Sa bawat tunog na lumalabas,
Mula sa pagpitik ng mga kuwerdas.
Dumadaloy ang isang nakakabighaning tinig,
Na pumipintig sa tenga na makaririnig.Eksaktong tono sa bawat kuwerdas,
Tamang-tamang tunog ang lumalabas.
Gamit ang apinador na luma,
Mahusay pa rin ang pagka-apina.Anim na kuwerdas meron ang gitara,
Letrang nakapaloob para sa pag-aapina.
E,A,D,G,B,E titik na nakatalaga.
Upang maitono ang bawat isa.Dahan-dahang magtatagpo ang kamay
Sa mga kuwerdas, ng malumanay
At damang-dama bawat nota na lumalabas,
Mula sa pusong mapangahas.Gabi- gabi, sa bawat araw
Himig mula sa mga kuwerdas ang lumilitaw.
Halik ng daliri sa bawat kawad
Kalyong makakapal ang namumukad.Bukod tanging kakisigang ipinapakita,
Sa paglapat ng mukha.
Ng daliring makakapal ang kalyo
At mga kawad na nag-iibayo.Estima ka man lang sa iba,
Ngunit sa mga daliri ika'y estrelya.
Tunog na lumalabas ay maharmonya,
Galing sa kuwerdas ng gitara.Nakakabighaning tunog mula sa gitara,
Na siyang bumighani sa aking tenga.
Puso'y tumibok kasabay ng tunog na nakakahalina,
Mula sa mga kuwerdas ng iyong gitara.
![](https://img.wattpad.com/cover/293525174-288-k509561.jpg)
YOU ARE READING
Tinta
RandomThis book is purely all about poems that was written by yours truly. There are also some poems that was written by me and someone I collaborate with. Everything in this content are truly not plagiarize. If there's any lines or idea that is similar o...