Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Kabanata 1

3.7K 53 3
                                    

Kabanata 1

Instinct

It was almost a year ago when I was invited to the wedding of my boss. It was a beach wedding, at halos kami-kami lang din ng mga katrabaho ko ang naging imbitado sa kasal. Wala rin kaming pasok sa trabaho nang araw ding iyon. Nagpaalam ako sa pamilya ko na pupunta sa isang isla para um-attend sa kasal ng boss ko.

Their wedding was held at the island of Lakawon. Sikat din itong island resort dito sa Negros. Marami nga rin ang nagpupunta rito. Pero first time ko lang din noon sa isla kahit mas malapit lang din dito kung saan nakatira ang pamilya ko.

Sa Bacolod naman kasi ako nagtatrabaho. When I finished college in a state university, agad akong lumuwas ng Bacolod City at nakakuha ng trabaho sa isang opisina. Ito na kasi ang pinakamadaling napasukan ko na trabaho at okay rin naman ang sahod kumpara sa ibang mahahanap ko pa siguro na trabaho as a fresh graduate. Wala nang ibang laman ang isip ko noong pagka-graduate ko kundi ang makapagtrabaho na ako kaagad kaya naman grab na lang agad ako ng opportunity at nang makapagtrabaho na at sumahod.

Hindi ko na lang namalayan na nagtagal na rin pala ako sa trabaho ko kahit pa nga minsan ay pakiramdam ko, gusto ko na ring mag-resign... But then, it's just a joke. Kasi kaya ko ba kung walang trabaho? Eh, hindi naman ako Disney princess. At paano pa ang pamilya ko kung hindi ako magtatrabaho? Kaya kailangan kong magtrabaho. No matter what...

"Steff, picture tayo!" Tinawag ako ng mga kasamahan ko sa trabaho at lumapit naman ako sa kanila para makapag-picture picture din kami suot na ang mga outfit namin ngayon sa kasal ni Bossing.

Ngumiti ako habang nagse-selfie kami ng mga nakakasama ko sa opisina sa siyudad.

Pagkatapos ay tinawag na rin kami ng organizer dahil magsisimula na ang seremonyas ng kasal.

Hindi pa nga namin nae-enjoy ang isla talaga kasi busy pa kami para sa kasal. Pero mamaya ay magkaka-time naman daw kami at pwede pang mag-swimming sa beach.

"May dala ka ba na damit pang-swimming, Steff?" bulong na tanong sa akin ni Vana sa tabi ko.

Tumango ako sa katrabaho at naging kaibigan ko na rin. "Oo. Nagdala ako. Sabi n'yo sa group chat magdala, 'di ba? Kaya nagdala ako," sabi ko. Although hiniram ko lang din ang dala ko sa kapatid ko na mas bata pa sa akin. Kasya pa naman sa akin kasi ang payat ko rin. At hindi ko sinasadyang magpapayat, ha. Sadyang mahirap lang kami kaya hindi ako nananaba. Wala akong pang-milk tea at samgyupsal.

"Sige! Ligo tayo mamaya habang nagha-honeymoon naman sina Boss!" Vana giggled at me quietly.

Bahagya ko naman siyang kinurot sa tabi ko. Bahagya niya lang din 'yon ininda at nakinig na kami sa kinakasal sa harapan namin.

At pagkatapos nga ng kasal ay kainan na. Kumain lang din ako roon kasabay ng mga kasama ko. May iba pang mga tao sa resort bukod sa amin na may event lang din dito kaya medyo nakahiwalay kami sa ibang mga guest ng resort.

And after eating and listening to the speeches for the newlyweds, we're now free to go swimming. Pagkatapos ay magkakani-kaniya na lang din kami ng pag-uwi mamaya. Habang sina Boss naman at ang bago niyang misis gaya nga ng sabi ni Vana ay may booking na rito sa resort ng overnight para nga sa honeymoon nila. Tapos balik ulit kaming lahat sa mga trabaho namin sa opisina pagdating ng Monday.

"Steff? Tapos ka nang magpalit?"

Kinatok ako ni Vana habang nasa bathroom kami ng resort at nagpapalit na ng damit pagkatapos ng kasal. Simple lang din naman iyong naging kasal nina Boss kaya nag-kahit anong dress lang din kami kanina basta ba light colors, iyon lang ang hiningi nila sa 'min.

"Oo. Heto na. Sandali na lang," sagot ko naman sa kaibigan ko sa labas. Sa trabaho ko na lang din nakilala itong si Vana. Pero okay naman siya. Mabait din naman.

"Sige. Dalian mo na para makapag-swimming na tayo. Excited na ako!" aniya galing sa labas.

Lumabas na rin ako sa bathroom cubicle pagkatapos. At hinila na rin agad ako ni Vana palabas.

Narinig ko pang sumipol iyong mga ibang kasama rin namin sa trabaho na mga lalaki naman.

"Grabe! Bagay sa 'yo, Steff! Ang ganda pala talaga ng katawan mo," sabi lang nila sa 'kin.

At pinuna na rin ng mga kasama ko ang suot kong two-piece swimsuit ngayon. Gusto ko nga sanang manghiram ng one-piece swimwear lang kaya lang ay wala naman ang kapatid ko ng ganoon. Hubadera din kasi talaga iyon. Kaya ito na lang ang sinuot ko, ang kung ano na lang din ang meron at available na mapapahiram sa akin para ngayong araw na magagamit ko.

"Oo nga, Steff. Nagdyi-gym ka ba?" tanong pa sa akin ni Suzette na kasamahan ko rin sa trabaho.

Umiling lang naman ako at tipid na ngumiti sa katrabaho. Hindi ko alam kung sexy nga ba talaga ako o sadyang payat lang dahil kulang din minsan sa kain. I just sighed to myself.

Hinila ko na rin si Vana at lumusong na kami sa tubig dagat. Naku! Paminsan-minsan lang ito, 'no! Kaya dapat na sulitin ko na ang paglangoy-langoy ko rito ngayon.

And I laughed with my friend. Sinabuyan pa nga ako ng tubig ni Ryan, kasama rin namin nina Vana sa trabaho. Umiwas na lang ako...

May ilan din naman na sumusubok nga na ligawan ako. Kaya lang ay tatandang dalaga na lang siguro talaga ako dahil kailangan pa ako ng pamilya ko. Kasi kung magpapakasal ako, siguradong mahahati o maiiba na rin ang priorities ko at mapupunta na sa sariling pamilya ko. Kaya paano sina Mama at ang mga kapatid ko kapag ganoon na, 'di ba? Ang hirap na talaga ng buhay.

At natanggap ko na rin naman sa sarili ko na tatandang dalaga na lang siguro talaga ako, especially that I'm now already in my late twenties...

But sometimes, life is just so unexpected. When you've already settled your mind on one thing, kagaya ng tinanggap ko na sana sa sarili ko na tatanda na lang akong mag-isa at magtatrabaho na lang para sa pamilya ko hanggang kaya ko, ay saka naman may mga mangyayaring hindi ko pala inasahan na pwede pang mangyari sa akin...

I was a virgin until my late twenties. Curious din naman ako sa mga ganoon, kaya lang, I just can't risk it. Paano kapag nabuntis ako, 'di ba? Tapos hindi pa responsable iyong nakabuntis sa akin kagaya sa kapatid ko na iniwan lang ng lalaki pagkatapos siyang mabuntis. Kaya naman natigil tuloy siya sa pag-aaral at nag-aalaga na lang ng bata ngayon sa bahay namin. Hindi rin naman mababantayan ni Mama ang apo niya dahil marami pang mga gawain sa bahay na mas priority niya at may sakit na rin sila ni Papa dala na ng katandaan. Kaya mahihirapan nang mag-alaga ng apo.

But sometimes, I wanted to ask my sister when I should support her and her child. Hanggang kailan ako magpapakatatay sa anak niya...

Although napapasaya rin naman ako ng pamangkin ko. Ang cute ni Talie. Kaya ayos na rin siguro...

Iyon nga ang rason ko kung bakit hindi na rin ako pumapasok pa sa mga relasyon.

Hanggang sa makilala ko na nga si Jace...

"Saan ka, Steff?" tanong sa akin ni Vana nang umahon na rin ako hindi nagtagal.

Bumaling ako sa kaniya at tinuro ko lang ang restaurant ng resort. "Bibili lang ako ng maiinom," pagpapaalam ko na rin. Iniiwasan ko lang din si Ryan na lapit pa rin nang lapit sa akin kahit nasa tubig kami at kakarampot lang ang suot ko. Kahit pa binasted ko na rin siya noon ay parang ayaw pa ring tumigil. And I just feel awkward around him now.

Ewan ko ba. May pakiramdam lang kasi ako na iba naman ang habol nito sa akin. Baka gaya sa kapatid ko ay bubuntisin lang din ako at iiwan...

Siguro nga ay nag-o-overthink na lang din ako. But I wanted to trust my instincts on this. Minsan kasi ay tama rin ang kutob natin. Lalo na tayong mga babae...

Mabuti naman at mukhang hindi na rin ako sinundan pa ni Ryan dahil busy na rin siya kina Suzette. Kung ako pa kay Ryan ay kay Suzette na lang siya tutal ay crush na siya nito dati pa. Mas may future pa siguro silang dalawa. Dahil wala naman siya talagang aasahan sa akin na may responsibility pa sa pamilya at hindi ko alam kung hanggang kailan.

Sinuot ko lang iyong extra na dress din na dala ko at ginawa rin itong cover up sa suot ko na bikini. At pumunta na ako sa restaurant para doon na lang muna tumambay. O-order na lang ako ng juice para hindi naman ako paalisin doon. At ano naman ang gagawin ko roon sa loob ng restaurant, tatanga na lang ba sa mga kumakain doon? Napabuntonghininga ako at pumasok na sa loob ng resto.

Kaya lang, doon ko pa lang na-realize nang makita ko na sa menu nila na medyo mahal din pala kahit ang juice na binibenta nila rito. Nagdalawang-isip pa tuloy ako kung tutuloy ko pa ba ang pag-order...

"Ah... Miss, isang orange juice nga," sabi ko roon sa may counter na saan ako nag-order. Parang may bar din kasi rito at may mga inumin din. May alcoholic beverages. Pero sure ako na mas mahal iyon. At ang aga pa rin para uminom, 'no. Wala rin akong balak na uminom. Hindi rin talaga ako palainom. Kasi iyong tatay ko ang dami nang sakit ngayon kakainom dati. Nasira na yata pati ang atay sa kakalaklak ng alak. Kaya ayaw ko ring matulad sa kanya. Minsan na lang din akong nakakainom dahil nayayaya nina Vana. Pero hindi naman ako sumusobra.

Umupo na lang din ako roon sa isang stool sa parang may bar counter nila. Ang alam ko ay parang may floating bar din sila rito sa resort. Nagyaya nga si Vana na i-check din daw namin iyon mamaya.

"It's on me. And please add another one, too." Bigla na lang may isang lalaki na umupo na rin pala sa tabi ko at nagsabi pa sa bartender na siya na ang magbabayad sa in-order ko...

Napatingin ako agad sa tumabi sa akin at tatanggi na sana ako. Hindi ko naman kasi first time na may ganito. Kapag napapasama nga ako sa mga katrabaho ko lalo na kay Vana na minsan ay trip pa talagang mag-bar ay may mga ganito ring lalaki. Mag-o-offer na sila na raw ang magbabayad sa in-order n'yo ng mga kaibigan mo pero pagkatapos n'on ay alam mo na kung ano ang pakay sa 'yo at baka isama ka pa pauwi pagkatapos...

Tsk. Minsan, sumasama si Vana... Gaga rin talaga minsan. Pero ako naman ay ayaw ko sa ganoon. Paano pala kung hindi lang sex at papatayin ka pa pagkatapos? Paano kung killer din pala? Tsk, tsk. Pinagsasabihan ko na talaga 'yang si Vana because we cannot really tell. We don't always know what other people's intentions are and how their minds work...

Nakakatakot din kaya. At siguro ganito na rin ang opinion ko ay dahil sa mga naririnig o napapanood ko na true crime documentaries.

Maganda naman din kasi ang gagang si Vana. Bakit hindi kaya siya maghanap ng matinong lalaki at hindi iyong ikakama lang siya palagi?

I didn't really understand my friend until it happened to me...

Pagkalingon ko nga lang ay may nakahanda nang ngiti sa akin iyong lalaki na gusto akong ilibre sa in-order ko lang naman na juice.

Aalma pa sana ako kaya lang ay ang gwapo naman niya... At mukha pang mabait at may maamong mukha. Natameme na lang ako hanggang sa nilapag na harapan ko iyong orange juice na order ko. Tiningnan ko na lang 'yon.

"Hi! I'm Jace. And you are?"

Tiningnan ko iyong lalaki. Mukhang nakikipagkilala lang naman. Pinagkibit-balikat ko na lang. "Steff..." sagot ko lang.

He was still smiling at me. And I noticed how he had this perfect set of pearly white teeth. Kaya siguro confident din siyang ngumiti sa akin nang gan'yan. Kung gan'yan ba naman kaganda ang ngiti mo...

And what did I say about my instinct? That I just follow it...

At dahil parang pakiramdam ko naman na hindi masamang tao itong kaharap ko ngayon ay hinayaan ko ang sarili ko hanggang sa hindi ko namalayang parang casual na nakikipag-usap na lang din pala ako sa kaniya. When I haven't done this to any other guy I've met before.

PricelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon