Prologue

27 2 0
                                    

Prologue

"Maraming salamat po, ate Vyancah! Hulog po talaga kayo ng langit sa amin!"

Napangiti ako nang masilayan ang ngiti sa mga bata habang nasa charity program kami, isa sa mga event ng church kung saan ako nagse-serve at nagvo-volunteer.

Hindi ko alam pero parang tinutunaw at parang may humahawak sa puso ko sa tuwing naririnig ang munti nilang pasasalamat. Para sa akin, napakalaking bagay na no'n, lalo na at ang aking gawain ay ang tumulong sa mga nangangailangan.

"Marami na talagang natulungan si Vyancah simula pa noong bata siya. Para bang pinanganak siya sa mundong ibabaw para tumulong sa tao." ani Sister Jecka, isa sa mga ka-churchmate ko.

Mahinhin akong tumawa sa puri nila.

"Napaka-hinhin pa at sobrang bait! Para bang hindi makabasag pinggan, e!" hirit pa nila.

"Hindi naman po! Marami na po akong nabasag na pinggan noong maliit pa ako." pagtawa ko.

"Pero maiba tayo, ah! Isa ka sa mga pinakamalaking natulong sa church natin. Kada may volunteering atang magaganap e talagang wala kang pinapalagpas na oras!"

Bumuntonghininga ako.

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang mag-serve sa church na ito. Ang magulang ko kasi ang matagal nang nagse-serve sa church bago ako ipanganak, at ngayong narito na ako, isa na ako sa mga nabibilang sa kanila.

Parang noong nagkaroon ako ng muwang, naging taong simbahan na ako. Kada may misa ay wala akong pinapalagpas na araw at talagang dumadalo ako roon. Nang medyo umedad na ako ng sampung taon, doon ako nagsimulang tumulong sa mga tao dito sa simbahan hanggang sa dinala ko na hanggang sa kasalukuyan.

If I were to asked myself on what's my purpose in life… sa tingin ko ay ito… ang maglingkod sa Panginoon, ang tumulong sa mga taong nangangailangan, ang maging mabuti sa kapwa.

At iyon ang dahilan kung bakit ako narito sa mundong ito. I was born to serve Him, to love Him with all my heart, to worship Him, to help and gather people whether they're in need or not.

"It is the scientific study of how people's thoughts, feelings, and behaviors are highly influenced by the actual, imagined, or implied presence of others."

Our professor was teaching our major subject, which is the introduction to psychology. First year student pa lang ako sa kursong ito. Napatingin ako sa mga kaklase ko na halatang nag-iiwas na ng tingin sa prof namin dahil alam nitong nagtatawag ito.

Tinaas ko ang kanan kong kamay.

"It's social psychology, Ma'am."

Ma'am Jensen nodded at me, as a sign that my answer was right.

"Can you explain to me what exactly is the importance of studying it?"

Tumango ako at lumunok nang malalim para makapag-isip ng isasagot.

"Kinakailangan po natin itong pag-aralan, upang malaman po ng bawat isa sa atin ang kahalagahan ng sinasabi natin sa kapwa natin. Maaaring para sa atin ay maganda ang sinabi natin, pero sa iba po ay hindi. May kanya kanya po tayong nararamdaman, kaya nararapat lamang po na maging maingat tayo sa bawat sasabihin o igagalaw natin." marahan kong sagot.

Matapos ang klase namin sa major ay vacant namin ng isang oras kaya agad kaming nagtungo sa canteen para bumili ng paborito kong minane!

"Tangina! May quiz daw tayo sa MMW mamaya! Ayoko na!" inis na sigaw ni Divine na kumakain ng hotdog sandwich.

"Oo nga, e! Tangina! Wala naman tayong natututunan sa kanya! Kung magpa-quiz naman siya, wala naman 'yon sa tinuro niya! Lakas ng tama e, suntukin ko kaya 'yang tiyan niya!" sagot naman ni Merry sa kanya.

Embracing the Harmony's WhisperWhere stories live. Discover now