Chapter 02
Ewan ko ba kay Onli kung anong nakain at parang wala siya sa sarili buong araw. Well, normal naman siya kanina nang niyaya akong maglunch- normal na magulo at kung ano, but this Onli beside me looked so lost and distracted.
Kanina ay tinawag siya ng isa sa aming subject teacher ngunit malayo ang kanyang tanaw at hindi iyon narinig. Madalas rin ay panay pangungulit lamang siya at pambubwiset gaya ng mga nakaraang school year but surprisingly today, he was quiet. Ilang beses ko ring narinig ang pagbuga niya ng hininga.
Baka hindi natunawan sa kinain na buffalo wings?
Nagtataka man sa inasal niya ay hindi ko na masyadong ininda ang pananahimik niya. Buti nga kahit papaano ay naging payapa ang araw ko. Kahit ang mga classmates namin ay napansin iyon kaya wala munang pang-aasar ngayon.
Wala ang isang subject teacher namin sa hapon kaya nilabas ko ang sketchbook at nagsimulang gumuhit. I like to draw and paint, kahit papaano ay may talento ako roon. Pinagpatuloy kong isketch ang self-portrait na halos dalawang linggo ko nang ginagawa.
Nakiramdam pa rin ako sa katabi kong tila wala sa sarili. I don't know how long Onli sat so lost beside me hanggang sa tuluyan siyang tumayo at lumabas mg classroom.
I focused on the sketch, feeling satisfied with the outcome. Free time ko lamang iyon ginagawa, and I would really invest my all in everything I do kaya't natutuwa ako kapag maganda ang kinalalabasan ng mga ginagawa ko. I was putting some finishing touches nang maramdaman kong may nakatayo sa tagiliran ko.
Nang mag-angat ako ng tingin, it was Onli. Mukhang hindi na siya distracted gaya kanina dahil this time ay nakangiti na siya sa akin.
My eyes narrowed. "What?"
"Ang ganda," komento niya. "Can I take a look?"
Inilayo ko mula sa kanya ang sketchbook. "Nope. Baka ano pang gawin mo."
He pouted. "Hindi naman, grabe naman 'to. Ganoon ba ako kasama para sayo?"
I shrugged. "Who knows."
Inabot niya sa akin ang isang coke in can. "Here."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa coke na iniaabot niya. "Anong gagawin ko dyan?"
Onli laughed as if I said the funniest punchline. Wow, makatawa naman siya parang wala siyang pinagdaanan kanina ah?
Inilapit niya ang malamig na lata sa pisngi ko. "Iinumin, ano pa ba? Diba mahilig ka sa coke? I often see you chug a can sa tuwing nagda-drawing ka."
Nanahimik ako, kahit pa may bahagi sa akin na nagtataka kung bakit napaka-observant niya. Well, I guess he is truly smart kung kaya't keen observer din siya. It's true that I usually have coke kapag gumuguhit ako. Inilayo ko ang mukha at hindi inalis ang masamang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Youth Is Yours
RomanceThey say your first love will feel like your last, but your last love will feel like your first. When Serena Devon Vergara hears the phrase "first love," there's only one name that comes to mind: Oliver Niel Lim Maniego. But Onli is nothing but a di...