Photo: This is how RT's kitchen looks like.
*
Napakagat-labi ako dahil sa tensyon. Relax Jourdanne. Relax. Hindi ko mapigilang pakiramdaman ito mula sa likuran. Marahan akong huminga ng malalim, naaamoy ko ang mabango niyang hininga at panglalaking pabango.Kahit kanina habang nasa kotse niya'y nanunuot sa buong sistema ko ang bango niya, hindi masakit sa ilong at maanghang sa dibdib. Malaking weakness ko pa naman ang mga lalaking mababango at amoy lalaking-lalaki. Nararamdaman ko rin ang singaw ng init na nagmumula kay chef Dimitri.
Stop it Danne! Ginugulo niya ang buong sistema ko dahil sa pagkakalapit namin ngayon.
"Jourdanne!" I tensed hearing that familiar voice.
**
Dimitri
"Jourdanne!" Agad akong nakadama ng iritasyon ng makilala kung sino ang tumawag kay Jourdanne.Si Karlo Tañola.
Gumalaw ang muscle ko sa mukha ng maalalang may gusto ito kay Jourdanne. Tumuwid ako ng tayo at napatingin sa kaliwa, sa puting pintuan para sa VVIP kitchen. Doon namin pinapapasok o iniimbita ang ilang importanteng panauhin upang espesyal na ipaghanda ang mga ito nang kanilang order mula sa special menu.
A privilege only given to few.
Malapad ang pagkakangiti ni Karlo habang papalapit, probably happy to see that his favored chef, not only included in the top three but has now become a sous chef for main RT. Which is an honor for any chef.
Naaalala ko ang nangyaring kumpetisyon. The final battle was intense and Alexandrea emerged winner. She was an experienced chef of main RT, alam na nito ang panlasa ng bawat panelist. Ngayong nasa main RT na si Jourdanne, mas madaling mapu-pormahan ni Karlo ang dalaga.
As if I'll let that happen. I scoffed in my mind. Hindi ko mapigilang pagkrusin ang mga braso sa dibdib.
Jourdanne is under my supervision as a sous chef. I'm the one who works in the kitchen. This kitchen is mine, which means Jourdanne is technically mine.
"What are you doing here?" Tanong ni Karlo kay Jourdanne, saglit akong tinapunan ng nagtatanong na tingin. Naipasok ko sa bulsa ang isang kamay at doon itinago ang pagkuyom nito.
Karlo and I, we're friends but I don't like sharing my woman. My woman? Jourdanne..? What the fvck, D, that sounds effin' gay.
Napansin ko ang paggalaw ni Jourdanne, bahagya itong lumayo sa'kin. Hindi ko napansing kinagat ko ang looban ng aking kanang pisngi. Hindi ko mapigilang pagdiinan ang pagkakalapat ng aking mga panga, nakaramdam ako ng iritasyon sa ikinilos niya.
"Ah, ah.. nak-nakaligtaan ko po k-kasing rest day po pala nung mga sumabak sa cooking battle, sir Karlo e. Pero papauwi na rin po ako." Paliwanag ni Jourdanne, pumihit ito paharap kay Karlo. I closely observed her body language. Gumagalaw-galaw ang mga kamay nito habang nagpapaliwanag, ang kanang kamay ay nakaturo sa kung nasaan ang exit/entrance ng kusina.
"I will be training you today Miss Sta. Maria." Agad kong sawata sa isinagot niya, hindi ko napigilan ang sarili. May himig nang pagbabanta sa'king tono. Ayoko sa lahat ang sinusuway ako.
Nakaharap siya kay Karlo at nakatagilid sa'kin. Nakayuko at pilit tinatakpan ng buhok ang mukha.
Fück. Napansin ko ang paraan ng pagtaas ni Karlo ng dalawang kilay sa akin.
"What?" Totoo ang gulat sa reaksyon ni Karlo. "Come on, D. Give the girl a break, she deserves it. Train her on Monday. Besides, Miss Katliya Roscovich and Anina Pertrosiva are waiting inside for you." Itinuro nito ang pinanggalingan pa lamang na pintuan. Mga kaanak ng Russian diplomats ang pangalang nabanggit ni Karlo, na nagpapaturo sa'king magluto.
![](https://img.wattpad.com/cover/36958384-288-k98440.jpg)
BINABASA MO ANG
The Chef [COMPLETED]
General FictionShout out to @ohhhcess for the cover of the Chef Rated SPG. Patnubay at Gabay ay Kailangan. Ingredients. Food. Kitchen. Chefs. and One Sizzling Romance with Dimitri Al-Gala - Encarnacion Written by: MWI (MonsterWithIn) Edited by: shezallTHAT