Sobrang sarap ng tulog ko, talagang sapat at kuntento ako dito, ang gaan sa pakiramdam. Bumaba na din agad ako sa sala, walang tao. Saan kaya sina uncle?
"Hoy! Mj, halika na dito sa kusina, kumakain na kaming agahan bilisan mo, bagal-bagal nito, male-late ka na." Naka-busangot naman akong lumapit sa hapag-kainan, bihis na ang pinsan kong si Rhumsell, ang gwapo kong pinsan na anak ni Uncle Jayjay. Wala nang asawa si uncle, hiwalay ito sa asawa at iniwan sakanya ang anak nila. Ayaw kasi ng babae na sisiga-siga ang asawa nya, maraming tattoo ang uncle ko, at totoong siga sya dito sa Tondo, kinatatakutan ng lahat, dagdag pa na may mga grupo ito dito sa lugar, iba't-ibang edad, mga kasing edad ko, kasing edad nya o mas matanda sakanya. Naging tropa ko din ang mga tropa ng uncle Jayjay ko.
"Tch! Hindi nyo naman ako ginising eh!" Reklamo ko.
"Aba! Hoy, Jr. Ikaw kaya itong ayaw isturbuhin ang tulog." Patagong tumawa pa si Rhumsell, alam ko na dahil sa Jr. Thingy na yan. ArrgGh! Sinamaan ko lang sya ng tingin. Gagong 'to. Lakas kaya mang-asar nyan.
"Tch! Pag-ganitong male-late na ako pwede nyo akong gisingin uncle!" Arte ko pa."Oh sya kung ganun! Kain kana oh!" Hinanda nya na pag-kain ko, naupo na din agad ako. "Tch! Ilang buwan kana dito, ayaw mo pa bang umuwi sainyo sa Makati?" Napanguso naman ako.
"Ayoko dun! Ang higpit ni Papa! Masaya na ako dito. Uuwi ako kung gusto ko, beside sya nag-tapon sakin dito sainyo diba?" Huminga muna ako. "Bakit uncle, nag-sasawa ka na din ba sa tigas ng ulo ko, napapahiya kana ba sa kalandian ng dyosa mong pamangkin, ang ganda ko kay---" natigilan ako, isinubo nya bigla ang kalahati ng pandesal na kinakain nya sa bibig ko.
"Kumain kana, male-late kana, tigilan mo ako sa arting yan Jr." Natawa nalang kaming pareho. Siga ang uncle ko, pero sa loob ng bahay, wala kang masabi sa bait at pag-aaruga nya saamin lalo na sa nag-iisang anak nyang si Rhumsell, sunod sa layaw, kahit walang pera ang uncle, kapag may hiningi ang anak, gagawa at gagawa ng paraan para mapag-bigyan ang anak, spoiled brat. Tsee! sana ganyan din si Papa saakin. Sa kuya ko lang sya ganon eh. Siguro sa inggit ko kaya, rebelde akong masasabe.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa isiping iyon. Haiszxt! Bahala na sila.
Matapos kong kumain ng agahan, nagmadali akong naligo at nag-bihis na ng uniporme ko. Ayst! Ang ganda ko talaga. Hahaha!
Pagka-baba ako ayon, nainggit naman ako sa nasaksihan ko, palagi nalang...
"Rhumsell anak, ingat ka sa school ah?" Sabay yakap nya sa anak nya, si Rhumsell naman, parang hindi na nasanay sa papa nya. Napipilitan din syang niyakap ang Papa nya ng nakabusangot pa. Ang cute lang haha!. "Pag may nang-away sayo andito lang ang pogi mong Papa huh?" Sabay hiwalay sa yakap.
"Papa naman di na ako bata. Tch! Kaya ko sarili ko okay? Kayo po ang mag-iingat. Madami kang nakaka-away baka isang araw... hmmp! What ever!" Naiintindihan ko si Rhumsell dun, syempre nag-aalala din sya sa Papa nya. Siga man ito, tao pa rin at pwedeng mapahamak.
"Anak naman, walang tatalo sa Papa mo, okay? Tch! Sige na, pasok kana. Ingat, labyu!" Napanguso ako... ang swerte ni Rhumsell kay uncle.
"Sige, Pa! Thanks." Tumalikod na sya.
Ngumuso kunwari si Uncle."Walang labyu too, Nak?"
"Hayyst! Sige-sige labyutoo.tch! Alis na ako Pa."
"Hehe! Sige. After class, wag na magbulakbol, bahay agad huh? Iwas sa gulo, wag gumaya kay Papa." Tinanguan nya nalang ang Papa nya saka lumabas na ng bahay, maya-maya pa narinig ko na ding dinrive nya ang motor na regalo pa sakanya ng Mommy ko nung birthday nya, naalala ko ang saya nya nun kasi pangarap nya talagang magka-motor. Si uncle pala ay kapated ng Mama ko. Hindi sila mayaman hindi rin mahirap, at times isang kahig isang tuka, ang bahay namin dito sa Tondo maliit na bahay lang pero tama lang saaming tatlo. Simentado naman pero walang pintura o na kahit ano pa man.
BINABASA MO ANG
Bakla! Bakla! Bakla![BoyXBoy]
Teen FictionThis is a Story of a Straight guy who will fall inlove with a gay. Kelangan bang magpa-Party ni MJ dahil nahulog ang loob ng isang napakagwapong Adan sakanya? ang sobrang gwapo at sikat sa loob ng University na pinag-aaralan nya? kilalanin si Vincen...