Chapter seventeen: Finding ways.

388 6 1
                                    

Carol's POV

kanina pa kami naglalakad at naghahanap ni Gab pero ni isa sa mga monggi naming mga kaibigan ay hindi pa namin nahahanap. Ang galing naman nilang magtago. TT.TT

Me: Gab, check kaya natin yung tools shed? Baka may nagtatago doon.

Gab: buti pa nga. Titibay talaga ng barkada natin. Gagaling magtago. Tara.

Meanwhile at Mika and Jeron's...

Jeron's POV

yakap yakap ko pa rin si Mika. Hindi pa rin siya humihiwalay sa akin, and I admit, kahit na alam kong takot na takot na siya because of the darkness, masaya pa rin ako dahil at least nakayakap pa rin ako sa kanya. Namiss ko kaya siya. Sabihin na nating OA dahil ilang araw pa lang niya akong hindi pinapansin dahil sa galit niya, pero namiss ko talaga siya. Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao.

Mika's POV

Hindi ko alam kung anong oras na, pero ang alam ko wala pa naman kaming isang oras na nandito sa basement. Takot talaga ako sa dilim and kahit naman galit ako kay Jeron, mahal ko pa rin itong intsik beho na 'to no. Tsaka namiss ko rin siya. Hindi ko na kaya na hindi siya pinapansin. Bababaan ko na nga yung pride ko. Bahala na.

Me: Je?

Jeron: Yes?

Me: Sorry.

Jeron: For what?

Me: For getting mad at you. Hindi ko man lang pinakinggan yung explanation mo noon. Sorry.

Jeron: Miks, hindi mo kailangan magsorry. Ako dapat ang nagsosorry sayo. Alam naman naming sooner or later lalabas din ang totoo pero we still chose to hide it from you kahit alam naming kailangan talaga namin sabihin sa inyo because we love you. I love you. So sorry for that.

Me: I love you too Je.

Kahit hindi siya magsalita, alam ko na nagulat siya dahil sinagot ko siya sa pagsabi niya sa akin ng "I love you". Na'tense siya bigla e. Haha

Jeron: So does that mean tha--

Mika: Yes. Namiss kita e.

Jeron: I love you Mika. And thank you for forgiving me. Namiss din kita.

And with that, he hugged me tighter than before. Kahit naman hindi ko sabihin sa kanya, alam kong alam niya na masaya ako. Okay na ako. Okay na kami ni Je. Sila kaya ni Thomas, kailan magiging okay? Kami kaya ni Ara, kailan magiging okay? Haaay. Bahala na nga. Hindi ko pa rin naman alam kung handa na ba akong makipag ayos kay Ara e. Basta ang mahalaga, okay na kami ni Je.

Camille's POV

Anong oras na kaya? Buhay nga naman oh. Kahit naman may ilaw kami ni Mika ngayon, medyo natatakot pa rin ako. Ang creepy kaya. Ayoko nito. Yung kumukulog at kumikidlat, samahan mo pa ng malakas na ulan. Kumusta na kaya sila kambal? Nahanap na kaya sila? Huhu buti pa si Mike, nakakatulog kahit na ganito yung sitwasyon namin ngayon.

Speaking of Mike, alam kong ramdam niya na nagkakaroon ako ng second thoughts about my ex. Hindi naman ako manhid 'no. Mahal ko naman si Mike. Hindi naman kami magtatagal ng ganito kung hindi ko mahal yung tao e. It's just that, minsan kasi nakakamiss din si Kib e. Yes, Kib Montalbo is my ex. Nagkausap at nagkita kasi kami before going to island. Namiss ko siya. And he admittedly said that he misses me too. Noong nakita ko siya, I had this strange urge to hug him. Yung gustong gusto ko na talaga siyang yakapin that time at sabihin sa kanya kung gaano ko siya namiss. Pero I can't kasi Mike suddenly came to mind.

Alam ko mali ito. Pero ayoko din naman nasasaktan si Mike dahil sa akin. I love him too much to hurt him. And when the time comes that I would have to choose, sa ngayon, hindi ko pa alam kung sino ang pipiliin ko. Ang sama kong tao. Ang sama kong girlfriend. I don't deserve Mike. He deserves someone better.

Napabuntong hininga na lang ako at napayuko. Maya maya bigla akong nakaramdam ng mga kamay na yumayakap sa akin. Nagising pala si Mike. Napatingin ako sa kanya, at ngumiti siya sa akin.

Mike: I love you Cams. Always have, always will.

Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot. Hindi man niya aminin, pero I can see the sadness in his eyes. It's like he's ready to let me go anytime. Haaay Mike. I don't deserve you. You deserve someone better.

Cienne's POV

Matagal tagal na rin ang nakakalipas na oras pero wala pa rin kaming naririnig na maingay na naghahanap sa amin. Andito kami ngayon ni Avo sa may likod ng bahay. Medyo nakakatakot pero okay lang kasi kasama ko naman si Avo dito. Okay, ang landi ko lang. Hahaha

Avo: Cienne, are you okay? Do you need anything? Do you want to move to a new hiding place?

Natawa naman ako dito sa boyfriend ko. Hindi ko alam kung concerned ba siya akin o natatakot na rin siya. Haha ang dilim kasi dito sa pinagtataguan namin kasi nasa may malapit na rin kami sa forest e. Haha

Me: nope, I'm fine. Pero ikaw, you wanna move na ba to a new hiding place? Medyo nac'creep out na rin ako e. Ang tagal na nating nagtatago pero parang wala pa rin silang nakikita.

Avo: I say we move to a new hiding place. As much as I don't want to admit, this place kind of give me the creeps too. Hehe

Haha sabi na e! Kahit naman ang laki laki ng isang 'to, tao pa rin siya. Although minsan napapaisip ako kung demigod ba ang naginv jowa ko. Ang gwapo e! Bonus na lang dun yung napaka well built niyang katawan. Okay. Ako na malandi talaga. Haha

Minsan napapaisip pa rin talaga ako kung pano ako naging ganito kaswerte kay Arnold e. Mahal ko siya, and I can feel that he really loves me too. Malamang! Hindi naman 'to magsstay dito sa Pilipinas kung di ako mahal nito e. Umabot kasi sa point noon na pinagpili siya. Kung ako daw ba or sasama siya sa family niya sa Germany. Of course, he picked me. O diba? Ang haba talaga ng hair ko! Haha anyways, back to the story.

One year mahigit din siyang hindi pinapansin ng pamilya because of his choice. Hindi rin siya sinuportahan ng family niya. But thankfully we have our friends with us to help. They helped Arnold and I sa relationship namin. Kasi there even came a point na gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya because I can see na talagang nahihirapan na siya without his family. Siyempre, he misses them so much tapos hindi pa nila siya pinapansin diba? Ang hirap at ang sakit nun sa part niya.

Eventually naging maayos din lahat. Arnold decided to go to Germany kung saan nandun ang kanyang family. But not alone. He asked me to go with him. Siyempre hindi ako pumayag noong una, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Naawa ako sa kanya at nakabili na rin kasi siya ng ticket namin. So no choice ako.

Pagdating namin doon sa bahay nila sa Germany, siyempre nagulat sila. Lalo na't kasama ako ni Arnold. Noong una hindi talaga nila ako matanggap because they think that I am pulling him from success. Pero Arnold made them understand. Mahirap sa una, pero eventually, natanggap na rin ako ng family niya. In fact, mas ako na nga yung gusto nilang makausap e. Madalas kaming mag'skype ng family niya. Haha at siyempre kasama na diyan yung pagpressure nila sa amin na magpakasal na.

I'm not saying na hindi pa ako ready, pero I'm just waiting for Arnold na lang. I know that he will ask me at the right time. Hindi rin naman ako nagmamadali e. Haha

Naputol ang pag iisip ko nang bigla akong kalabitin ni Arnold.

Avo: let's go?

Me: su--aaaaaaaah!

TT.TT pag minamalas ka nga naman. Natapilok pa nga ako. Huhu ang sakit talaga.

Me: Arnold di ko kayang maglakad! Huhu ang sakit talaga.

Avo: hush now, let's go. Climb on my back. We're going back to the house. We need to attend to your foot.

Ang swerte ko talaga dito higanteng 'to. Pero nasaan na kaya yung iba? Siguro mas okay na rin na babalik na lang kami ni Arnold sa loob ng bahay para pag nagkataon, at least nandoon na kamk at makakapagsave na kami kaya hindi na kami matataya. Hahahahaha

~~~
Bc DLSU won yesterday. Hihi. Hi guys! Hehe sorry no Thomara moment for this chapter. But still, I hope you liked this. See you next update! :-)

Talk to me!!! Ask.fm/hljmf :-)

Perfect Storm (Thomara ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon