Chapter sixteen: trapped! Crap.

473 14 0
                                    

A/N: SPG for some of the words that will be used here. Be open-minded na lang mga be :)) and sabay sabay yung mga nangyayari sa kanila, okay? :-)
.
.
.
.
Thomas' POV

Kingina! Di ko mabuksan yung pintuan dito sa shed. Si Ara naman, ayun medyo nagpapanic na rin siya dahil takot pa naman toh sa dilim, e anytime parang mamamatay na rin yung emergency light dito dahil ang tagal na rin namin dito.

Ako: Ara, okay lang yan. Nandito lang ako.

Wala na akong nagawa. Naupo na lang din ako sa tabi niya dahil mukhang nilalamig na rin siya. Di man niya aminin pero medyo nanginginig na kasi siya. Kaya naman hinawakan ko yung kamay niya. Napatingin siya sa akin at bigla na lang niya akong niyakap kaya niyakap ko na rin siya. Kumusta na kaya yung iba? Nahalata na kaya nila na nawawala na kami ni Ara?
.
.
.
Jeron's POV

Nandito kami ngayon sa basement ni Mika. Oo kami ang magkasama kasi lahat sila puro mga boyfriend/girlfriend ang kasama. Siyempre kahit ayaw naman akong makasama ni Mika, wala pa rin siyang choice e. Kailangan kasi by pair talaga.

Gustong gusto ko na siyang kausapin pero hindi ko alam ang sasabihin ko at mukhang ayaw din naman niya akong makausap kasi ang layo niya sa akin e. Nasa magkabilang dulo kami. Buti na lang nga at may ilaw dito e. Tinignan ko ulit si Mika at nahuli ko siya na nakatingin din sa akin pero bigla din siyang lumingon sa ibang direction. Napangiti na lang ako doon kasi corny man, pero kinilig ako dahil alam ko na nakatingin pala siya sa akin kanina.

Lumipas pa ang ilang minuto at hindi ko na talaga matiis...

Ako: Ye.

Napalingon lang siya sa akin. Hindi siya sumagot kaya naman tinuloy ko na lang yung sasabihin ko.

Ako: okay ka lang ba? Hindi ka ba nilalamig?

Mika: okay lang ako.

Pagkatapos nun hindi nanaman ako nakasalita. Awkward silence ang namamagitan sa amin ngayon. Siguro kung okay kami ngayon, hindi ganito ang eksena namin. Siguro nagkukulitan kami ngayon dito at nagtatakutan. Haaaay. Namimiss ko na talaga si Mika kahit na katapat ko lang siya ngayon.

Paupo na sana ako dito sa sahig nang biglang kumidlat ng sobrang lakas na nagdulot ng pagpatay ng ilaw. Narinig ko si Mika na tumili. Kaya kahit na madilim agad ko siyang pinuntahan. Alam ko naman kung nasaan siya e tsaka katapat ko lang naman siya kanina.

Ako: Mika.

Mika: Je, natatakot ako sa dilim.

Ako: ssh. Okay lang yan. Nandito lang ako. Tara na, labas na tayo dito. Siguro naman may nahanap na sila.

Pero nung bubuksan ko na ang door knob...

Ako: puta!

Mika: bakit?

Ako: ayaw bumukas nung pintuan. Shit.

Mika: hala! Pano na yan? Je! Ayoko na dito.

Ako: ssh. Itetext ko na lang sila. Sandali lang.

Pero pagkalabas ko ng phone ko, puta talaga! Kung sinuswerte ka nga naman talaga oh! Walang signal.

Ako: shit.

Mika: bakit?

Ako: wala akong signal.

Wala na rin nagawa si Mika. Naupo na lang siya, at naupo na rin ako sa tabi niya. Umiiyak na siya kaya naman niyakap ko na lang siya dahil wala na rin naman na akong magagawa kundi yakapin na lang siya e. Siguro naman mahahalata na rin nila na nawawala na kami kapag tumagal tagal pa. Haaaay.
.
.
.
Gab's POV

Andito kami ngayon ni Carol naghahanap nung mga ibang kasama namin. Sa dinami dami ba naman kasi ng pwedeng isuggest niya na laro, taguan pa.

Ako: huy, dito tayo. Wag diyan, parang delikado diyan e. Baka mamaya kung anong mangyari sayo.

Carol: ayiee, concerned siya! Iba talaga ang tama mo sa akin noh?

Ako: oo. Kaya dito na lang tayo at sigurado din naman ako na walang magtatago diyan sa part na yan e.

Nagulat na lang ako nung bigla siyang matahimik at yumuko. Kinikilig toh, sigurado. Walang kasing ingay si Carol pero pag kinikilig na, himalang tumitiklop siya agad. Hehe ssh ha?

Dumiretso na lang kami sa parang mini forest na nakapalibot sa bahay na tinitirhan namin for the mean time. Safe naman dito dahil walang mga wild animals. Ang ipagaalala mo lang e talagang malamig dito dahil umuulan. Pero buti na lang at nakasuot kami pareho ng rain coats. Siyempre, kaki yung taya e. Haha

"Aaaaah! Gab!" Napalingon ako at nagulat ako dahil wala na si Carol sa likod ko. Nahulog pala siya sa bangin. Buti na lang din at di gaanong malalim at hindi siya nasaktan.

Ako: teka lang. Kaya mo ba abutin kamay ko?

Carol: kaya ko naman.

Ako: sige, hihilain kita paakyat. 1...2...3!

Buti na lang at mabilis ko siyang nahila. Dahil sa nangyari kay Carol kanina, nagdecide na lang kami na hindi tumuloy dito dahil madilim at umuulan baka mas malala na yung susunod na mangyayari. Pero teka, in fairness naman sa mga kaibigan namin ha, ang gagaling magtago. Mukhang siniseryoso talaga nila yung game.
.
.
.
Mike's POV

Magkasama kami ngayon ni Camille at nagtatago kami sa may garahe. Nakakapagtaka dahil nasa tagong island kami pero may garahe samantalang wala ka naman pwedeng paggamitan ng land-based transpo dito.

Cams: Mike, check mo nga kung may emergency light diyan. Baka kasi biglang mag'brownout. Ang lakas ng kidlat at ulan e.

Ginawa ko nga ang sinabi ni Cams, and luckily, may nakita nga ako.

Ako: here. Lagay ko na lang muna dito.

Pagkatapos nun, pareho nanaman kaming tahimik. Lately parang nararamdaman ko na nagiging distant na sa akin si Camille. Ever since nung nagkita sila nunh ex niya. Parang feeling ko anytime, hihingi siya ng space to think about things. And naintindihan ko naman siya. Pero when that time comes, at nakapili na siya, will I be ready kaya sa magiging choice niya? Kakayanin ko kaya? Iniisip ko pa lang na iiwanan niya ako because of him, parang naiiyak na ako. Mahal ko si Cams. Sobra. And I hope she knows that well enough to not give up on us.

Cams: hey, sobrang seryoso naman yata ng iniisip mo. Okay ka lang ba?

Nawala ako sa pagkatulala ko at tinignan siya.

Ako: yeap. Wala lang yun.

Cams: sure?

Ako: yeap. Cams...

Cams: yes?

Ako: I love you. You do know that right?

Nginitian niya ako bago magsalita.

Cams: I know. And I love you too.

Maya maya nagulat na lang kami dahil bigla na lang namatay ang ilaw. Buti na lang fully charged yung emergency light. Tumabi na din ako kay Camille at niyakap siya.

Cams: dito muna tayo, patigilin muna natin ang ulan. Baka magkasakit tayo pag pinush natin e.

Ngumiti na lang ako at tumango.

Perfect Storm (Thomara ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon