Chapter 14

16 0 0
                                    

CHAPTER 14

INNA's POV

Makalipas ang ilang linggo, naghanap ako ng pwedeng mapaghiraman ng pera na pampaanak kay Casey. Alam kong malayo pa naman siya mangaganak pero mabuti na yung maaga ay may pera baka kasi kaylanganin niya magpacheck up.

Lahat ng kakilala ko sinubukan kong manghiram. Pero wala eh. Wala T_T

Habang nag iisip isip ako,

Calling ...

Nat Nat

"Hello ?"- ako

[Magkita tayo]- sabi niya sa kabilag linya

"Bakit ?"

[Basta. Mag kita tayo sa ******* Resto. Be there at 4:00 PM. Okay?] pagkasabi niya nun ay inend call niya na.

Magkita ng 4:00 PM ? Tsk.

[ @ ******* Restaurant]

Pumasok na ako sa loob at nakita kong nasa bandang dulo siya nakaupo.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito ?" tanong ko at umupo na

"May sasabihin lang naman ako" sabi niya

"Bakit hindi nalang sa text ? O kaya sa tawag ?"

"Mas okay kung sa personal ko sasabihin. Hehe" sabi niya at humagikgik pa

"Dami mo arte ganon din naman yun. Sabagay may sasabihin din ako"

"Bakit hindi nalang sa text ? O kaya sa tawag ?" sabi niya. Aba, ginaya pa nga ako. Gayahin ko nga din siya

"Mas okay pag sa personal sasabihin e" - ako

"Gaya gaya" sabi niya at bumelat pa. Parang bata XD

"Ikaw buwaya! Galiiit si bay! XD" - ako

Kumain muna kame bago mag kwentuhan.

"Ano ba yung sasabihin mo Jaja ?" - Nathan

"Nat Nat, si ano kasi eh"

"Si ano ?" tanong niya

"Si... Si Casey kasi e"

"Si Casey ano?" tanong niya ulit

"Buntis si Casey" sabi ko at napatungo nalang ako

"Sinong ama ? Yung boyfriend niyang si Noel?"

"Ay hindi, baka ako. Ako bumuntis kay Casey" pamimilosopo ko

"Nyee. Korny mo. Seryoso, buntis siya ?"

"Oo. Tanga ka ba. Akala mo sakin gagawa ng kwento" sabi ko sakanya

"Aray naman. Makatanga ka naman. Pero paano yan ? Papanagutan ba kamo siya nung Noel na yun ?"

"Yun nga problema e. Hindi siya pinanagutan. Sabay sabay problema ko ngayon. :(" sabi ko

"Sabihin mo sakin mga problema mong yan. Tutulungan kita"

"Una, pera para sa pampaaral ko kay Ian sa college. Gagraduate na siya this coming march. Pangalawa, yung kay Papa. Pangatlo, nag hahanap ako ng mahihiraman para pampacheck up ni Casey at pampaanak niya. 1 month na siyang buntis ngayon" sabi ko at napabuntong- hininga na lamang.

"Tutulungan kita Jaja. Ako bahala sa pampaaral kay Ian. Ako nadin bahala sa pampaanak kay Casey. At yung sa papa mo, hahanap tayo ng paraan."

"Talaga NatNat?"

Tumango lang siya

"Maraming salamat ha. Babayaran kita pag nakaraos ako" sabi ko at hindi ko namalayan na hawak ko na ang kamay niya. Napatingin naman ako sa kamay naming na kahawak at naramdaman kong parang nag init ako muka ko >/////<

Binitawan ko ang kamay niya.

"Ano nga pala yung sasabihin mo Nat Nat ?" pag iiba ko ng usapan.

"Uhhmm. Saka ko nalang sasabihin. Hehe"

"O sige"

Hinatid na niya ako sa bahay. At nag pahinga na ako. Haaay salamat! :) Ang bait talaga ni Nat Nat. Salamat at may kaybigan akong tulad niya.

*****

A/N:

Okay na ba yan ? Wahaha. Wag na choosy XD

Pasensya. Medyo antok si Author eh xD

Please mga Lalabs kahit 5 votes and reads lang po :)

Salamat.

/TINCALDEJON. Ü

I won't Give Up on UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon