Four

10 1 0
                                    

Scar

Alam kong hindi lang ako ang makakasagot ng mga katanungan ko, nandyan si Lilith para tulungan ako pero sa puntong ito ay mas hinihiling ko na lang na magpakita unti-unti ang mga alaala ko, biglaan man ito o sa panaginip, kahit alin sa dalawa.

Ayaw kong inaabala si Lilith. Marami na siyang naitulong sa'kin. Siguro ay sapat na impormasyon na iyong mga binigay niya.

The retaliation from Phoenix was not as severe as when my father killed his parents.

Sa lahat ng sinabi sa akin ni Lilith, yan ang hindi umalis sa aking utak. Pinatay ng aking tatay ang mga magulang nung Phoenix kaya gumanti lamang si Phoenix sa'kin.

Unti-unti na akong may nalalaman tungkol sa pagkatao ko, sa nakaraan ko, at mas lalong hindi ako makapaniwalang may pinatay ang tatay ko.

I'm torn whether to believe Lilith's words or not, but I feel like I have no other choice but to trust her since I can't remember anything.

Phoenix Archer Reign.

Masyadong pamilyar.

Ngunit tulad lamang no'ng babaeng nagngangalang Kai ay hindi ko rin maalala kung saan ko ito narinig o kung may nagawa ba akong iba sa kanya sa nakaraan na dapat kong ikabahala ngayon.

Hindi ganoon kalubha ang ginawa niya sa'kin kumpara sa ginawa ng tatay ko sa mga magulang niya. Hindi niya rin pinuntirya si Lilith dahil mas gusto raw ni Phoenix na ako ang magdusa at ang sabi pa ni Lilith ay tahimik si Phoenix simula noon at wala nang iba pang ginawa sa'kin.

Pero hindi ko rin masisigurado kung alam ba ni Phoenix na buhay pa ako o kung may balak pa ba siyang iba sa'kin o kung napagdesisyonan niyang tama na iyong ganting ginawa niya sa akin. Hindi ko alam.

Jesus Christ. How many people are after me?

Sobrang daming nangyayari. Masyadong maraming rebelasyon. I don't know how to sink them all in.

May parte sa aking gustong makilala ang dati kong pagkatao pero mas nangingibabaw ang takot dahil sa kung ano man ang malalaman ko.

There could be happy revelations, there could be terrifying revelations, they could be sad ones, or unbelievable revelations. Siguro may mga hindi ko matanggap kung totoo ba ito o hindi.

Pero kung ano mang klase iyon ay hindi na mahalaga. Wala akong pakialam sa kung gaano man ito kasaya o kalubha.

Gusto kong malaman kung sino ako. Gusto kong makilala kung sino ako. Ayaw kong paulit ulit na tinatanong ang sarili ko at wala akong maisagot. Gusto ko ng kasagutan. Gusto kong maalala ang lahat.

Gusto kong malaman ang nakaraan, kung bakit pinatay ng tatay ang mga magulang nung lalaking Phoenix, kung sino yung lalaking nasa memorya ko, kung sino si Kai at yung mga babae. Gusto kong malaman lahat.

I need to find a way.

I will find a way.

Iminulat ko ang aking mata nang mapansin kong may presensyang nagmamasid sa akin sa 'di kalayuan.

May mga panahong naiisip kong nababaliw na ba ako dahil sa mga nakikita kong mga memorya noon at nararamdaman ko and turns out, hindi naman pala. At sa kalagayan ko ngayon ay masasabi kong hindi talaga ako nababaliw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reign of ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon