Kabanata 2

16.9K 477 721
                                    

Kabanata 2

[ Isabella's point of view ]

Ramdam ko ang pag tulo ng pawis sa aking noo habang mabilis akong tumatakbo sa kagubatan. Ang puso ko ay kumakabog nang malakas dahil sa sobrang takot na aking nararamdaman. 

Naiiyak ay pinihit ko ang ulo ko para tignan ang lalaking humahabol sakin. Lalong lumakas ang aking iyak matapos masalubong ng tingin ang nanlilisik nitong mga mata habang ang kutsilyong dala niya ay tila handa nang isaksak sa akin.

"Ahhhh!" malakas kong sigaw matapos akong mapatid sa malaking sanga ng puno. Nanlalaki mata ay tinignan ko muli ang lalaki at napasigaw ako nang malakas matapos makitang nasa harapan ko na 'to at handa na 'kong isunod sa namatay na si Ariel.

"Ahhhh! Maawa ka!" malakas kong sigaw bago ako napasinghap at napaupo mula sa pagkakahiga. Hingal na hingal ay napahawak ako sa aking dibdib, hinawakan ko rin ang pisngi ko at katulad ng nasa masama kong panaginip ay umiiyak ako. 

"D-diyos ko p-po.." mahina kong usal bago naiiyak na napayakap sa sarili. Bakit ko napaginipan ang engkantong 'yun? 

Bakit gusto niya akong patayin sa panaginip ko? Hindi ko naman siya sinumbong sa Don Rakim patungkol sa pagkakapatay niya kay Ariel ngunit bakit tila galit pa rin siya sa akin na dumalaw pa siya sa loob ng panaginip ko para lang pag tangkaan ang buhay ko? 

"Isabella apo, ano bang problema at madalas kang natutulala?" mula sa pagtitig sa kalabaw na pinapaliguan ni Kuya Yno, napatingin ako kay Lola. 

Hapon na ngayon, nandito kami sa rancho kasama si Kuya Yno na siyang nagpapaligo ng mga kalabaw.

"Narinig ko sa mga kaklase niya na bumagsak si Isabella sa pagsusulit niya Lola, tila napapagod na ho ata ang paborito niyong apo na mag aral." tinignan ko si Kuya Yno na inunahan akong mag salita bago siya samaan nang tingin.

"Ano!? Aba'y anong subject naman ang naibagsak mo Isabella?" gulat na baling sakin ni Lola, napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil ayokong sagutin ang tanong niya.

"L-lahat po.." utal utal kong saad, nanlaki naman ang mata ni Lola dahil doon.

"Aba'y sus maryosep! Ano naman ang dahilan mo at bakit mo naibagsak ang lahat ng subject mo? May bago ka na naman bang pinag kakaabalahan kaya hindi ka na naman nag aaral?" sa mga sinabi na 'yun ni Lola ay hindi ko maiwasan mapanguso. 

Lagi nga lang akong nakadikit sa kanya dahil natatakot akong maiwan mag isa. Mamaya ay magulat ako katabi ko na pala si engkanto oras na makita ako nun ng wala akong kasama. 

"Lola lagi po akong nakadikit sa inyo, wala po akong ibang pinagkakaabalahan." 

"Kung ganoon ay bakit bumagsak ka sa lahat ng subject mo?" napaisip ako kung bakit nga ba bumagsak ako. Lahat ng marka ko sa pagsusulit ay mabababa ang score. 

Hindi kasi ako makapag review dahil ang tanging nasa isip ko lang ay si engkanto. Palagi ko na lang kasi siyang napapaginipan at sa mga panaginip na 'yun ay palagi niya akong hinahabol.

"Lumilipad po kasi ang utak ko, nahihirapan akong mag aral, Lola." ang sinabi kong 'yun ay totoo. Habang nag tetest din kasi ay hindi na nga ako nakapag review, nalulutang pa ako dahil kay engkanto. 

Ang dahilan ng pagkabagsak ko ay kasalanan lahat ni engkanto, siya lang ang dapat sisihin. 

"Hay nako Isabella, pag uwi ay sasamahan kita mag aral ng sa gayon ay hindi ka na bumagsak. Huling test mo na 'yan dahil mag babakasyon na kaya naman ayusin mo at baka ikaulit mo pa 'yan ng baitang." 

"Oho.." naramdaman ko ang paglapit sakin ni Kuya Yno para kunin sakin ang kalabaw na si Melo, ito naman kasi ang susunod niyang paliliguan. Pagkatayo niya sa tabi ko ay madiin kong tinapakan ang paa niya dahilan para mapangiwi siya. Masama ko siyang tinignan bago lumapit na kay Lola para hindi siya makaganti sa akin.

The Beast Prisoner (Chavilire Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon