CHAPTER 8

29.7K 802 463
                                    

Nasa gitna ng masinsinang pag-uusap ang senador na si rafael at anak na mayor nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina nito at ang anak na kongresista ang iniluwa rito.

" Dad?!" Pabagsak na pagsarado ni chico sa pintuan at makikita sa mukha nito na tila tuliro. Kapwa napakunot ang noo ng ama at kapatid sa pagtataka sa kakaibang inaakto niya pagkat nagparuo't parito siyang lakad sa harap nila.

Kasama ni chico ang personal bodyguard nito na tahimik lamang yumuko sa isang tabi. Matapos ang auction party at maihatid si andra ay dito siya dumeresto sa ama.

" Chico, ano'ng problema mo?" Tanong ng ama rito na tila iritado.

" Si michiru, dad! Si michiru ikari!" Patuloy ni chico na pagparuo't parito at ang mukha ay mababakasan ng takot. Nagkuyom naman ang kamao at nagdikit ang bagang ng ama sa kaniyang inaakto.

" Chico, can you please sit down?" Pagsaway ng mayor na para bang iritado na rin sa kapatid.

" Kuya, hindi puwedeng buhay siya, imposible namang mabuhay ang isang taong patay na diba?!" Tulirong saad ni chico at ang mukha ay hindi na mawari at parang mababaliw na sa pagkukuyumos ng mukha at pagkuskos sa ulo't buhok. Lalong nagbanggaan ang mga panga ng ama sa inaakto ng anak na kongresista.

" Calm down, chico!" Saway muli rito ng mayor at tumayo na ito sa kinauupuan ngunit hindi nagpaawat ang kapatid dito.

" Francisco, sit down!" Malakas na pagsigaw ni rafael at ang anak ay napatigil sa paglalakad ngunit ang takot sa mukha nito'y makikita pa rin na hindi niya ngayon nagugustuhan.

" Dad, hindi makukuha ng kahit na sino si andra sa'kin! Hindi, ngayong patay na si milo! Hindi!" Mayroong galit at takot na saad na mahahalata sa panginginig ng boses ni chico kaya't ang pasensiya ng ama ay umiksi at napatayo ito sa galit. Mabilis na hinawakan ni rafael sa leeg ang anak. — " Dad, I'm sor—"

" I said sit down, chico!" Malakas na sinuntok sa mukha ni rafael ang kongresista kaya't napaupo ito sa sofa. Kinagulat at iling ng ulo na lamang ng mayor ang nasaksihan. Ganoon din ang personal bodyguard ng kongresista na walang nagawa sa isang tabi. — " Masyado kang abala kay andra kaya wala ka nang alam sa mga nangyayari sa paligid mo!" Dikit na mga bagang na saad pa rin ng senador at inayos ang suot na barong nito.

" What do you mean, dad?" May pagtatakang tanong ni chico ngunit makikita pa rin ang gulat sa mukha sa ginawa ng ama.

" Hindi siya si milo, chico kung 'yon ang iniisip at tuliro mo diyan. " Tugon ng mayor dito at napabaling ang tingin ng kongresista sa ama.

" Napaimbestigahan ko na siya francisco habang abala ka sa ibang mga bagay!" Maririnig sa boses ng senador ang pagkadismaya 'pagkat ang anak dapat ang unang gumagawa ng mga ito ngunit sa huling narinig ng anak mula sa kaniya ay tila nagpantig ang tenga nito.

" H- Hindi bagay si andra, dad! Mahal ko siya!" Muli itong nasuntok ng ama sa mapangahas na tugon. Walang nagawa si chico kundi tanggapin ang galit ng ama habang ang kapatid ay nailing ang ulo sa narinig dahil alam nitong sasamain ito sa ama nila.

" Stupido! Tonto! Wala ka talagang kuwenta!" Umalingawngaw ang sigaw ni rafael sa buong kuwarto at akmang susuntukin muli ang anak. Mabuti na lamang at mabilis itong naawat ng mayor. — " Nagsisisi akong kung bakit ikaw pa ang pinili kong ipagkasundo kay andra at hindi si angelo! " Pagtukoy nito sa anak na mayor. Napayuko si chico sa narinig at pinunasan ang bibig na mayroong dugo.

Kung hindi sana nasundan ng isa pang anak na lalake ang senador ay ang anak na lalakeng panganay ang ipagkakasundo sa anak na babae ng mga artamendi. Isang taon lamang ang tanda ni angelo kay chico at walong taon ang tanda nito kay andra subalit hindi siya rito naging malapit noong mga bata sila hindi katulad ni chico kaya ito na lamang ang pinili ng ama. Lalo na noong nagbibinata na at nahulog ang loob nito sa dalaga ng mga artamendi.

The Successor [ BOOK 2 ] ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon