Maiinis si Abby dahil ilang beses na niyang tinatawagan si Bela, but the latter won't just answer. Her phone's turned off. Isang messenger ang kanyang bibilinan para pumunta sa address ni Bela.
Laking gulat nga ni Abby nang makita agad ang messenger isang oras lang ang nakalipas. Nakangiti pa siyang sasalubong, hihingiin sana ang manuscript. But she soon realizes that the messenger is not holding a document.
"May ambulansiya sa labas ng bahay," sabi ng messenger habang kinakamot ang ulo. "Ininterbyu nga ako. E, sabi ko pupunta ako kasi may kukunin akong manuscript, sabi mo."
"What?!"
Nangangamba si Abby, hindi para kay Bela ngunit para sa sarili niya. She has been taking advantage of the generous percentage she has been receiving from Bela's royalties and fees. This is the reason she can keep her lavish lifestyle. Isa pa, kung malaman na siya ang huling tumawag kay Bela, baka akusahan pa siya.
Abby dials Bela's phone and tries to call her, but the latter's phone already seems dead.
"Nakita mo kung ano'ng ospital ng ambulance?" tanong ni Abby, nakakunot ang noo, kinakabahan.
"Oo, pero ano, e, patay na."
Manlalaki ang mga mata ni Abby. "A-anong patay na? S-sigurado ka?"
"Oo, e," sagot ng messenger. "Nilalabas na nga ang katawan pagkakita ko."
"What the hell . . . ano raw nangyari?
"Iyon ang hindi ko alam."
"Ha? Anong hindi mo alam?! Sure ka ba? Baka naman iba ang nakita mo!"
"Siya talaga. Bela Angelique Flores, di ba?"
"Oh god. Siya nga."
"No'ng dumating ako, tinanong nga nila number mo kasi nabanggit kita. Wala yatang pamilya 'yon."
Abby's eyes start to well up as she thinks about yesterday. Na iyon na pala ang huli nilang pag-uusap. She feels guilt dahil tinakot pa niya ito no'ng huli nilang pag-uusap, but then she brushes it away. Now she wonders the cause of Bela's death.
Kagat-kagat ang kanyang mga kuko, mapapaupo si Abby sa upuan. "Meron, mga kapatid," bulong niya, saka tuluyang manghihina. Abby is in a state of confusion and worry.
Ano na'ng gagawin ko ngayon? isip-isip niya. Will ghostwriting do?
"What the hell, Bela," Abby whispers to herself as she dismisses the messenger. "What the fuck happened . . ."
Mapapatingin si Abby sa mga gawa ni Bela bilang Angelica. All of them have low sales compared to Diabla's. Kung ito lang ang isusulat ni Bela, her royalties cannot even feed her for a week. In this economy ba naman.
Abby also doesn't like these stories. They sound like a rip-off of some other novel. But they will get whatever work they can make a profit of. Isa pa, Angelica has a decent following. She has a saintly reputation. Di nga lang nagre-reflect ang mga numerong ito sa sales ng kanyang mga gawa.
Pero bigla siyang mapapaisip, Angelica's dead. Might as well let the people know about her works. Mukhang puro ang intensiyon ni Abby, but at the back of her head, she thinks of the sales.
With this in mind, Abby goes to the media team. Gusto rin naman niyang maglakad-lakad sa office.
"Sis," sabi niya, "ipaskil mo na agad sa page 'yung about kay Bela Flores."
"Ha, sino 'yon?"
"Si Angelica Bellaflor." Inilapag ni Abby ang mga gawa ni Bela bilang Angelica. "Hanapin n'yo na lang sa media files ang cover ng mga 'yan. Ilagay n'yo link ng mga gawa niya para alam ng mga tao saan puwedeng makabili, if they want to lang."
"Ano ikinamatay?"
"I don't know yet." Abby hesitantly says.
"Girl, mahirap mag-post na di natin alam ang reason."
"Importante pa ba ang rason? No matter the reason is, ilagay mo na lang na nakikiramay tayo and that she's loved by us."
"May pictures ka?"
"Wala. Hanap ka na lang sa page niya. Angelica Bellaflor 'tapos may author na naka-parentheses."
Abby then goes back to her seat and continues working. She waits for the "Rest in Peace, Angelica Bellaflor" post by the media team to appear on her social media feed, and when it does, she "reacts" with a sad emoji and then exits the window. Sakto namang makararamdam siya ng lamig at kikilabutan. Ngunit hihinga lang si Abby at kukunin ang kanyang jacket.
Then and there, news of Bela Angelique Flores, also known as Angelica Bellaflor, passing away becomes the talk of the town. Later on, they will find out that she took her own life.
Diabla, however, stays hidden and untouched.
BINABASA MO ANG
Bela, Angelica, Diabla
HorrorSi Bela Angelique Flores, isang manunulat, ay walang ibang nais kundi ang magpatuloy na magbahagi ng kanyang sining. Walang problema para sa kanya na makilala siya bilang Angelica Bellaflor, ang kanyang sagisag-panulat para sa mga kuwentong nagbibig...