Sa kakaibang landas ng panahon, pag-ibig ay dumaan
Milya-milya ang layo'y kasalungat naman ng ating mga puso.
Malayo man ngunit mga damdami'y nag-uumapaw
Tila sinag ng bituin na isinaboy sa madilim na kalangitan.
Kay raming nagliliwanag na alitaptap sa iyong kaharian
Habang nag-iisang sumisikat lamang ang sa akin.
Ngunit hindi nito mahahadlangan ang pagsabog ng pag-ibig
Na umaawit sa ilalim ng milya-milyang bituin.
Mga pangako'y tinatangay ng alon papunta sa isa't isa,
Nadadamang halik at haplos na sa hangin ipinarating,
Mga titik ng pagmamahala'y itinala sa kalawakan,
Magkaiba man ng kaharian, puso'y binabalot ng pag-ibig.
Ngayon, sa gitna ng mga tala, sila'y nagkakasalubong
Dalawang puso'y naging isa, magkalayo man ang baybayin
Pag-ibig na nagdudugtong sa mga pusong nangangarap
Ay ang pag-ibig na nagwagi sa milya-milyang distansya.
YOU ARE READING
Tinta
RandomThis book is purely all about poems that was written by yours truly. There are also some poems that was written by me and someone I collaborate with. Everything in this content are truly not plagiarize. If there's any lines or idea that is similar o...