Chapter 4

10 2 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang nagpapatugtog ng iba't ibang kanta mula sa playlist ko. Matutulog na sana ako pero napagdesisyonan kong i-stalk siya dahil hindi rin naman siya mawala sa isip ko.

I searched for his name on Facebook. Then, I stared at the loading symbol as it keeps rotating slowly. Argh, why does it have to be so slow?

Impit akong napasigaw nang biglang lumabas sa unahan ang pangalan niya.

OMG! Zixx Byron Fabroa. Pangalan pa lang halatang gwapo na! Paano pa kaya kung makikita mo siya nang malapitan, baka mahimatay ka.

What? Ano ba itong iniisip ko? Masyado na akong nagiging obsessed sa kaniya. Buti na lang hindi talaga ako literal na nahimatay nu’ng nakasama ko siya.

Shet, ang gwapo!” tili ko.

His profile picture was a candid side view photo of him while wearing a black short sleeve button down polo-shirt that perfectly suits his body. He was smiling while holding his black aesthetic sunglasses. He look so good yet he’s also hot as he shows his manly shaped jawline. His background were at the beach but he was solo.

Talaga nga naman! Sino bang hindi magkakagusto sa’yo? Tindig mo pa lang parang mawawalan na ako ng hininga.

Kulang ang salitang gwapo para lang mapatunayan na nakakaakit talaga siyang tingnan. Mula sa kaniyang medyo maiksi pero maayos na buhok, pababa sa kaniyang mapupungay na mga mata, tamang hugis ng ilong, at ang isa sa mga paborito kong features ng mukha niya, ang kaniyang labi. Mapula iyon at talagang hindi na kailangan pang lagyan ng kung ano man para lang pumula.

Gustong-gusto ko talagang laging tingnan ang mukha niya. Ngayong nakita kong nakaside view siya, parang naging paborito ko na rin tuloy ang side view pose niya.

Tinititigan ko iyon pero hindi man lang ako nagsawa. Ililipat ko na sana ang picture nang bigla kong mapindot ang like button.

Gagi! Warahel! OMG! Aaaaaah!” I panicked. How can I undo this?

Kapag tinanggal ko ang like, siguradong makikita niya iyon. Kapag naman hindi ko tinanggal, mapaghahalataan akong nag-stalk sa kaniya. Oh, shet! What to do?!

Agad-agad kong inexit ang Facebook App at dumiretso sa Messenger. Nagpapanic na ako at hindi ko alam ang gagawin.

Nagulat ako nang may biglang magnotif sa akin. Nagchat siya! Binuksan ko ang chat niya, at nakalagay doon ang isang mensahe. Dahil sa sobrang gulat ay nabitawan ko ang aking cellphone. Tumama iyon sa aking mukha at agad naman akong napa-aray.

“Aw, ang sakit!” saad ko habang hinahaplos ang noo kong natamaan.

“Are you okay?” rinig kong sambit ng isang baritonong boses.

Nanlaki ang mata ko at agad na napatingin sa aking cellphone.

Watda!

Hindi ako nakagalaw. Kung hindi ko pa marerealize na nakikita ko siya ay hindi ko pa agad mapapatay ang aking cellphone.

Shet na malagket! Natawagan ko siya! At hindi lang iyon! Video call pa!

Ito na ata ang pinaka-nakakahiyang nagawa ko sa aking buong buhay. Dalawang magkasunod pa talaga!

Agad kong tiningnan ang aking cellphone nang bigla iyong magvibrate. Hala, anong gagawin ko?

Gusto ko siyang makita at makausap pero nagtatalo ang isip at puso ko. Sabi ng puso ko, “teh kausapin mo na siya!”, samantalang ang sinasabi naman ng isip ko ay, “teh, nakakahiya ka!”. 

Hindi ko na alam ang gagawin. Sabihin ko kaya na nakatulog ako? Kaso para naman akong tanga no’n pagkatapos ko siyang matawagan, nakatulog ako? Ang nonsense.

Nag-iisip ako pero patuloy pa rin talaga ang pagvibrate ng cellphone ko. Sinilip ko iyon at nakita kong tumatawag siya sa Messenger.

Gagi, paano na ito? Lord, help!

Binigyan ata ako ng sign ni Lord dahil biglang tumigil ang pagvibrate niyon. Baka sign na iyon na huwag kong sagutin ang tawag niya.

I nodded to myself as I realized that my gaslighting skills are really in good shape. I was about to toss my phone but I was cut by a sudden notification.

Titingnan o hindi? Syempre hindi ko titingnan ko.

Sa huli, ang karupukan ko ang nagwagi.

Tiningnan ko ang notification, may chat doon si Zixx.
Hindi ko pa nabubuksan pero kinikilig na agad ako. Ikalma mo, self.

Agad ko iyong binuksan para icheck.

Zixx Byron Fabroa:

Good evening, Amber! :)

Zixx Byron Fabroa:

Sorry, nagulat ba kita?


Ilang salita lang mula sa kaniya ay kinilig na agad ako. Talaga nga naman! Wala na natutunaw na ata ako.

Kinuha ko ang aking kunan at niyakap ko iyon. Napapapadyak na rin ako dahil sa kilig. Nagpagulong-gulong ako sa aking kama, pero agad din iyong natigil ng mahulog ako dahil nasa tabi na pala ako. Ganito ba talaga ang crush? Nag-good evening lang naman siya pero ang lakas ng impact sa akin.

“Ah, Zixx Byron! How can you do this to me?” I said to myself, slowly getting up from the floor.

Pabagsak akong humiga ulit sa kama at kinuha ang cellphone ko.

“Ano ba ang magandang i-reply?” tanong ko sa sarili ko. Mukha na akong nababaliw sa pagkausap sa sarili ko pero keribellz lang.

I typed the words, good evening and hello. I immediately erased it because I find it too formal. I typed again but it wasn’t good. I typed and erased repeatedly not until he chatted again.

Zixx Byron Fabroa:

Mahaba ba ’yung tina-type mo, Amber?

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Hala! Nag-iintay ba siya sa reply ko? Ihh, ano ba, Zixx? Ako lang ’to, oh!

Nahahawa na ata ako kay Hanacey na bigla na lang umiimik ng ‘Ihh’.

Nagtype ulit ako pero agad ko ring binura ang salitang ‘Kumain ka na ba?’. Parang ewan! Pafall yarn? Napagdesisyonan kong ayusin na ang reply ko dahil baka mainip na siya sa akin kakahintay.

Quinn Amber Vallejo:

Hi! Good eve, Zixx! By the way, thank you sa paghatid. :)

I clicked the reply button and waited for his reply. He immediately saw it and I was happy that he reacted heart to my message.

I was waiting for his reply but it didn’t came. Inintay ko pa ulit ng ilang minuto pero wala talaga. I refreshed the app but it’s still the same. Napawi ang ngiti sa aking labi nang marealize kong ni-seenzone niya lang ako.

“Seen lang? Sakit mo naman, Zixx! Bahala ka, hindi kita rereplyan sa susunod!” naiinis na turan ko. Tiningnan ko pa ulit kung seen lang ba talaga pero wala pa ring nababago.

Kapag chinat ko naman ulit siya, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Grabe! Pinakilig niya ako tapos ganito? Hays, bitin!

IntertwinedWhere stories live. Discover now