Chapter 6

18 2 0
                                    

Nang imulat ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang puting kapaligiran. Nasa langit na ba ako?

Sinubukan kong galawin ang kamay ko ngunit parang may nakapatong na mabigat na bagay dito kaya't napatingin ako at natagpuan si Grideus. Natutulog siya habang nakapatong ang ulo sa likod ng aking kamay.

Gusto ko sana siyang gisingin kaso parang pagod na pagod siya. Ano kaya ang ginagawa niya habang wala akong malay?

Muntik na pala akong mamatay. Pero buhay pa rin naman ako kaya hindi ko pinagsisihan na kinain ko ang niluto ni Grideus. Ang sarap pa naman.

"Hmm..." nagising si Grideus at kaagad itong tumingin sa akin. Gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. Para kasi siyang wala pa sa katinuan at ang gulo ng buhok. Cute.

"Oh, you're awake," pupungas-pungas nitong saad at tumayo. Hahakbang na sana siya nang bigla siyang tumingin sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Oh my god!" Gulat na bulalas nito. Nagtataka ako sa inaasta niya.

"Yrina, you're awake! Baby dove, you made me worry," lumapit ito at kaagad akong niyakap.

"Wait... bakit ka ba nagkakaganyan? Masyado bang naging critical ang lagay ko? Did I almost die? I'm just sleeping for an hour or so... why are you acting like that?" takang tanong ko at tinignan siya nang may nagtatanong na mga mata.

"Yes, you almost.... That scares me. Why did you even eat the food that I cooked for you? You're allergic to p-peanut.... Why? What if you really did die? What will I do?" Sunod-sunod niyang saad. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kong sagutin.

"You've been sleeping for a week now, akala ko hindi ka na magigising," mahina niyang saad habang nakayuko.

"It's my fault, I can cook kaldireta without peanut butter but I still did chose to add some, I'm sorry, wife, forgive me," lumuhod ito sa harap ko na kinaupo ko bigla.

"No, it's not your fault! You didn't know, stand up, hindi bagay sa'yo ang nakaluhod," sinubukan ko lang magbiro para huwag na niyang sisihin ang sarili niya.

"Basta ikaw, luluhuran kita kahit hindi pa bagay sa'kin," sinsero niyang saad ngunit iba yata ang pumasok sa isip ko. Napatikhim ako bago siya hinila patayo.

"Oo na, pinapatawad na kita kahit hindi mo kasalanan," I roll my eyes as I hug him. I feel like I missed him so much.

He held me in his arms while kissing my forehead repeatedly.

"Are you hungry?" He asked with a smile plastered on his lips.

I nod my head in response so he messed my hair and kissed my forehead again.

"Oh, I forgot, I'll call a doctor to check on you, I'll be right back," nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto. Nililibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtitig sa mga bagay na nandito sa loob ng kuwarto kahit hindi talaga ako interesado.

Hindi nagtagal ay may pumasok na doctor at kasunod nito si Grideus. Dumiretso sa akin ang doctor at nagtanong ng kung ano-ano. Sunod naman ay sinuri niya ang mata ko tapos ang iba pang parte ng katawan ko.

I take a glance at Grideus. He look pissed. His eyebrows met while gritting his teeth. Masama ang tingin nito sa lalaking doctor na nakahawak ngayon sa kamay ko at sinusuri kung may mga pantal pa ba ako.

"That's enough. I think, she's fine, right?" hindi kalaunan ay turan nito.

"U-uhm.... Y-yes, she's fine. Pwede na po siyang ma-discharge after 3 days, we still need to observe her health," nauutal at tila kinakabahang saad ng doctor.

Evil in Disguise (Gay Series #1) [Unedited]Where stories live. Discover now