Chapter 2

9 1 0
                                    

Chapter 2

"Ha? Bakit ka sumali sa org na 'yon? Hindi ba mahahati ang oras mo n'yan? Sagabal lang iyan sa pag-aaral at pag-seserve mo sa simbahan." bungad sa akin ni Papa habang nasa hapag-kainan kami.

Nasabi ko sa kanila ang tungkol sa pag-audition ko sa music org. Sa palagay ko naman ay kaya kong i-handle ang oras ko kung sakaling makapasa man ako roon.

Hindi ako gaanong ka-confident na makakapasa ako, pero bigla akong nabuhayan dahil sa sinabi sa'kin ni Alaric.

"Pa, may additional grade din po kasi 'yon. Atsaka, kaya ko naman pong i-handle 'yon." paliwanag ko.

Ibinaba niya ang kutsara niya. "Hindi puwede, Vyancah. Makinig ka sa'kin. Hindi mo itutuloy ang pagsali sa org na 'yan."

"Loren, hayaan mo na ang anak natin." ani Mama.

Ngunit umiling pa rin si Papa. "Hindi siya sasali,"

"Pa, just this once, puwede? Hayaan naman natin si Vyancah sa mga gusto niyang gawin. Hindi lang naman naka-ikot ang buhay niya sa simbahan, e." sagot ni kuya.

Agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata dahil hindi naman siya sumasagot kay Papa, at hindi namin gawaing magkapatid 'yon! Kaya naman kinabahan agad ako nang makita ang gulat sa mukha ni Papa.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Vyon!? At kailan ka pa sumagot sa'kin? Tandaan mo, ako ang nagpapaaral sa inyo!"

Na hindi naman dapat isumbat dahil natural lang na siya ang magpa-aral sa amin dahil responsibilidad niya kami.

Napabuntonghininga ako at inisip na sarilinin na lang ang mga pumapasok sa isip ko.

"Sorry po, pero sa tingin ko po ay mas'yado n'yo nang kinukulong si Vyan, kami…"

"Kahit kailan, hindi ko ginawa 'yan. Alam n'yong ginagawa ko ito para sa kapakanan n'yo. Ayokong nagkakaroon kayo ng mga sagabal sa buhay." paliwanag pa ni Papa.

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan ng gana sa pagkain. Alam kong maling maramdaman ko ito, pero nawalan na lang ako ng gana kaya hindi ko na tinapos ang pag-kain kahit gaano pa kasarap ito.

Napapikit ako nang mariin. I'm sorry, Lord, kung nararamdaman ko man ito. Siguro… nalilito lang ako… kahit na sanay na ako kay Papa.

May parte lang sa akin na… gustong tumayo sa sariling paa. Dahil kahit gustuhin kong gawin iyon, lagi kaming ginagawang bata ni Papa na laging siya ang nasusunod sa bawat desisyon namin sa buhay.

"Congratulations, Ms. Saskia Vyancah Cruzado, you've passed your audition for the music organization that was held the other day. Please come to the function hall for other inquiries and for the orientation. Thank you so much and we'll waiting for you!"

Huminga ako nang malalim habang binabasa ang email na natanggap ko mula sa school.

Nakapasa ako! Hindi ba dapat matuwa ako? Pero bakit… parang gusto kong umatras?

At the same time, nasasayangan ako sa oportunidad na ito. Alam kong napakaraming mga nag-audition at kakaunti lang kaming nakuha, kaya isang karangalan ang makapasa ako rito.

"Talaga? Nakapasa ka!? Congrats, Vyan! Baka Vyan ko 'yan!" tuwang tuwang sabi ni Divine.

I sighed. "Baka mag-back out ako,"

"Ha!? Bakit!?"

"Hindi payag si Papa,"

"Oh? Ano naman? College ka na, oh! Hindi ka na highschool para sumunod sa kagustuhan niya! 'Tsaka, para sa sarili mo din naman 'to, e!" sabi ni Merry.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embracing the Harmony's WhisperWhere stories live. Discover now