Mas malakas pa sa sinag ng araw ang bugso ng ulan
Na ipinapahiwatig ang saya ng kalungkutan.
Ibalik man ang nakalipas na hinaharap
Subalit tanging nakalipas na lamang ang pinapangarap.
Kung noo'y pasakit na pagmamahalan ang laman
Sa kasalukuya'y romantikong pamamaalam na lamang.Ang pagdidilim ng liwanag ng araw ay ang syang pagsikat ng buwan.
Na pinapahiwatig na ang bukang liway-way ay naging dapit-hapon.
Kuminang man ang mga ulap at umulan ng tala.
Lumindol ang langit at bumagyo ang lupa.
Kung noo'y mahigpit na pagmamahalan ang naasam,
Ang ngayon ay tanging romantikong pamamaalam.Pilitin man ang saging ay pumait at ampalaya'y tumamis
Tanging ang kaginhawaa'y ang ating pagtangis
Sa mahigpit na yakap ng pagsuko
Hindi na makawala at doon na napako.
Dahil ang pagmamahalang bahagi ng ating noon
Ay naging romantikong pamamaalam na ngayon.
YOU ARE READING
Tinta
DiversosThis book is purely all about poems that was written by yours truly. There are also some poems that was written by me and someone I collaborate with. Everything in this content are truly not plagiarize. If there's any lines or idea that is similar o...