AYOKO NG MAGMAHAL

8 0 0
                                    

KAILAN mo ba balak umalis sa buhay ko? 

Bwiset na pag-ibig 'to, ang hirap namang kalimutan. Pasok kasi nang pasok sa buhay ko, eh. Nakakainis parang gusto kong magalit sa sarili ko, dahil nagmahal ako ng taong wala namang kayang ibigay sakin at iambag sa buhay ko. Yung tipong kahit man lang hangin, hindi niya kayang ibigay! 

Ate Yeng, I can feel the song you sang, T.A.N.G.A., ganun na kasi ako, nagpakatanga sakanya, but hindi ko ito papalagpasin. Simula sa Monday na pagpasok ko magababago na ang tingin ko sakanya. I swear to myself and to the world.

Strong independent woman 'to, uy!


MONDAY na naman, how fast naman is the day. 

Paano ko naman sisimulang iwasan siya, eh ang gwapo niya... dumadami yata ang butterflies sa tiyan ko kapag nakikita siya. 

Classmate kami, seatmate pa nga. p

Paano na 'to? Game over na 'to pagdating sa classroom, haistt.

Buhay ganyan talaga eh.

"Joan, bakit parang hindi mo na ako pinapansin? Crush mo ako, diba?" Ayan na ang mala-habagat niyang aura. Napakahangin! "Wag mo sabihing nahihiya ka na. HAHAHAHA, kaya love kita eh." tuwang-tuwang dagdag niya.

Napanganga naman ako sabay pikit! Grabe sa pagkafeeling! "Assuming mo naman, Jess." kunyaring reklamo ko, pero sa totoo lang, parang kinikiliti ang puso ko, kasi kinakausap niya ako! "Wala akong sinsabi na nahihiya na ako na maging crush ka."

 Ayy, nadulas! Bakit ba kasi niya tinanong yun? Paano na yung promise ko sa mundo para namang-

 Hinga nang malalim — Okay ganito susugurin ko na lang siya — ay mali — ipagtatapat ko na: wala na akong gusto sa kanya. 

"Jess, may aaminin ako sayo..." panimula ko na parang ang dali-dali lang at hindi ako mapapahiya.

 Yamot niya akong tinignan. Feeling pogi talaga! "Ano ba yun, Joan? Kanina pa, ha." iritado na ang tinig niya, pero alam kong pa-hard to get lang siya. Hindi! Nagpapakipot lang, ang arte! "Ano bang kailangan mo sakin?" pabebe niyang tanong.

Nagisimula na namang magsilabasan ang butterflies sa tyan ko, kasi ngumisi siya! "Eh kasi ganito yun," panimula ko at nakangiti na siya. Kakayanin ko 'to! "Hindi na kita crush, kaya asahan mo nang magbabago na ang tingin ko sayo. Yun lang naman, Jess." confident kong sinabi.

Naisara niya ang nakangiti niyang labi at nagkibit-balikat. "Ahh, seryoso ka ba?" kunot-noo niyang tinanong. Hindi ako sumagot. "Ayos lang ang daming tao na pwedeng magkagusto sakin hindi lang ikaw..." seryosong sambit niya at hindi na ako tuluyang nakagalaw.

Ang sakit naman nun. Para akong sinasaksak sa sinabi niya. Wala pala siyang pakialam.

Bakit pa kasi nangyari ang lahat ng mga ito? Ayoko na umamin sa susunod sakanya. Hindi na rin ako aamin sa iba! Ganito pala ang feeling ng rejection!


NAPAPALUHA na lang ako nung umuwi ako. Nagtago ako sa kuwarto ko at tumulala doon. Hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib ko! 

I hate you, Jess!

Sandali akong napatigil... 

Kumakatok ba si Mama or si Ate? 

Tekawait open ko lang yung pinto. 

Ay patay si Ate. 

Napaayos ako ng tayo. Alam ko kasi ang itsura ko ngayon. Nakakahiya. I am crying over Jess who doesn't even care about my feelings. "Anong kailangan mo, ate, sakin?" normal kong tinanong para hindi niya mahalata. 

ONE SHOT STORY/IESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon