Chapter 2

22 1 1
                                    

Maaga akong gumising dahil may plano akong kunin ang mga gamit ko sa condo ko. Gusto ko rin sanang kausapin si Daddy tungkol sa divorce. After 2 or 3 years kaya ay pwede na kaming mag divorce ng asawa ko?

Gising na ako pero hindi pa ako tumatayo, madilim pa rin sa labas kaya medyo tinatamad pa ako. Pinatay din pala ni baklang wild ang ilaw kagabi, naalimpungatan na lamang ako na madilim na dito sa kuwarto.

Halos mapatili ako nang biglang lumubog ang kama sa gilid ko at may biglang yumakap sa'kin.

"Good morning," mahinang bati nito at nagsumiksik sa leeg ko.

"I know you're awake, Nakita kong mulat ang mata mo," mas kinabig n'ya pa ako palapit. Bakit nagiging ganito s'ya?

"B-bakit?" I nervously asked.

"Wala lang, ang bango mo," mas inamoy pa nito ang leeg ko. Nagulat ako nang biglang pumasok ang isang kamay n'ya sa loob ng suot kong pang-itaas. Hinahagod n'ya ang aking tiyan at maya't-maya ay taas na lang bigla.

Bigla akong bumangon at dumistansya sakan'ya. Hindi pwedeng may mangyari ulit sa amin, mag-d-divorce rin naman kami. Kailangan ko lang kausapin sila Daddy tungkol dito.

"What's wrong?" Tanong n'ya at binuksan ang lamp sa may bed side table.

"Bumangon na tayo, kukunin ko pa 'yong mga gamit ko sa condo ko," pagbabago ko sa usapan.

"Fine," bumuntong hininga ito.

Tumayo na ako at lumabas na kaagad ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Isang hawak lang 'yon pero iba na kaagad ang pakiramdam ko.

Nagluto na ako ng agahan at sakto lang no'ng matapos ako ay lumiliwanag na. Pumasok ako sa loob ng Cr at naghilamos.

Paglabas ko ay naabutan ko s'yang nagtitimpla ng kape. Topless na naman s'ya, kitang kita ang mga pandesal niya... sakto at naghanda na sya ng kape.

Umiwas ako ng tingin at naupo sa upuan, kumuha ako ng tinapay at nilagyan ito ng itlog na hinalo ko sa mayonnaise.

Habang kumakain ako ay may naglapag ng kape sa harapan ko.

"Hindi ako umiinom ng kape," deretsahang saad ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"O-oh? I'm sorry, ipagtitimpla na lang kita ng gatas—no need, kaya kong kumain ng walang gatas," pinutol ko ang kaniyang sinasabi at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Naupo naman s'ya sa harap ko at nagsimula na rin kumain. Maya't maya rin siyang sumusukyap, animoy hindi ko ito napapansin.

"A-ano ang pangalan mo? Mag-asawa na kasi tayo tapos hindi ko pa alam ang pangalan mo," pagbasag niya sa katahimikan.

"Yrina Zhery Greco," tipid kong saad at tumayo na para iligpit ang pinagkainan ko.

Pagkalapag ko pa lang ng plato sa lababo ay bigla na naman siyang nagsalita. Hindi ba s'ya nauubusan ng laway?

"Your names suits you, by the way, my same is Grideus Maze," saad n'ya bago tumayo at dinala ang pinagkainan n'ya saakin.

"Ako na diyan, maligo ka na at magbihis, sasamahan na lang kita sa condo mo mamaya," saad n'ya at hinablot ang sponge na nasa kamay ko.

"Okay," walang gana kong saad at nilinis na lang ang lamesa bago unakyat patungo sa kwarto namin para maligo.

Nang matapos ako ay kaagad akong lumabas, naabutan ko sa baba si Grideus na kalalabas lang mula sa Cr at tanging tuwalya lang ang nakatapis sakaniya, nakapulupot ito sa bewang at parteng ibaba lang ang natatakpan. Tumutulo pa ang tubig mula sakaniyang buhok. He looks hot, he's like a model and at the same time, a greek god.

Evil in Disguise (Gay Series #1) [Unedited]Where stories live. Discover now