laughed. “Timothee dated Hope before kuya Jam. So baka Bi siya? I never asked.”
Esther let out a sigh. “Oh my god.”
Napakurap ako. “Sino po?”
“Hope. Kaaway ni Timothee noon. Ang alam ko nagsabunutan pa nga sila eh. Tapos nagulat nalang ako nang makita ko sila sa may milktea shop magkasama. Araw araw.”
Timothee liking a girl?
“In my opinion,” Ate Rems smiled. “I think it's best if you guys like him without expecting anything in return. Tim is a very secretive guy kahit pa masyado itong open. You'll never know with him. Minsan sobrang transparent, minsan naman sobrang secretive na akala mo anytime matotokhang.” She laughed at her own joke. “Walang nakakaalam kung anong nasa isip nito maliban siguro kay Maxy at Gabi pero kahit nga sila, hindi updated sa ginagawa ni Timothee. Magugulat nalang sila may sumusugod na na babae sa table nila kasi may nilandi pala si Tim kahit may jowa na.”
I bit my lips, can't ignore the weird feeling in my chest.
“Yun lang.” She shrugs, as she starts walking backwards towards her place. “Ah may alam akong useful information though.” Ate Rems grinned. “Hope said baliw si Timo magmahal. Torpe. Pero solid. And he really likes turon. Good luck sa inyo!”
And with a last wave, she was gone.
Pareho kaming tahimik mula sa bus hanggang sa makarating kami sa may campus. Napagalitan pa kami ni manong Guard kasi late na daw masyado at kung 'di lang ka-close ni Esther yung mga tao sa kabilang room namin, malamang hindi na din kami nabuksan ng gate.
YOU ARE READING
Chasing Rainbows
Humor🌈 A quirky love triangle between two gays and a girl who's busy chasing rainbows even though there's no pots of gold on the other end- just chaos. Rainbow-colored chaos. /on-going.