A/N: Rough draft, unedited, nakalimutan ko na din flow ng story pero push q lungs. DI KO NA ALAM OMG.
—“So next week, finals na for this semester. I may include the lesson from last week.”
Dahan dahang naglaho ang boses ng professor namin dahil sa masyado kong pag-focus sa orasan na patuloy sa pagtakbo. 'Di ako mapakali at 'di na ako makapaghintay habang inaabangan ang bawat pag-usad ng orasan.
“Coco, tumigil ka nga.” Rinig kong sita pa sa akin ni Connor pero wala na akong pake, excited na ako at 'pag ako excited, 'di talaga ako matatahimik.
Napakagat ako sa labi ko.
Limang segundo.
Isa, dalawa, tatlo...
“Class dismissed.”
Pagkasabing pagkasabi nun ng professor namin ay kumaripas agad ako ng takbo. Rinig ko ang inis na sita ng prof at ang tawanan ng mga kaklase ko pero wala na akong pake. Pagkalabas na pagkalabas ko ay kitang kita ko na ang mga kaklase kong nagsasabit ng mga banderitas.
Mas lalo lang akong napangiti. Ang sarap talaga kapag walang klase.
Sports fest namin. Dapat talaga walang klase ang kaso epal ang professor namin at nagpa-special class. 'Hihiramin' niya lang naman daw kasi ang isang oras namin bago magsimula ang mismong event. Asus, nagpasobra nga siya ng 30 minutes.
“Hoy bruha sandali!”
Napairap ako. Palagi nalang bang ganito? “Connor 'di na ako bata para bantayan mo!” Sigaw ko pabalik.
Ngayon ko lang napansin na halos araw araw palagi niya nalang akong hinahabol kung saan saan. Konti nalang iisipin kong aso siya tapos ako amo niya. Pusang gala naman, 'di naman na ako bata. College na kami oh.
“Then act like it. 'Wag mong ipapahiya ang sarili mo sa harap ng maraming tao.”
“Ay pusang gala.” Halos atakihin ako sa puso nang sumlpot sa tabi ko si Connor. Pawis na pawis ang muka nito pero kahit ganoon walang emosyon itong nakatingin sa akin.
“Ang chaka mo.” Anito bigla at inunahan akong tumakbo.
Napakurap ako ng ilang segundo bago nagsink sa akin ang sinabi niya.
“Walangya kang bakla ka!” Agad ko siyang hinabol at lumambitin sa leeg nito. “Mas panget ka!” Atake ko pa. Naramdaman kong pumulupot ang kamay niya sa binti ko. Akala ko ibababa na ako nito ngunit bigla lang itong tumakbo ng mabalis kaya imbes na sabunutan siya ay napayakap nalang ako sa leeg niya dahil sa gulat.
Bwisit, nadali niya ako.
“Sasakalin kita kapag bumagal ka.” Bulong ko sa kanya. Rinig kong tumawa ito ng mahina bago umiling.
“Yes madame.”
Halos ilang minuto din kami naghintay ng masasakyan papuntang local gym dahil sa sobrang dami ng tao. Traffic, ang init, ang usok. Plus hindi pa kami nakapag-breakfast dahil busy sa cheer na gagawin for each team.
Pagkarating namin ay agad na nagreklamo sa nanakit nitong likod ang kawawang si Connor. Reklamo ito ng reklamo habang papasok, kesyo ang bigat ko daw kahit ang liit ko naman pero hindi ko nalang ito pinansin dahil puno na ang buong gymnasium galing sa iba't ibang kalapit na school. Deadma lang.
“Wala bang special seat of vip seat na inihanda si Esther para sa atin?” Bulong pa nito
Napakibit balikat ako. “Aba malay ko. Muka ba akong nanay ng bruha?”
Inirapan ako nito. “Mukang yaya lang.”
Akmang hahampasin ko ito nang bigla nalang ako nitong hatakin papunta sa grupo ng iilang estudyanteng pamilyar ako. Same ID lace at may mga banners kaya alam kong nasa tamang side kami kahit papaano. Masyadong maraming tao pero nagawa parin ni Connor maisiksik kami sa dagat ng mga tao.
YOU ARE READING
Chasing Rainbows
Humor🌈 A quirky love triangle between two gays and a girl who's busy chasing rainbows even though there's no pots of gold on the other end- just chaos. Rainbow-colored chaos. /on-going.