Habang naghahanda si Abby, maraming tanong ang mabubuo sa kanyang isipan. Why does Julian sound so relieved after finding her? Why do they need to see each other? And most especially . . . what envelope?
Kukuhanin niya ang kanyang sasakyan at magda-drive gamit ang mapa na s-in-end ni Julian. Pagkita niya, may ambulansiya at maraming mga pulis. Nakakita nga rin siya ng mga pulis na pinagagalitan.
Grabe naman ang security sa kanya, pati ambulance, meron? tanong ni Abby sa sarili. Well fed itong family ni Bela, in fairness.
She goes to two of the policemen and says, "Sir . . . si . . . uhm, Julian po? He told me to go here—"
Nagtinginan ang dalawang pulis, saka nila tinawag ang bossing nila. "Sir," pagtawag ng isa. Humarap naman kay Abby ang isa pang pulis na tila mas mataas ang posisyon. Bago ito humarap sa kanya, kakausapin ng pulis ang isa pang officer.
"Nasa'n na si Lanie?"
"Nando'n pa rin po."
"Kumuha kayo ng medic. Kakausapin ko muna si ma'am bago siya kausapin." Pagkaalis ng dalawang pulis para pumasok sa loob ng bahay, titingnan na ng officer si Abby. "Yes, ma'am?"
"Uh, si Julian po? Alam ko pong mahigpit ang security sa kanya, pero ipinatawag po niya ako rito." Saka pinatingin ni Abby ang message ni Julian.
Lumunok ng laway ang pulis. "Mahigpit po kasi ang security sa kanya. Puwede ko po ba kayo i-interrogate muna bago kayo papasukin?
"Sige po." Sumunod si Abby papunta sa isang canopy tent. Umupo siya sa isang silya na bigay ng pulis.
The man sits at the opposite side of the table, in front of Abby. He gets a notebook, which was on top of some documents.
"Ako po pala si Officer Valdez," pakilala niya. "Kaano-ano ninyo po si Julian?"
"Editor ako ng ate niya, si Bela. Pinapunta lang ako ni Julian rito," sabi ni Abby sabay offer ng phone.
"Nasa'n po kayo ten minutes ago?"
"Ten minutes ago? Nagda-drive papunta rito."
"Ilang oras po ang biyahe mula sa inyo?"
"Oh, supposedly mga one hour. Pero dahil sa traffic, inabot ako ng two hours."
Kinuha uli ng pulis ang cell phone, mukhang binabasa ang messages ni Julian. "Bale, halos five hours ago na pala 'tong message niya, ano?"
"Yes, sir. Pero binilisan ko naman ang kilos kasi nga gusto niya ako agad na pumunta."
"May kilala po ba kayo sa mga kapatid ni Julian?"
"Si Bela lang talaga ang kilala ko, sir. But she already passed away. Nabanggit niya po si Julian noon sa akin, at alam kong may dalawa pa silang kapatid."
"Pero alam ho ninyo na patay na 'yung dalawa pa?"
"I'm embarrassed to say this . . . but I only saw the news this morning."
"Ngayon n'yo lang po nakita?"
Tumango si Abby. "There was a police officer who came over my house and asked questions. And then doon niya sinabi that they were dead. Siyempre, nagulat ako. I was so busy with work, e, kaya hindi ko talaga alam. Saka ako nag-search what happened to them."
"Puwede ho ba patingin ng phone ninyo?"
Abby knows she's being interrogated; she understands this. For the police, anyone can be a suspect. She decides to cooperate.
Mga ilang minutong nag-browse-browse si Officer Valdez at nagsusulat ng notes bago ibibigay uli ang phone. May maririnig si Abby na pagsigaw ng isang babae. Mapapatingin siya sa direksiyon na iyon, pero mapapalingon muli siya kay Officer Valdez nang bigla itong magsalita.
BINABASA MO ANG
Bela, Angelica, Diabla
TerrorSi Bela Angelique Flores, isang manunulat, ay walang ibang nais kundi ang magpatuloy na magbahagi ng kanyang sining. Walang problema para sa kanya na makilala siya bilang Angelica Bellaflor, ang kanyang sagisag-panulat para sa mga kuwentong nagbibig...