Ang Simula

13.4K 475 163
                                    

Warning:  Some of the chapters have mature contents that aren't suitable for young readers. Read at your own risk.

THIS IS SUPER REDFLAG AND DISTURBING! KUNG MAY GALIT KA SA GANITONG STORY WAG MO NA ITULOY🚩

Ang Simula

[ Isabella's point of view ]

Hindi ko mapigilan ang pag guhit nang malaking ngiti sa labi ko habang nakatingin sa maliliit na kambing na siyang nasa harapan ko. 

Gamit ang boteng may chupon ay sabay na pinapainom ko ang dalawang kambing na baby pa. Sila ang mga kambing na anak ni Luisita, siya ang babaeng kambing na isa sa inaalagaan ng Kuya Yno ko.

"Ayan mga baby kambing, ubusin niyo 'tong lahat para mabilis kayong lumaki." ngiti kong sabi habang nakatitig sa kanila. 

"Oh Isabella, baka naman mamaya ay bigyan mo pa yan ng mga pangalan?" natatawang sabi ni Kuya Agapito habang nililinisan nito si Luisita na siyang nanay ng mga kambing na pinapadede ko.

"Tama po kayo, balak ko silang bigyan ng pangalan pero ang problema po ay wala pa akong naiisip hanggang ngayon." hindi ko maiwasan matulala. 

Sobrang daming kambing dito sa rancho at wala ni isa sa kanila ang walang pangalan. Lahat ng pangalan nila ay ako ang nagbigay kaya tuloy sila Kuya Agapito at iba pang ranchero ay tinutukso ako tungkol sa bagay na 'yun.

"Pabayaan mo na nga si Isabella, Pito. Para naman hindi mo kilala ang batang 'yan, hilig na niyang bigyan ng pangalan ang lahat ng mga hayop na pag aari ng Chavilire." sabay silang tumawa.

Hindi ko tuloy maiwasan ngumuso kasi wala naman akong nakikitang dahilan para tawanan nila ang pag bibigay ko ng pangalan sa mga hayop.

Para sakin kasi lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo, katulad ng mga hayop na 'to ay karapat dapat lamang magkaroon ng pangalan. 

Kapag nga may kinakatay na hayop sa rancho ay hindi ko maiwasan umiyak dahil isa ako sa nakasaksi kung paano sila lumaki kaya naman kapag may kinakatay na hayop dito ay hindi ako nag pupunta para hindi ko makita kung paano nila binabawian ng buhay ang kawawang hayop na 'yun.

"Ngunit alam mo na ba Marsing ang balita? Kagabi ay bumalik na daw ang pamilya ni Don Rakim at Donya Ciarra, kasama ang anak nilang bunso at panganay." 

"Oo, nakwento sakin ng asawa ko. Baka kukuhanin na nila si Senyorito Sergio, mag iisang buwan na simula nung mamatay si Donya Mathilda kung kaya't wala ng mag aalaga pa sa Senyorito." dahil sa pinag uusapan ni Mang Marsing at Kuya Agapito, hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot habang nakatitig ako sa dalawang kambing na patuloy dumidede. 

Si Sergio ay isa rin Chavilire, anak siya ni Don Rakim at Donya Ciarra ngunit katulad ko ay dito na siya sa hacienda lumaki dahil kay Donya Mathilda at Don Joseph na siyang nagpalaki at nag alaga sa kanya rito. 

Hindi rin naglalayo ang edad naming dalawa, isang taon lang ang tanda niya sakin kaya rin siguro naging matalik na kami na mag kaibigan simula pa noon.

"Ikaw Isabella? May sinabi ba sayo ang Senyorito kung aalis na ba siya sa hacienda?" tanong ni Mang Marsing.

"Opo, kinukuha na daw siya nila Don Rakim at Donya Ciarra." sagot ko naman.

"Nako, mukhang kailangan mo na mag paalam sa senyorito. Malapit pa naman kayo sa isa't isa." hindi na 'ko sumagot.

Sa totoo lang ay ayaw kong umalis sa hacienda si Sergio dahil bukod kay Kuya Yno, siya lang ang kaibigan ko dito. Ang ibang mga bata kasi na anak ng ibang trabahador dito ay ayaw makipag laro sakin, sabi nila anak daw ako ng engkanto.

The Beast Prisoner (Chavilire Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon