3 YEARS AFTER.
" Hon, okay lang ba 'tong suot ko?" Napalingon si andra sa likuran niya mula sa malayong tingin nito kanina sa bintana ng kuwarto, dahil sa lalakeng pumasok.
Sandaling sinipat muna ni andra ang suot-suot na white polo shirt ng lalake.— " Hmm.. yah." Malambing na tugon nito sa huli at lumapit pa ng higit dito.
" Talaga h- hon? Mag-polo na lang kaya ako na black?" Kunot noo na tugon nito sapagkat hindi pa rin ito sigurado sa kaniyang suot. Napangiti naman dito si andra at umiling-iling.
" Mr. Francisco Gonzales, mas bagay po sa inyo itong polo shirt na white. Mas masa tingnan at simple." Inayos-ayos ni alejandra ang kuwelyo ng polo ng congressman.— " Tsaka, hindi ba ang gusto mo ay maging boses ng mga simpleng mamayan at mahihirap sa senado?" Tumango rito si chico at ngumiti.— " Kung simple ka lang, mas madaling lalapit sayo ang mga tao." Patuloy ni andra at ipinatong ang kamay sa dibdib ni chico matapos na ayusin ang kuwelyo ng polo shirt nito.
Ngayong araw magdideklara ng kandidatura si chico sa pagkasenador. Nagpatawag ang team nito ng malaking press conference at napili niya at ni andra na gawin ito sa isa sa mga hotel ng artamendi.
" You are right Mrs. Gonzalez, hmm.. ang galing mo talaga, b- bakit.. hindi ka na lang maging isa sa mga advisor ko? Para lagi rin kitang nakikita at nakakasama?" Paghalik ni chico sa pisngi ni alejandra at bahagya namang natawa ito sa huli niyang naturan.
" Hmm.. gusto niyo po ba, senator?" Malambing na tanong ni andra, na nakapatong pa rin ang dalawang kamay sa dibdib ng lalake. Madalas niya na itong tawaging senador simula noong magsabi sa kaniya na nais nitong tumakbok sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
" Ako pa talaga ang tinatanong niyo?" Muling natawa rito si andra.— " Kaya po ba ng schedule niyo?" Ngiting balik na tanong ni chico at yumakap sa bewang ni andra na kinagulat nito ng bahagya ngunit hinayaan na lamang sa huli.
" Kaya naman siguro, basta ikaw Mr. Gonzalez, I will find time for you." Pagtapik-tapik ni andra sa dibdib ni chico.
" Kaya lang.. baka hindi na makapagtrabaho ang staff ko, dahil sayo. Alam mo namang marami sa kanila ay fan mo. Tsaka magkakaroon pa ako ng kahati sa oras mo. Huwag na lang kaya?" Pag-iling-iling na saad ng congressman na muli namang kinatawa ni andra.
" Ikaw po ang masusunod, senator." Pagtapik muli ni andra sa dibdib ni chico at pagkatapos ay kumalas sa yakap nito sa kaniya.
" Hmm parang mali. Ikaw po ang masusunod sa a— Naputol ang sasabihin pa ni chico at muling pagyakap sana kay alejandra, nang mayroong kumatok sa pinto.
Sabay naman ang dalawa na agad napalingon sa pintuan at hinintay kung sino ba ang taong iluluwa nito.
" Congressman, kayo na lang po ang hinihintay sa baba." Payukong saad ng personal bodyguard ni chico pagpasok nito.
" Sige, susunod na ako." Tugon ng congressman at bilang paggalang dito ay tumango ang bodyguard at muling yumuko bago lumabas ng kuwarto.
Sa paglabas ng bodyguard ay muling ibinaling ni chico ang pansin kay andra, na ang mata at atensyon ay nasa pintuan pa rin. Malawak ang ngiti ni chico sa labi na mas lumapit kay andra at marahan na hinawakan ang kaliwang kamay nito at hinalikan bago inilapat sa palad niya. Magandang ngiti rin naman ang itinugon nito sa kaniya.
" Hon, h- hindi mo ba talaga ako sasamahan sa baba at panunuorin ako?" Paglalambing ni chico rito.
" Hmm.. I'll just watch you here, senator.. Ayoko na makaabala pa sayo roon at mas gusto kong nasa iyo lang ang atensyon nila." Malambing na hinaplos ni andra ng kanang kamay niya ang mukha ni chico na hinawakan nito sa huli.
BINABASA MO ANG
The Successor [ BOOK 2 ] ON HOLD
FanfictionMIKHAIAH AU Pangarap ko ang ibigin ka. Matapos ang ilang taon na pag-iisa, muli niyang bubuksan ang puso para sa iba ngunit paano na lamang kung muli rin magbalik ang taong dating minahal subalit sa katauhan na ng iba. Muli rin kayang mabuhay ang...