Pwede ko bang ilarawan ang sarili ko bilang ibang tao. Kung baga, reflection nila at salamin ng pagkatao nila... wala naman kasi akong tunay na identity. Nangongopya lang ako ng mga talents na eventually nagagampanan ko nang successful. Kaya naiisip kong pwede kong ilarawan ang sarili ko as ibang tao, dahil ang talents nila ang nagmold sa kung ano ako ngayon.
I am Akeisha Dianne, also known as Aikey. 17 years old and hindi pa rin alam kung anong pangarap ang gustong matupad.
Sa dinami-rami ng pinangarap kong mangyari sa buhay ko, isa lang ang alam kong hindi-hindi kayang matupad... ang pagkakaroon ng buong pamilya.
I was born in a broken family, wherein iniwan kami ng papa ko which was the reason kung bakit surname ni mommy ang gamit ko, Sandejas. Hindi ko alam kung bakit iniwan kami ng papa ko, hindi rin naman ako sinasagot ni mama whenever I would ask her where my father is. Lagi niyang dinadivert ang usapan.
"Ma, alam mo po ba kung nasaan si papa?" tanong ko, at muli na naman siyang bumalik sa ginagawa niya. Sa tuwing nagtatanong ako ng ganito... hindi niya ako sinasagot. "Mommy, bakit po tayo iniwan ni papa?" tanong ko na naman ulit. Ilang beses ko pang itanong, pare-pareho lang din naman ang magiging sagot...
"Hindi ko alam. Maaga ka pa bukas, matulog na tayo." sabi ni mama.
Iniwan niya ako sa ibaba, pero umakyat na lang rin ako pagkatapos tumulala.
"Aikey, wag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo, ah?" salubong sakin ni Mitch pagkapasok na pagkapasok ko. Sinong hindi magugulat sa pagbungad niya?
Hinila niya ako papuntang sulok ng room at doon siya ngumuso na parang may malaking atraso. "Ano ba yang mukha mo?" kunot-noong tanong ko sakaniya.
"Aikey, nilista ko ang pangalan mo sa Sing to Dance with me ni Miss Fajardo. I am sorry talaga." nakangusong sabi niya sakin at napanganga naman ako.
"Ano ka ba naman, Mitchara? Alam mo namang wala akong katalent-talent sa kahit na ano, bakit mo ako sinali?" walang magawang tanong ko.
Ngumuso na naman siya ng sobrang haba! "Eh kasi naman, kung hindi kita isasali, aasarin ka nila kay Airo. Alam ko namang ayaw mo kay Airo, eh." sabi na naman niya, napabuntong-hininga na lang ako. "At saka, kapag nakuha mo naman ang prize sa competition na magaganap sa Friday night pwede kang madagdagan ng points sa grades."
Wala namang problema sakin ang madagdagan ng grades or points ang grades ko. Ang problema, hindi naman ako marunong kumanta at sumayaw. Mapapahiya lang yung magiging kapartner ko.
"Bakit nakasimangot ka naman dyan, Aikey?" tanong sakin ni mommy nung makita niya akong nakasimangot habang pinaglalaruan ang pagkain sa harap ko. "At, bakit mo ba pinaglalaruan yang pagkain? Masamang pinaglalaruan ang grasya." dismayadong aniya pa.
Iniangat ko ang paningin ko sakaniya saka seryosong tumitig sa mga mata niya. Umupo ako gn maayos at saka nagsalita. "Pwede mo po ba akong turuang kumanta?!" excited kong tanong... yun nga lang bumagsak ang mundo ko.
"Hihi... anak, wala akong talent sa ganyan, eh." sagot niya.
"Kung hindi lang sana ako sinali-sali ni Mitch, hindi ako mamomoblema sa kailangan kong gawin, eh." napapabuntong-hiningang reklamo ko saka humalukipkip.
Ngumiti ng pilit si mommy saka lumapit ng onti. "Anak... baka, pwede naman nating pagpraktisan. Magagawa naman ng practice yan, eh." pilit niya, pero nanatili akong tahimik. "Sige na. Para saan ba yang gagawin mo?" tanong ni mommy.
"Contest." deretsong sagot ko at nalaglag ang panga niya. Hindi na siya muling nagsalita pa at iniwan na lang akong nakatingin sakaniya.
Tignan mo nga naman.