1

2 0 0
                                    

—UNANG PANAUHAN—
Madilim...

Tahimik...

Nakakatakot...

Hindi ko alam kung ano pang mga salita ang pwede kong banggitin para mailarawan ang lugar na kinaroroonan ko ngayon.

Madilim, ngunit unti unti nang naga-adjust ang mga mata ko dahilan upang makita ang lugar na kinaroroonan ko. Nasa loob ako ng kwarto ko at kasalukuyang nakaupo sa gitna ng kama.

Paano ako napunta rito? Hindi ko maalala. Ang huli ko lang naalala ay nanggaling ako sa eskwelahan at— hindi ko na maalala.

Masyadong tahimik ang paligid ko. Natatakot akong gumawa ng kahit anong ingay dahil pakiramdam ko'y anumang sandali ay maaaring may mabulabog sa ingay na gagawin ko. Tahimik akong sumulyap sa orasan sa gilid ng kama ko, ang mga pulang numero ang siyang tanging nagbibigay ng munting liwanag sa aking kwarto.

3:09 AM.

Ang sabi nila, tinatawag daw na 'Devil's Hour' o 'Witching Hour' ang alas-tres ng umaga dahil pinaniniwalaan sa mga mito na ito ang oras kung saan malakas ang pwersa o kapangyarihan ng mga demonyo. Karamihan sa mga nakakatakot na bidyo ng mga sikat na influencers ngayon ay puro mga 3AM challenge na.

Hindi mawala sa pakiramdam ko ang takot dahil madaling araw na rin at masyadong madilim ang kwarto ko. Hindi ko mahanap ang tapang ko upang tumayo para buksan ang mga ilaw dahil natatakot ako na may humawak sa paa ko 'pag tumayo ako at bigla na lang akong hilahin.

Nakarinig ako ng huni ng ibon kaya agad akong napatingin sa may bintana. Isang maliit na ibon ang humuhuni, nakapagtataka lamang na diretso 'tong nakatingin saakin.

Nagkatitigan kami ng ilang saglit ng ibon bago ito lumipad palayo. Kakaiba.

Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng mga munting yabag ng paa. Sumibol sa kalooban ko ang panibagong takot dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa manyayari. Instict, kumbaga.

Nagusumot ang kumot ko sa higpit ng hawak ko rito nang may kumatok sa pintuan ko.

Tok. Tok. Tok.

Mas lalong nadagdagan ang takot ko ngunit hindi ko magawang lumikha ng ingay dahil na rin sa sobrang takot ko.

Kung pinagt-tripan niyo ako, please lang itigil niyo na.

Tok. Tok. Tok.

Nagpatuloy ang pagkatok at mas lalo akong natakot sa paraan ng pagkatok nito sa aking pintuan.

Tok. Tok. Tok.

Ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Pagkatapos nang huling tatlong katok ay malakas na kumalabog ang pinto ko. Para bang nawalan na ng pasensya sa kakakatok ang tao sa likod ng pinto—kung tao man ito, at nais na lamang sirain ang pinto upang makapasok.

Mahigpit akong napahawak sa kumot ko nang may kutsilyong tumarak sa pinto ko, kasabay nang unti-unti pagkawasak nito. Bumigat at bumilis ang paghinga ko habang lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

Katapusan ko na ata.

Suminghap ako nang bumungad saakin ang isang matandang babae na bali na ang leeg. Matangkad ito at nakasuot ng puting bestida, mahaba rin ang buhok niya na umabot na hanggang sa sahig. Madugo rin ang mukha nito dahil iisa na lamang ang mga mata nito habang ang kanang mata niya ang pinagmumulan ng pagdurugo dahil parang dinukot na lamang ito ng basta basta gamit ang kamay. Imbes na kamay ay galamay ang mayroon ito, mahaba ito at ang kaliwang galamay ay may hawak na kutsilyo. Hindi rin nakatakas saakin ang nakakakilabot na ngiti nito na parang nagsasabing 'papatayin na kita dito'.

Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw ako sa takot. Hindi, hindi ito maaari.

Hindi ko na na-proseso ang mga sunod na nangyari dahil bigla na lang akong tumayo at tumakbo sa kung saan man nang hindi na nagi-isip pa. Ang mahalaga ay makatakas ako sa kung anong nilalang man iyon.

KrisantemoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon