Chapter 1

26 0 0
                                    



Nagising ako at napatingin sa glass wall, madilim pa pala.

Napabalikwas ako ng banagon nang maalala ko ang nangyari kagabi. Kaagad akong nagsisi dahil sa biglaan kong pagbangon. Masakit ang nasa gitna ng aking hita, fuck! I'm sore.

Tumingin ako sa may gilid ko at natagpuan kong payapang natutulog ang baklang war freak. Marahan akong bumangon dahil sa sakit ng aking gitna. Bakit ba kasi ako nakipagtalik!? At sa bakla pa talaga na nakaaway ko!?

Wala na Ang virginity ko! Halatang siya ang nakauna sa akin dahil nag iwan pa ito ng tanda sa bedsheet ng kama. May dugo ito na sigurado akong mula sa akin.

Hubo't hubad kaming dalawa. Naglakad ako patungo sa closet at kumuha ng isang black shirt at kumuha ng mga panloob. Pinunit ng lalaking 'to ang dress at mga panloob ko na mamahalin! Kaasar, galing pa naman sa Canada ang lahat ng 'yon tapos pinunit n'ya lang.

Kaagad akong naghmbihis at inayos ang aking sarili. Lumingon muna ako sa kama at natagpuan s'yang natutulog pa rin. Pa-ika-ika akong naglakad palabas ng kuwarto.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan na napakahaba. Pagdating ko sa ground floor ay may sumalubing sa akin na lalaki. Ito 'yong nag-drive papunta dito!

"A-ah, M-Ma'am, 'wag po muna kayong umalis. Hintayin mo muna pong magising si sir. Mapapagalitan po kami pag-umalis kayo agad," nauutal at parang natatakot na saad nito.

"Wala akong pakialam sa sir mo! Uuwi na ako at may pupuntahan pa ako bukas ng umaga!" Hindi ko na s'ya hinintay na makapagsalita pa ulit at lumabas na ng bahay. Napakalaki ng bahay n'ya, parang isang palasyo.

Pinagtitinginan ako ng mga tauhan n'ya nang makalabas ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil siguro ay tinitignan nila ako dahil pa-ika-ika akong naglalakad. Hindi ko talaga makakalimutan ang baklang may dambuhalang alaga na 'yon! Kainis s'ya. Bakit ba kasi ako bumigay? Kainis! Yrina naman eh!

Nang makalabas na ako sa gate ng mansiyon ay nag-abang ako ng taxi, nagtaka ako nang ilang minuto na ang nagdaan ay wala pang kahit isang sasakyan ang dumaan.

"Walang sasakyan na dumadaan dito, Miss. Subdivision ito," nagulat ako nang may biglang nagsalita sa aking likod.

"A-ah, gano'n po ba? S-salamat, maglalakad na lang ako," naka-ilang hakbang na ako nang bigla n'ya akong hinila.

"Ihahatid na lang kita."

Hindi na ako tumanggi at hinayaan siyang hilahin ako pabalik. Nakamasid na naman sa amin ang mga tauhan ng nakaaway ko sa bar. Hindi ko na lang sila pinansin at sumakay na sa kotse ng lalaki.

Kaagad naman siyang pumasok sa driver's seat.

"Lipat ka dito sa harapan oh," umiling na lang ako, sa likod ko kasi napiling umupo. Tumango naman s'ya at ini-start na ang kotse, pinagbuksan kami ng gate ng mga nagbabantay habang ako ay nakamasid lamang sa mga nangyayari.

Habang nag-d-drive siya ay sumulyap siya sa'kin.

"May nangyari ba sainyo? Wag ka na mahiya, halata naman," natatawa niyang saad. Halata naman pala, bakit pa s'ya nagtanong?

Tumango na lamang ako at nag-iwas ng tingin. Sinabi ko na rin sakaniya ang address ko at natulog. Kung may mangyari mang masama sa'kin ay bahala na.

Nagising ako nang biglang tumigil ang kotse at pag tingin ko sa labas ay nasa building na ako kung saan matatagpuan ang aking condo.

"Thank you, may maibibigay ba ako para makabawi?" Bumaling ako sakan'ya. Umiling lamang ito at ngumiti.

Evil in Disguise (Gay Series #1) [Unedited]Where stories live. Discover now