1: Timothee

2.1K 106 29
                                    

C O C O


“You? Like? Connor?”

Nakangiti ako ng malawak habang tumatango tango sa tanong ng kaibigan ko. Sam casually nodded bago tiningnan si Connor na busy sa pakikipag-chika sa isa naming kaklaseng babae.

“Connor's gay, Connie. Bakit siya?” Tanong niya pa. She still can't believe na si Connor ang gusto ko.

“Last year ko lang na-realize. Noong junior prom natin. Ang gwapo niya kasi tsaka ang sarap niyang kasama. And I think I'm in love with him.” I giggled sabay sulyap ulit kay Connor. Samantha grabbed both of my shoulders saka ako tinitigan ng mabuti.

“Connie, listen to me and listen to yourself. Connor is gay. Bakla, beki, bading, homosapie—”

“Homosexual.” Pangcocorrect ko.

“—Homosexual nga, Oo nga. Kahit ano pang term, bakla si Connor beh. Hindi naman natin masasabing bisexual siya kasi beh mas malambot pa siya sa pinakuluang cotton candy.” She stated exasperatedly. Nakunot nalang ang noo ko saka sumulyap ulit kay Connor na ngayon ay tumitili tili habang may pinapanood silang something sa phone.

Is there something wrong with that?

“But I should listen to my own heart, right?” Seryoso kong sabi habang nakatitig padin kay Connor. Connor has been my bestest friend simula grade seven. Kahit na binubully niya ako nung una dahil daw ang oldies ng pangalan ko but in the end, naging close friend naman kami.

“Coco, 'wag si Connor. I don't want you getting hurt, you know that right?” Sam gave me a sad smile sabay yakap sa akin. For a moment, my chest tightened na para bang pinipiga ito. Her embrace comforted me somehow.

“Wag siya okay?” She kissed my forehead saka humiwalay na sa akin.

Sam warned me. Sam told me na sakit lang ang aabutin ko kay Connor. She told me na hindi lahat ng nababasa ko sa libro ay nangyayari sa totoong buhay. She told me to stop my fantasies about a gay liking me. She told me to stop my feelings for Connor.

But I was too dumb back then.

Patuloy akong nagkagusto kay Connor.

We became even closer. So close to the point na he'll let me kiss his cheeks. Magkatabi kaming matulog minsan. It's just like what I imagined. For the first time, akala ko mutual ang nararamdaman namin.

I thought that what we had was something special. It was just like the stories I've read. Nararamdaman ko namang nagsiselos siya minsan, nararamdaman ko namang gusto niya din ako. So I made a letter meant for him.

Tsaka, anong masama kung sumubok diba?

“Baks anong ginagawa natin dito?” Kunot-noo niyang tanong. It was our senior promenade. Dinala ko siya sa field ng school kung saan madilim at tahimik ang buong paligid.

Naupo kami sa grand stand sa tabi ng soccer field. May dala siyang plato ng pagkain at coke samantalang ako ay walang ibang dala kundi ang letter ko para sa kanya. Last year naman na namin sa highschool kaya susubok na ako.

“Connor, we've been friends since grade 7 right?” I started, supressing a smile. Kumagat ito sa kinakain niya saka tumatango akong tiningnan, medyo nagtataka.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now