Nasa harapan ngayon ng telebisyon si michiru habang nakaupo ito sa mahabang sofa at seryosong pinapanuod ang ambush interview kay andra at chico.
" Noong na interview namin kayo last time congressman ang sabi ni miss andra ang kasal ay soon na raw? Ang tanong ng marami kailan ba ang soon na 'yon?" Napabaling ng tingin si chico sa dalagang katabi niya sa tanong ng isang reporter.
" Uhm—
" Alam niyo naman na tumatakbo ang inyong butihing lingkod sa pagkasenador sa darating na election at sa ngayon do'n muna kami naka-focus ni andra." Sabat at putol ni chico sa ituturan sana ng dalaga 'pagkat nadama niyang hindi komportable ang dalaga sa narinig na tanong. — " Pero hindi naman namin nakalilimutan ang kasal. Actually naghahanda na rin kami kahit paano, hindi lang kami makapagbigay ng details sa ngayon." Muling bumaling ng tingin si chico kay andra at ngumiti na ngiti rin ang itinugon sa kaniya sa huli.
" Yes! And we want to keep the details private na muna para makapag-focus sa election." Saad ni andra nang sa wakas ay makahanap ito ng tamang itutugon sa reporter. Malambing pa niyang ipinatong ang kanang kamay sa dibdib ni chico habang nakahawak ito sa kaniyang baywang.
Ang totoo hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal gayon din sa totoong status nilang dalawa sapagkat naibaling ni andra ang atensyon sa ibang bagay mayroong kinalaman sa totoong pagkatao ni michiru. Ngayon na lamang ito naisip ni andra at sa tingin niya ay tamang panahon na rin para linawin ang namamagitan sa kanila ni chico at gawin itong opisyal. Lalo na at nangako siya sa kaibigang si janika na ipagpapatuloy ang buhay sa oras na malamang magkaibang tao si milo at michiru.
" Alam niyo namang hindi kami maramot at hindi namin ipagkakait sa inyo ang mga detalye kapag dumating na ang importanteng araw na 'yon, diba hon?" Humigpit ang hawak ni chico sa baywang ni andra at ngumiti ito sa kaniya bilang tugon. Tumango-tango ang mga reporter sa paligid nila sa naturan ni chico at tila nasiyahan sa kaniyang sagot.
" I'm sure bukod sa kasal ay excited ka na rin miss andra sa wedding gown mo? Sigurado kaming napakaganda noon dahil wedding of the year ang magaganap." Tanong ng isa pang reporter. Sandaling ngumiti rito ang dalaga bago tumugon.
" Of course!"
" Ah, basta ako? Excited nang magising sa umaga na Mrs. Gonzalez na ang isang Maureen Alejandra Artamendi at maganda niyang mukha ang makikita sa umaga." Labis na ikinakilig ng mga repoter ang sinabi ni chico at maririnig ito mula sa camera. Napailing ng ulo at ngumiti na lamang si andra sapagkat ang mga reporter ay tila inasinan ang katawan dahil sa kilig at sige sa pahapyaw na kantyaw sa kanila.
Sa mga narinig at nakita ni michiru ay walang mababasa sa mukha nitong reaksyon. Ang kanang kamay naman ay tahimik lamang sa kaniyang nakamasid at nangingiting palihim kasabay ng pag-iling ng ulo nito.
" Now I know, michiru." Biglang sambit ni akira at napalingon sa kaniya ang amo.
" Know, what?" Salubong na mga kilay na tanong ni michiru.
" Hindi na ako ngayon nagtataka." Malokong ngumiti si akira na lalong ikinasalubong ng mga kilay ng amo.
" What do you mean?" Gamit nito ang malalim na boses.
" She's drop dead gorgeous, michiru." Ismid na ngumiti ito sa narinig mula sa kaniya.
Alam ni akira na attractive na klaseng babae si andra dahil palagi niya itong nakikita sa mga litrato sa magazine, telebisyon at social media, pero noong nakita itong personal ay hindi na siya nagtataka kung bakit nahulog at minahal itong sobra ng amo. At palaging laman ng mga panaginip nito 'pagkat mayroong awra ang babae na kahit sino yata ay mabibighani.
BINABASA MO ANG
The Successor [ BOOK 2 ] ON HOLD
FanfictionMIKHAIAH AU Pangarap ko ang ibigin ka. Matapos ang ilang taon na pag-iisa, muli niyang bubuksan ang puso para sa iba ngunit paano na lamang kung muli rin magbalik ang taong dating minahal subalit sa katauhan na ng iba. Muli rin kayang mabuhay ang...