CHAPTER 11
Nandito na kame sa canteen ng company. Kumakain kami ng lunch ni Casey.
"Bes ano nga pala yung sasabihin mo saakin ?" tanong ko. Kasi diba sabi niya kanina may aaminin daw siya.
"Bes ano kasi e" sabi niya at parang kinakabahan siya
"Bakit may problema ka ba ?" tanong ko at tumigil muna ako sa pag kaen.
"Bes, wag kang mabibigla ha?" sabi niya at tumango lang ako
Halata sa muka niya na kinakabahan siya. Ano ba problema ng babaeng to ?
Ilang sandali pa ay nagsalita na siya.
"Bes, buntis ako" sabi niya ng pabulong
Ahh. Yun lang naman pala eh.
Ipinagpatuloy ko ang pagkaen.
Asdfghjkl ! Qwertyuiop! Naibuga ko ang kanin na nasa bunganga ko.
WHAT ?! BUNTIS SIYA ?!
Naknamtokwa ToT
"Ano ?! Bunt----" sabi ko ng medyo napalakas ang boses kaya naman tinakpan niya ang bibig ko
"Oo bes. Shh ka lang" sabi niya at tinanggal na ang kamay niya na kanina'y nakatakip sa bibig ko.
"Sinong ama ? Paano ? Kaylan ?" sunod sunod kong tanong. Pero this time, humina na ang boses ko
"Si Noel ang ama. 3 weeks na akong buntis bes. Kaya ako absent kahapon, eh nag patingin ako sa doktor. Kumpirmado buntis nga ako. Pero nung ipaalam ko kay Noel, nakipag hiwalay siya saakin. Hindi niya daw ako kayang panagutan" - pag papaliwanag niya at nakita kong nag uunahan ang luha niya sa pag patak
"Eh tarantado pala siya eh! Wag lang talaga mag papakita sakin yang Noel na yan. Nak ng mother earth naman oh! Bakit naman mo binigay ang mahiwagang perlas bes?! Kainis ka naman!" - sabi ko sakanya at pinupunsan ko ng tissue ang mga mata niya
"Bes sorry. Hindi ko naman alam na ganito mangyayari. Ang tanga ko. Ipagpapatuloy ko ba tong pag bubuntis ko o ipapalaglag ko nalang? Ano sa tingin mo?" - sabi niya habang naiiyak padin
"Shhhh. Shhh. Bespren wag ka na umiyak. Ipagpatuloy mo yang pag bubuntis mo. Hindi natin ipapalaglag yan. Bes andito lang ako. Wag kang panghinaan ng loob, kaya natin to" - sabi ko habang pinapatahan siya
"Madidisappoint ko neto sila Mama. Huhuhu. Paano na to bes, saan ako kukuha ng pera pampaanak ? At pampacheck up ?"- siya at umiiyak padin
"Maiintindihan ka din ng pamilya mo. Nasa tamang edad ka na kaya, yun nga lang walang makikilalang ama yang anak mo. Wag ka mag alala, doon ka nalang muna sa bahay tumira para bawas din sa gastusin mo ang renta sa apartment na tinutuluyan mo. Tapos hahanap ako ng pwede pag kautangan. Wag ka ng malungkot, makakasama yan sa baby mo" - pagpapagaan ko sa loob niya
"Salamat bes ha? Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala ka. Salamat talaga. Hayaan mo babayaran kita pag nakaraos ako" - sabi niya at tumahan na siya
"Okay lang yun. Mag kaibigan tayo bes eh" ^____^ - ako
At ayun ngumiti na ulit siya at bumalik na kame sa trabaho. Haaaays. Dami ko problema TT^TT pero okay lang. Kaya ko to. Kakayanin ko! :)
*****
A/N:
OH! Buntis si Casey xD Kayo buntis din ? Haha. Dejoke lang. Ü
Keep on reading guys :') Maraming salamat sa mga nag basa. Thanks sa reads, kahet di pa masyado madami nag babasa. Atleast first day palang may reads at vote agad ^^. Hehe :')
#Vote
#Be a fan
#Comment
#Spead
Thank you mga Beybs :*
/IAMTINCALDEJON.