Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 2

2.1K 38 5
                                    

Kabanata 2

Tour Guide

"So, uuwi rin kayo ng mga kasama mo mamaya?" Jace asked me when I told him that I was only here for my boss' wedding.

Tumango ako. "Oo."

At hindi ko namalayan na naubos ko na rin pala iyong juice ko habang nag-uusap lang kami ni Jace dito. Napatingin na lang ako at nakitang ice na lang pala ang natitira sa matangkad na baso.

"Oh. You want to order another?"

Umiling ako agad sa kaniya. "Hindi na..." iling ko at bahagya rin akong napangiti sa kaniya. Nakakahiya naman at nilibre na nga niya ako ng isang baso ay o-order pa ba ako ulit... Pero, pwede rin naman...

Muli ko na lang siyang inilingan.

"Are you sure?"

Tumango naman ako sa kaniya. "Oo. Ayos lang."

"How about food?" he asked me again.

Napatingin pa ako muli sa menu. Pero umiling din ako kay Jace. Kasi nakakahiya na kahit mukhang masarap pa naman sana ang mga pagkain nila rito. At medyo nagutom na rin ako ulit galing sa paglangoy kanina.

"You sure? I guess we can order snacks. I think I'm getting hungry, too. Would you like this?"

Ngayon ay kaming dalawa naman ang tumingin sa menu.

At hindi ko na napigilan ang sarili ko na napa-order na nga. At nang matikman ko pa ang pagkain ay napasabi talaga ako sa sarili ko sa loob-loob ko lang na nakakagutom nga lalo kaya mas na-enjoy ko pa ang pagkain.

Sa totoo lang, siguro kung may extra lang akong pera ay bibili rin naman ako ng mga pagkain na gusto ko. At bubusugin ko rin ang sarili ko. Kaya nga lang ay siyempre, mas priority ko sa ngayon ang mga kailangan namin sa bahay.

"Do you like it?" tanong sa akin ni Jace at ngumiti siya nang makita niya siguro na nasasarapan ako sa mga pagkain na in-order niya para sa amin.

Tumango na lang ako at ngumiti rin sa kaniya.

"Ikaw? Nagbabakasyon ka lang dito? Taga-saan ka pala?" Napatanong na rin ako habang kumakain kami. Libre naman ni Jace kaya I will eat to my heart's content now. Wala nang hiya-hiya pa... Gutom na ako, eh. Nauunahan ako ng tiyan ko kaysa ng hiya ngayon.

"I'm from Manila," he said. "And yes, nagbabakasyon lang ako ngayon dito."

Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kaniya. "Sa Manila ka pa pala galing at napadpad ka rito..." nasabi ko.

Nakangiti pa rin siyang tumango sa akin. Ang palangiti naman ng lalaking ito. Pakiramdam ko ay marami na ang nabihag sa maganda niyang ngiti na 'yan... Pagkatapos ay ang ganda pa ng mga ngipin niya. Ang perfect lang. "Yes. My secretary just suggested this place to me for my vacation. I was really stressed from work, so I was looking for a place to unwind. At iyong hindi ko pa napupuntahan," aniya.

Napatango-tango naman ako sa sinabi niya.

May secretary pa siya? Tiningnan ko siya. Sabagay ay mukha nga naman talaga siyang yayamanin. Kahit naka-simpleng white T-shirt at shorts lang din siya ngayon dito sa isla, mahahalata mo talaga na may pera. Hmm...

"Nasaan ang secretary mo? Kasama mo ba siya ngayon dito?" And my mind went wild thinking about a typical boss and his secretary affair...

Ayaw ko naman maging judgmental. Pero may mga ganoon naman talaga, 'di ba? Kahit pa sa totoong buhay, ang daming mga nagkakaroon ng mistress.

Bahagya namang kumunot ang noo ni Jace at umiling siya sa akin. "No. He stayed back in Manila. We only contact each other for work," sabi niya.

Napatango-tango naman ako sa sinabi niya pagkatapos. He... ibig sabihin ay lalaki rin ang secretary niya? Ano kaya ang business nila? Hindi ko mapigilang mapaisip at maging curious na nga.

"So, mag-isa ka lang na pumunta rito?" tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya sa akin.

Hindi naalis ang tingin ko sa kaniya.

"How about you?" tinanong na rin niya ako.

"Ako?"

"Yeah."

"Hmm. Taga-rito lang ako. Nagtatrabaho ako sa Bacolod," sabi ko.

"Oh. Good. So you're a local from here? Maybe you could tour me around?" aniya.

My lips parted a bit. "Bakit? Hanggang kailan ka ba rito?"

"I don't know..." He just shrugged his shoulders and smiled at me again.

"Gusto mo pa bang mamasyal sa ibang mga lugar dito sa Negros at hindi lang dito sa isla ng Lakawon?" I asked him.

Tumango siya. "Yup. You can say that..." aniya.

"Eh, paano ang trabaho mo?" I curiously asked him.

But he just smiled. At sa ngiti niya pa lang na 'yon ay para bang sinasabi niya sa akin na ayos lang at walang dapat na ipag-alala tungkol sa trabaho niya. "It's all right. For now, I can work through my laptop, anyway. And besides, I was well allowed to have this vacation and to take a leave from work," sabi niya pa sa 'kin.

Napatango na lang naman ako kalaunan sa kaniya. "Kung ako ang kukunin mong tour guide..." kahit hindi naman talaga iyon ang trabaho ko. "...may bayad ba ako n'yan?" I even chuckled after my question because I was only joking. But when I looked at Jace again, he looked like he took it seriously instead.

"Hindi nga? Nagbibiro lang ako," sabi ko sa kaniya.

Umiling naman siya at ngumiti na naman. "It's all right. I think it's only right for me to compensate for your help..." Nagkatinginan kaming dalawa sa mga mata ng isa't isa. "Wala nang libre sa panahon ngayon, right?" He smiled.

At unti-unti ay napatango na lang din ako sa sinabi niya...

Ang ganda ng ngiti ni Jace.

After that, I exchanged contacts with Jace. At pagkatapos ay umuwi na rin kami ng mga kasama ko. I told him that I have work, so I can tour him around when I'm on my days off.

At talaga namang saka lang parang tuluyan nang nag-sink in sa akin ang pagpayag ko nang umalis na kami sa isla. Talaga bang pumayag ako? At kailan pa ba ako naging tour guide? Isa pa, hindi nga ako nakakagala na ako lang dahil wala na sa budget ko 'yan. Pero dahil lumaki naman ako rito sa Negros, tingin ko ay kaya ko namang makapag-provide ng assistance kay Jace at samahan siyang mag-sightseeing sa mga lugar dito sa Negros since taga-rito naman ako.

I sighed to myself after realizing it.

At isa pa, inisip ko na rin nga siguro ang ibabayad niya sa akin kapag sinamahan ko lang naman siyang mamasyal...

I know that he's rich. And he would probably pay me a good amount of cash. Sakto rin at noong nakaraan ko pa iniisip na kung sana ay baka pwede na rin akong kumuha ng extra pang trabaho dahil parang kulang na talaga ang sinasahod ko sa trabaho ko ngayon. Palagi naman kasi talagang kulang ever since at pinipilit ko na lang talaga na pagkasyahin para sa mga pangangailangan ng pamilya ko. Kaya nga minsan ay hindi na rin maiwasan na makapag-loan din. I sighed. Tapos problema na naman sa pagbabayad at ang taas pa madalas ng mga interest sa mga loan. Kaya minsan, talagang pakiramdam ko ay parang hindi ko na kaya. Nakakapagod nang isipin ang mga kailangan kong gawin at isakripisyo palagi just to make ends meet.

PricelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon