Her thoughts:-) ..
YLADIA ROWAN ESTAPIA'S...
"Ms. Tapia!" ay leche! Kahit nakapikit pa yata ako kilala ko kung kaninong boses 'yun. "Ms. Tapia!" tawag niya uli sa akin. Bumangon ang inis na palagi ko'ng nararamdaman kapag nandiyan lang siya... Bakit kasi Estapia ang Apelyido ko? Ang pangit tuloy, lakad makamanang, Kainis!
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad ko. Bahala siya, pagod ako galing school at masakit ang paa kaya huwag siyang ano. Galing din siyang school I know, dahil kaklase ko ang Faggot na 'yan. Siya lang naman ang dakilang Bully. Lagi siyang ganyan. Bubulihin niya ako, tapos ako naman mapipikon, papatol, siya, tuwang tuwa dahil na sira na naman ang araw ko gawa niya. Ako naman asar na asar naman kasi nanalo na naman siya. Gano'n kami palagi sa inaraw-araw na nagkikita kami niyan.
Mayabang siya. Ko'mo —guwapo, mayaman, matalino at sikat, akala mo kung sino na. Oo nga nasa kanya na ang lahat pero hindi lahat madadala niya sa kayabangan niya. Not me.
Actually he was my bestfriend way back in our childhood days. We used to share in many things and all. Hindi niya ako binubully noon. Di gaya ngayon. Ano nga bang nangyari sa aming dalawa? Bakit at paano kami humantong sa ganito? Kung 'yan din ang pinagtatakhan niyo, malay ko at pakialam ko? Hindi ko na gustong malaman.
Basta ganito na lang kami bigla. Hindi na niya ako pinapansin isang araw noong makilala ko si Dillan Villegas. Isa sa mga friend ng friend ko na naging friend ko. Di naman magulo 'di ba?
Tapos dahil na bother ako, I confronted him for his reason of ignoring me out of the blue. Bakit nga ba kasi? Basta basta nalang siya nang-iiwan sa ere. Wala man lang ni hi ni ho o kahit clue man lang. Bigla-bigla niya na lang akong binitawan! Alam niyo 'yung gamit na, kapag bagong bili mahal na mahal mo, tapos kapagluma na, basta na lang ibabasura dahil wala ka nang silbi sa kanya.
...
Flashback,
..."What the hell Ijoon? Bakit iniiwasan mo ako? May nagawa ba akong masama? May kasalanan ba ako sa 'yo?" I asked in frustration nang maabutan ko siya minsan na paalis na. You can't blame me for this. Siya ang nanguna hindi ako. As far as I can remember, wala akong ma alalang ginawa ko sa kanya. Alam mo ba ang pakiramdam na bigla ka na lang iiwan sa ere at wala kang alam o kaide-ideya kung bakit?
Naka talikod lang siya at hindi man lang lumingon nang tanungin ko siya.
"I'm B.C Rowan huwag kang istorbo. Now leave me alone..." malamig na sagot niya sa akin. Buwisit! Hindi ako sanay na ganyan ang pakikitungo niya sa akin. Napaka rude, kailan man ay hindi niya pa ako ginanyan, ngayon lang at hindi ko matanggap.
Hindi ko man lang alam ang kasalanan ko sa kanya. Sana man lang sinabi niya para kahit paano naintindihan ko siya kung bakit siya dumistansiya sa akin hindi ba? Ang alam ko kasi bestfriend kami eh, hindi ko naman alam na puwede palang mangyari na kinabukasan, hindi na kami bestfriend at kaya niya palang iwasan ako na para bang wala kaming pinagsamahan. Alam ko galit lang siya sa akin. Nagtatampo lang siya, pero sana, sinabi niya para nakagawaan lang ako ng paraan para makabawi kung may nagawa man ako, —kasi ang hirap ng ganito!
"You have a problem Ijoon. Alam ko meron. Ganyan ka palagi kapag may hindi ka nagugustuhan na ginawa ko. But today is thesame and at thesame time is way different kasi dati alam ko kung bakit ka nagagalit sa akin, pero ngayon hindi! Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla ka na lang nang-iiwan sa ere! Na bigla mo na lang ako iiwasan! Na bigla na lang akong parang hangin para sayo! I am clue less for letting me experience your rudeness Ijoon! Isang araw ganoon na lang? Parang wala lang tayong pinagsamahan? For I don't fucking know the reason why! Leche Ijoon! You–" he stops me sa mga sasabihin ko pa sana...
BINABASA MO ANG
YOU'RE MY DREAM BOY, LIVING IN MY DREAM WORLD
RomanceYou're my Dream Boy, Living in my dream world I'm Inlove with you,... So please Don't wake me up.. Mahal ko siya pero Secret lang yun kasi Bestfriend ko siya. pero isa'ng araw, bigla nalang siya'ng nagalit sa akin ng di ko alam ang dahilan. Will We...