XVII: Anibersaryo (G)

49 0 0
                                    

Trigger Warning: Death



Anibersaryo



Naaalala mo pa ba yung unang ngiti 

na nailapat mo sa'king labi nung sa aki'y magtapat ka?



Natatandaan mo pa ba ang panginginig ng tuhod mo 

nung unang beses sa mga magulang ko ika'y nagpakilala?



Sumagi pa kaya sa iyong isip 

ang unang punas ng luha, dahil sa ilang buwan ng panliligaw mo, 

ako ay sa'yo at ika'y akin na?



Magunita mo pa kaya ang unang pamumuo ng pawis 

dahil akala mo sa kasal natin ay hindi ako magpapakita?



Marahil ay hindi na

Siguradong sa'yong memorya iyon ay burado na

Ngunit wag kang mangamba

Hindi ako magtatanim ng kung anumang himutok o poot, sinta. 

Sapagkat alam 'kong kung nasaan ka man ngayon 

ika'y lubha ng masaya

Dahil mag iisang taon na

Kinakausap ko pa rin ang iyong lapida



Mahal, maligayang anibersaryo na sana.


---

Featured Song: Kung wala ka by Hale

TULA-LATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon