Kabanata 1
[ Isabella's point of view ]
"Grabe Lola! Unang beses ko pa lang nakita si Donya Ciarra at Senyorita Carmilla kanina, napakaganda pala nilang nilalang. Ngayon alam ko na kung bakit napakagwapo ni Sergio." mangha kong kwento kay Lola habang nandito kami sa labas ng kubo namin.
Sa labas ng kubo ay may lamesang kahoy, ang lamesang kahoy naman ay nilatagan namin ng dahon ng saging habang doon nakalagay ang kanin, ulam naming galunggong na isda at kamatis.
"Ay nako! Sinabi mo pa apo. Maganda at gwapo talaga ang mga Chavilire, paano ba naman ay iba't iba ang lahi nila. Kapag nakita mo pa ang iba sa kanila ay mas lalo kang mamamangha." sabi ni Lola habang nakangiti ito.
"Opo, mabait pa sila. Si Senyorita Carmilla nga ay pinapapunta ulit ako doon ngayon para maglaro kami, sinabi niya pa na Carmilla na lang ang itawag ko sa kanya!" masigla ko pang kwento.
Kanina ko pa kasi gusto ikwento kay Lola ang lahat ng 'to kaya naman ganito ako ka-excited ngayon habang nag kwekwento sa kanya.
"Mabait nga ang senyorita kung ganoon, mabuti 'yan at sakanila ka nalang makipag laro ni Sergio. Wag ka ng lumapit sa mga pangit na anak ni Nenang." sinabi 'yun ni Kuya Yno na nasa harapan namin ni Lola.
Ngayon lang siya nag salita dahil sobrang busy siya kumain kanina, paano kasi ay kagagaling niya lang sa pagligo sa talon matapos niyang asikasuhin ang manokan sa rancho.
"Hindi na 'ko lumalapit sa kanila, kahit naman lumapit ako para makipag laro ay tutuksuhin lang nila ako." sabi ko, ang tinutukoy niya kasi ay yung mga bata na mahilig manukso na engkanto ako.
"Aba! Hindi pa rin ba tumitigil ang mga bata na 'yun sa pag tukso sayo Bella? Nako, kakausapin ko ang mga magulang ng mga 'yan!" galit na sabi ni Lola.
Hindi naman ako sumagot at napatingin lang ako sa pagkain ko. Ilang beses na sinabihan ni Lola ang mga 'yun na wag na 'ko tuksuhin ngunit hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay ginagawa pa rin nila sakin 'yun.
Natigilan lang ako sa pag tulala sa pagkain ko matapos lapagan ni Kuya Yno ng isda ang kanin ko, tinignan ko siya at kinakagat niya ngayon ang buong kamatis.
"Wag ka ng malungkot sa mga pang-aasar nila, inggit lang sayo ang mga 'yun dahil maganda ka at sila pangit." ngumiti pa si Kuya Yno matapos 'yun sabihin sakin dahilan para mapangiti rin ako dahil ang ngipin niya kasi nung siya ay ngumiti ay punong puno pa ng mga buto ng kamatis.
Ang dungis at ang pangit niyang tignan.
"Yno, ayusin mo nga ang pagkain mo!" suway sa kanya ni Lola "Opo," magalang naman na saad ni Kuya dahilan para tawanan ko siya.
Tama si Kuya, hindi dapat ako mag paapekto sa pang aasar sakin ng mga batang 'yun. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako engkanto e, hindi ako anak ng engkanto kagaya ng pinagsasasabi nila. Ako ang bunsong anak ni Eula at Danillo Salvador, kapatid ko si Ynigo Salvador.
Ang mga bagay na 'yun lamang ang dapat kong isipin sa tuwing sasabihin nila na engkanto ako.
Ilang araw na ang lumipas simula nung dumating sa hacienda ang Don at Donya para sa kanilang anak na si Sergio. Sa loob ng mga araw na 'yun ay lalo akong napalapit sa bunsong kapatid ni Sergio na si Carmilla.
Tila naging mas masigla ang mansion dahil tatlo na kaming naglalaro roon. Sana lang ay hindi na matuloy ang pag alis nila dito sa hacienda, nakakalungkot lang kasi dahil dalawang kaibigan na ang mawawala sa akin pag nagkataon.
"Isabella, siguraduhin mong makukuha mo ang lahat ng inuutos ko sayo ah!" sigaw ni Lola habang ito ay nasa bungad ng pintuan ng mansion.
Kumaway naman ako sa kanya habang nag lalakad palayo "Opo!" balik na sigaw ko. Pinapakuha kasi ako ni Lola ng iba't ibang klase ng bulaklak sa hardin ng mga Chavilire.
BINABASA MO ANG
The Beast Prisoner (Chavilire Series 4)
General FictionFor Isabella Salvador, her beauty is a curse because it attracts the beast attention. The beast who will do anything to possess her even if it means to imprison her by his side.