Chapter 1

14 1 0
                                    

Chapter 1

"Ngayon lang kita nakita dito, ah? Bago ka?" takang tanong ko sa kanya.

Sa araw araw na pamamalagi ko sa simbahan, ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Kahit na maraming tao lagi sa simbahan, kahit paano ay namumukhaan ko naman kapag palaging nasa simbahan o kapag bago lang sila rito.

Tumango siya. "Oo, ni-recruit ako ng kaibigan ko rito. Pero, lagi na din akong tumutugtog sa mga simbahan."

"Ahh, welcome na welcome ka sa tahanan ng Diyos." ngumiti ako sa kanya.

"Ikaw? Kumakanta ka sa choir? Ang ganda ng boses mo…"

"Oo, tapos ay nagvo-volunteer ako sa mga charity event at mga pa-feeding program. Kung gusto mo, puwede kang sumama!" pag-aanyaya ka sa kanya.

Tumango siya. "Titignan ko. Minsan kasi, busy ako sa school."

Tinignan ko siya. Hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang gitara. Ngayon ko lang din napansin na kaming dalawa lang ang tao rito! Mamaya pa kasi ang practice namin sa pagkanta kaya mamaya pa siguro darating ang mga ka-churchmate ko.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.

"Alaric Travish, call me Alaric nalang, or it depends on you." He handed me his hand.

Agad ko namang tinanggap ang malamig niyang kamay na siyang bahagya kong ikinagulat dahil parang kinakabahan siya, o siguro ay pasmado lang talaga siya.

"Saskia Vyancah, Vyan na lang for short…" pakilala ko sa kanya.

"What a beautiful name for a beautiful soul," he whispered.

Ilang beses akong napapikit sa sinabi niya.

"Bakit nga pala ang aga mo? Mamaya pang hapon ang practice, ah?"

He shrugged. "Ewan. Hindi naman talaga ako papasok pa rito, kaso lang, may narinig akong isang napaka-gandang tinig kaya naman na-curious ako…"

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam kung paano mag-take ng compliment. Alam kong dapat ko siyang pasalamatan, pero nahihiya ako! Sa tingin ko ay namumula na ang pisngi ko sa mga sinasabi niya!

"Oh? Bakit namumula ka?" natatawang tanong niya.

Umiling ako. "H-Hindi kasi ako sanay sa mga compliments… pasensya na… pero maraming salamat! Napapagaan mo ang loob ko."

"Dapat ka nang masanay," he laughed.

"Bakit? Magiging regular ka na din ba dito?" kunot noong tanong ko.

He hummed. "Hmm, noong una pinag-iisipan ko pa, pero mukhang buo na ang desisyon ko…"

Malipas ng ilang minuto ay dumating na rin ang mga ka-churchmate ko para sa aming practice para sa misa bukas. Tuwang tuwa pa nga ang mga ka-churchmate ko dahil may 'poging' bagong salta daw sa church.

"Naku! Dapat may pa-welcome party tayo para kay Alaric!" kantyaw ni Jelle.

"Oo nga! Dapat after nito, kumain manlang tayo sa labas!" sabi pa ni Shanna.

"Hoy, magtigil nga kayo! Noong ako ang bago, wala namang pa-welcome party sa akin, ah!? Unfair n'yo naman!" nagtatampong sabi ni Wally.

"Bakit? Gwapo ka ba?" natatawang balik sa kanya ni Jelle.

Napailing ako sa mga pagtatalo nila. Break time kasi namin ngayon kaya imbes na ipahinga namin ang oras na ito ay ito, nagtatawanan silang lahat kaya tahimik lang ako rito.

Habang nagtatawanan kami ay napatingin ako kay Alaric na siyang nakatingin din sa akin habang tumatawa kami.

Hindi naman ako bulag, pero nakikita kong gwapo si Alaric. He has these piercing, dark eyes with a warm and inviting gaze. Na para bang kapag tinignan mo siya ay manlalambot ka nalang kaya hindi ko masisi sila Jelle kung bakit kilig na kilig sila sa binata. He have a toned and athletic build, and a small scar on his left cheek.

"Pogi privilege nga naman oh!" pahapyaw na sabi ni Wally.

Embracing the Harmony's WhisperWhere stories live. Discover now