Chapter 9

162 7 6
                                    

[Chapter 9: Water]

"Saan ba banda, baby?" Ang tanong ko sa tagapagsilbi na ngayon ay nauunang maglakad sa akin.

Napakamot ako sa aking ulo. Damn. Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako dahil sa nangyaring 'yon. Buti nalang dumating itong chix na 'to. Kung hindi, siguradong nahimatay na ako.

I hate needles!

"Nasa labas, Mahal na Reyna." Ang sagot nito.

Ilang lakad pa ang aming ginawa hanggang sa makarating kami sa malaking pinto ng palasyo. Ito ang entrance.

Nang makita kami ng dalawang tagapagbantay doon ay kusa nilang binuksan ang pinto.

Nanlaki ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang napahabang pila ng tao.

Damn.... Ang dami. May mga dala itong basket na naglalaman ng kung ano-anong pagkain at gamit. Napangiti silang lahat nang makita ako. Kumaway pa at sabay-sabay na yumuko.

"Wow.... sino-sino 'to?" Ang namamangha kong saad habang ngumingiti sa mga taong naghihintay na makalapit ako.

Fudge. Ang daming chix.

Inayos ko ang aking suot at buhok. Kapag siniswerte ka nga naman.

Lumitaw ang malawak na ngisi sa aking labi. Hindi naman halatang uhaw ako sa babae ano?

Siga pa akong naglakad palapit sa kanila. Pinakita ko talaga ang kumpleto at mapuputi kong ngipin lalo pa't napakaganda ng chix na una sa pila. Damn. My type.

"Hi there, ladies." Ang nakangisi kong saad sabay kindat sa kanilang lahat na ngumiti at kumaway sa akin.

Sinalubong ako ng sabay-sabay nilang bati dahilan upang hindi ko na sila halos maintindihan. But I could tell they are happy and pleased to see me doing well in front of them.

Yumuko ang chix sa aking harapan. Siya ang una sa pila. Malawak ang ngiti nito at may biloy pa sa kanang pisngi.

Fucking cute.

"Tanggapin mo sana itong prutas, Mahal na Reyna. Isang handog sa magandang balitang ika'y nasa maayos na kalagayan." Ang nakangiti nitong saad habang inaabot sa akin ang basket na naglalaman ng mangga at saging.

Nakangisi tumango ako. Sinadya pang ipalandas pa ang palad ko sa daliri niyang nakahawak sa basket. Kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata at ang pagpula ng kaniyang tainga sa hiya.

Kumindat pa ako sa kaniya at napakagat sa sariling labi. "Salamat."

Napayuko ito. Bakas parin sa mukha ang gulat. "Walang anuman po, mahal na reyna."

Mahaba pa ang pila. Nagpatuloy lamang ako sa pagtanggap at pagpapasalamat sa kanila. Siguro ay natapos ang lahat matapos ang 40 minutes. Napakahaba, ngunit hindi nakakapagod na tanggapin ang regalo nilang para sa akin dahil daw magaling na ako.

Talagang hindi nakakapagod. Ang dami ba namang chix ang nakapila para lang masilayan ako.

Sumapit na ang gabi at nagpasya ng umuwi si Alea ay George. Hinatid ko pa sila hanggang sa labas ng palasyo. Nakasakay na sila sa kanilang karuwahe.

Pumasimple pa muna ako ng halik sa pisngi ni Alea saka kunwaring kumaway kahit pa nasulyapan ko ang gulat na tingin nito sa akin.

Kumaway lamang ako hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

Bumalik ako sa loob dala ang ngiti sa labi ko. Pabagsak akong naupo sa tabi ni Lennon. Nasa harapan naman namin si Haring Clayton na bakas parin ang lungkot sa mukha.

Unexpectedly Became a QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon