Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Kabanata 3

1.7K 20 2
                                    

Kabanata 3

Breakfast

So, on my next day off that week, I agreed to meet Jace. Sa Bacolod na kami nagkita. Nakapagpaalam na rin ako sa amin sa bahay na hindi muna ako makakauwi ngayong off ko dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Hindi na rin naman nagtanong pa ng iba pang mga bagay tungkol sa lakad ko ang pamilya ko.

Jace and I met in a cafe just near my workplace. Inumaga na kasi ako sa trabaho ko dahil nag-overtime na naman. Ang dami rin kasing ginagawa sa office. Halos magsabay na nga kami ng guard na mag-out sa trabaho. Jace and I have exchanged contacts kaya nagkakausap na rin kami. He asked about my job, and I told him that I work in a small office in the city at puro pa paperwork ang inaasikaso ko bukod sa pagsagot din ng mga tawag at emails.

Pinagpuyatan ko na ang trabaho ko ngayon para wala na akong mas'yadong iisipin at ma-enjoy ko rin naman ang day off ko. Isa pa, para pagdating ng Monday ay hindi na naman ako matambakan ng mga gagawin sa desk cubicle ko sa office. And so, we met at around 7:00 AM in the morning after I came from work. At nakatulog din naman ako sa opisina. Tinamad na rin kasi akong umalis at umuwi pa kagabi nang makita kong inabot na rin naman ako nang late sa opisina kaya doon na lang din ako natulog. May matutulugan din naman doon at safe naman. Okay rin naman iyong boss namin kahit pa iniwan niya ang mag-iina niya at nagpakasal sa isang kasamahan namin sa trabaho... I sighed.

Totoo nga rin siguro iyong sabi-sabi ng iba na kung may pera ang isang lalaki, pakiramdam niya ay kailangan niya pa ng mas maraming babae... Okay rin kasi itong opisina ng boss ko. It's a law office, and I work as secretary here. Ang ibang mga kasamahan ko naman ay tulad din sa trabaho ko gaya ni Vana. At ang iba pa ay mga bago lang na attorney. Actually, ngayon lang din dumami na ang mga lawyer dito kasi dati ang boss pa lang talaga namin at nasa hanggang dalawang nakasama niya rin na lawyers dito. Naabutan ko pa iyon. Ayos din naman talaga sana ang pasahod na kaya nga lang ay medyo malaki rin ang pamilya na binubuhay ko at ang dami pang mga pangangailangan.

Minsan nga nasabihan ako ni Vana na mag-aral daw kaya kami ng law. Kaya lang alam din naman namin na magastos iyon. Kaya nakuntento na lang din kami sa pagiging assistant dito.

Medyo nahiya pa ako kasi doon lang nakatayo si Jace sa labas ng cafe at hindi pa siya pumapasok. Pwede naman na sa loob na lang niya ako hinatayin. Napansin ko rin na nakasuot pa siya ng mga damit na mukhang pang-jogging din. Maybe he exercised a little too after waking up this morning. Sana all na lang. Habang ako ay puyat pa at ngayon ko lang na-realize na baka mukha pa akong zombie ngayon na nakipagkita ako sa kaniya. Napabuntonghininga na lang ako.

Nakita na rin niya ako at bahagya pa siyang kumaway. Medyo tinaas ko na rin ang kamay ko para kumaway rin nang kaunti pabalik sa kaniya. Pagkatapos ay lumapit at sinalubong na namin ang isa't isa.

"Hi!" Ngumiti agad sa akin si Jace nang magkita kami. "Good morning!" masigla rin niyang bati sa akin.

"Hi," tipid na bati ko lang naman sa kaniya at medyo awkward pa dahil ngayon pa lang uli kami nagkita pagkatapos ng pagkikita namin sa isla.

I agreed to meeting him today para mapag-usapan na lang din namin iyong magiging pag-tour ko sa kaniya bago ako umuwi sa dorm ngayon. Hindi mahaba ang mga rest day ko kaya susulitin ko na lang na masamahan ko siya sa kung saan niya gustong pumunta rito sa Negros habang off ko pa sa work. Hindi ko rin kasi maatim ang um-absent at kailangan ko rin iyong trabaho ko para sa pamilya ko na hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho.

We met at The Local Café Bacolod. Hindi ako palaging pumupunta sa mga cafe kasi may kamahalan nga rin. Pumasok na kami sa loob. Pero nakita ko na may outdoor seating din ang cafe kaya nag-suggest ako kay Jace na kung pwede ay doon na lang kami dahil hindi pa naman ganoon kainit at hindi pa mataas ang araw sa labas. Parang gusto ko rin kasi roon. Nag-agree naman sa akin si Jace.

And then we ordered food.

"Let's have breakfast first," Jace said.

Tumango lang naman ako sa kaniya.

"Are you sure that it's okay for you to meet me this early? Galing ka pang work mo. I'm sorry," he said as he apologized, too.

Umiling naman ako sa kaniya. "Hindi. Okay lang," sabi ko.

And while we waited for our order, I noticed the furniture in this cafe. It's nice. The tables were made of fine hardwood at classic Filipino din ang style ng mga upuan na mukhang gawa yata sa traditional na rattan at kulay brown ang iba. At pagdating ng pagkain namin ay natuwa rin ako. Masarap ang sine-serve nila na homemade breakfast sa kanilang menu. I liked the Hungarian served with rice and egg na nakita ko lang din sa menu nila. Bakit ko in-order? Kasi na-curios ako sa kung ano ito at medyo sosyal din ang pangalan ng pagkain kaysa sa mga kilala ko na tapa, sisig, tocino, at kahit pa ang Spam. Tapos sausage lang naman pala 'to. Pero masarap naman. And the coffee was excellent as it also used home-grown coffee from Negros Occidental. Mukhang mas na-enjoy rin ni Jace ang coffee niya.

At habang kumakain kami ng almusal ay natanong ko na rin muli pa si Jace tungkol sa pagkuha niya sa aking tour guide niya. "Sure ka ba na okay lang na ako ang magtu-tour sa 'yo? Actually, wala naman talaga akong experience sa pagtu-tour," sabi ko. Pero pwede rin naman akong mag-research na lang din. "First time ko lang din itong gagawin," sabi ko sa kaniya.

Tumango naman sa akin si Jace. "Yes, it's all right. Don't take it so seriously, too. Just think of it as if you will just tour a friend around the city... Parang magpapasyal ka lang ng kaibigan mo." Ngumiti siya sa akin.

And looking at Jace's smile, napanatag na rin naman ako at napangiti sa kaniya. Pakiramdam ko ay parang ang bait ni Jace na tao...

"Nag-jogging ka?" I asked him.

Tumango naman siya. "Yeah. I just did some morning exercise."

I nodded at him. Mukhang healthy nga rin naman siya na tao. At kung sausage ang in-order ko na breakfast ay mga dahon-dahon o vegetables naman ang pagkain niya. Salad yata. I think vegan-friendly rin pala itong cafe. O parang ganoon since they also serve here leafy meals. Mukhang masarap din naman pero mas gusto ko ng hotdog o sausage pala. Magkamukha lang din naman sila. Mukhang magkamag-anak lang naman siguro ang sausage at hotdog.

"Saan ka pala nagsi-stay rito?" tanong ko na sa kaniya since umalis na siya sa Lakawon island. I think he stayed there for more days than we did with my co-workers na isang araw lang at mainly para lang din iyon sa kasal ng boss namin. Habang siya naman ay bakasyonista talaga.

Sinagot ni Jace ang tanong ko. Currently, he's staying at Seda Capitol Central hotel here in Bacolod. At wala nga talaga siyang kasama at siya lang mag-isa. At pagkatapos naming kumain ng breakfast sa cafe ay may sasakyan at driver pa na sumundo sa kaniya roon pabalik ng hotel niya. Hindi ko alam kung sa hotel ba 'yon na service o nag-rent din siya at baka dala niya rin na sasakyan. Hindi na rin ako masyadong nagtanong pa at nakisakay na lang din nang yayain din ako ni Jace na sumabay na sa kanila pauwi.

"Pwede ka naming ihatid na sa tinitirhan mo," sabi sa 'kin ni Jace at tumango lang naman ako sa kaniya at pumayag na.

Makakalibre na ako ng pamasahe at gusto ko na lang din makauwi ngayon at makatulog na muna. Sa cafe ay pinag-usapan na rin namin ni Jace na gusto niya lang mag-ikot sa Bacolod City kaya magkikita na lang ulit kami bukas.

Hinatid ako ni Jace at ng driver niya sa harapan mismo ng bahay kung saan ako nagre-rent lang din ng bedspace. Mas makakamura din kasi sa ganito kaysa apartment o condo pa. Ang sosyal naman at wala akong budget sa ganoon. Okay rin naman dito at mabait na iyong may-ari ng bahay na naabutan ko ngang nagwawalis pa sa bakuran kaya nakita agad ako nito na bumaba ng isang sasakyan pagkahatid sa akin nina Jace.

At una pang bumaba si Jace na pinagbuksan din ako ng pintuan ng sasakyan. Bumaba na rin ako agad at nagpasalamat. "Salamat sa paghatid sa akin dito," sabi ko sa kaniya at ngumiti na rin.

"No worries. Is this your house?" Tiningnan pa ni Jace ang lumang bahay na may second floor at gawa sa kahoy sa likuran niya. Matagal na rin itong bahay at mukhang sa kapanahunan pa ng mga Kastila pero maayos pa naman at malinis din sa bahay niya ang may-ari na siya ring nagpapaupa sa amin dito.

Umiling ako kay Jace. "Hindi. Bedspace lang. Nasa ibang lugar pa ang bahay ng pamilya ko pero dito lang din sa Negros. I stay here because I have work here in Bacolod," sabi ko sa kaniya.

Tumango naman si Jace sa sinabi ko. Pagkatapos ay ngumiti rin siya sa akin. "Well, see you tomorrow, then," aniya.

Tumango naman ako sa kaniya. "See you tomorrow."

"All right. Hindi na rin kita aabalahin pa. I know that you will still need to rest now after this," he said.

At tumango naman ako. Pagkatapos ay nagpaalam na rin sa akin si Jace at bumalik na sa loob ng sasakyan. Tiningnan ko na lang sila hanggang sa tuluyan na ngang makaalis.

At medyo nagulat pa ako nang magsalita at nasa tabi ko na pala ang may-ari ng bahay kung saan ako nangungupahan. "Sino 'yon? Boyfriend mo ba, Steffiana?"

Bumaling ako kay Aling Lotlot. May edad na rin ito na babae at tumanda ring dalaga dahil inubos ang panahon niya noong kabataan pa niya sana sa pag-aalaga sa noon ay may sakit din niyang nanay hanggang sa pumanaw na ito. At nang mawala na nga ang ina ay saka naman niya pinarentahan na lang din itong medyo malaki rin nilang bahay dahil siya na lang din naman mag-isa ang maiiwang nakatira dito. Okay rin at naging negosyo na rin na napagkakitaan pa niya.

Umiling ako. "Naku, hindi po," sagot ko naman.

Pero binigyan naman ako ni Aling Lotlot ng nagdududang tingin. Umiling lang din muli ako sa kaniya at bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako agad na papasok na sa bahay at gusto ko nang magpahinga. Hindi na rin naman ako pinilit pa ni Aling Lotlot na magkwento at hinayaan na lang niya akong pumasok na at umakyat sa kwarto ko.

PricelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon