ALTHEA'S POV
Haaaay ! Sa wakas andito na rin kami sa classroom, ang tagal kasi nitong c Aix eh, ang takaw takaw pero napaka-sexy! anu ba naman yan, habang ako eto, sobrang nagpapakahirap para lang imaintain ang figure ko! XD
Nang bigla akong napatingin sa pintuan at nakita ko si JAMES. Ah! kaklase ko pala siya, nakita ko yung name niya sa listahan kanina bago kami pumunta dito..
"Frend! si James oh? - Aix
"ah! ou nga.." -Ako
"Frend, di mo ba siya kakausapin? 2 years na kayong parang STRANGERS, eh dati para kayong magshota sa sobrang close! anu bang nangyari?" -Aix
"Wala naman..balik na tayo sa upuan natin, baka dumating na yung homeroom teacher natin." -Ako
Kailan nga ba ako nagsimulang magbago? Bakit nga ba ako nagkakaganito? haaaay..
Oo nga pala dahil sa nalaman ko noong araw na iyon..
2 YEARS BEFORE...
(SAN DIEGO PAROCHIAL SCHOOL)
ALTHEA'S POV
Andito ako ngayon sa labas ng gate at iniintay ko yung espren ko,waaaaa~ Kinikilig talaga ako pag nakakasama ko yun! And know why ? COZ I'M INLOVE<3
Di ko nga alam kung kailan nadevelop ung feelings ko ng ganito, basta pag nakakasama ko siya sobrang saya ko na. Lagi niya ako napapangiti, at siya ang lagi ko kasama sa kalokohan. Sana ganito na lang kami FOREVER.. :)
Pero siyempre ako lang nakakaalam nito, balak ko rin naman magtapat pero sa tamang panahon.
At eto na nga ang espren ko, as usual, NAUNAHAN KO NA NAMAN SIYA ! Kailan kaya ito magbabago ? hahahaha, pero ok lang, kasi habang iniintay ko siya, kinikilig ako pag naaalala ko mga moments namen xD
"ESPREN! naunahan na naman kita oh? Anu ba naman yan! Haha" -Ako
"Sensya naman espren,late na ako nagising eh, kaw ba naman! itext ako mula 11pm hanggng 1am,sinong hindi malalate ng gising? -James
"AKO" -Ako
"Sabi ko nga eh,haha, tara na pasok na tayo!" -James
Nagusap lang kami ni James hanggang makapasok sa classroom namin, di nga namin napansin sa sobrang kulit namin magusap.
Pagdating namin sa kwarto, nilapitan kami ng isa pa naming kaibigan.
"Good morning Althea at James! Looking good a? Baka mamaya magkatuluyan kayo niyan sa sobrang close!" -Aix
"Wui, Hindi ah! BESTFRIEND lang talaga kami ni Althea!" -James
Awch..ang sakit palang marinig na BESTFRIEND lang tingin niya sakin. Paano na tong nararamdaman ko ? :((((((((((
Siyempre kahit medyo narindi yung tenga ko dun, nagsalita na rin ako..
"haha! feeling mo naman magkakagusto ako sayo? Ikaw talaga ESPREN!" -Ako
AWCH..Sakit nung sinabi ko, tagos sa heart.. </3
"Osha,tara na, yan na si teacher!" -Aix
-
YEEEEEES! Tapos na rin ang klase namin,lalapitan ko sana si James ng narinig ko siya na sabihin sa kausap niya na..
"Pre, ano bang meron sa inyo ni Althea? Sobrang close ninyo, para kayong magshota,haha" -Chris
Si Chris nga pala yung katropa ni James, :)
"Pre ano ka ba naman! Hindi ako magkakagusto kay Althea noh, at tsaka alam mo namang MAY IBA AKONG GUSTO." -James
aww, may iba pala siyang gusto? BAt hindi niya nasabi sa akin toh? Ang SAKIT..hindi ko akalain na kahit kailan hindi niya ako magugustuhan. Ang SAKIT..
Nakita ako ni James at lalapitan na sana, pero bigla akong tumakbo paalis hanggang makalabas ako ng school..
TEARS..
TEARS..
TEARS..
Ang SAKIT..Ganito ba kasakit malaman na may iba siyang gusto at kahit kailan hindi niya ako magugustuhan ? Ayaw ko na, hindi ko toh kaya..siguro it will be better kung..
"Siguro dapat lumayo muna ako..BYE James." -Ako
Tumakbo ako paalis at simula noon hindi ko na siya kinausap, umiiwas na ako at hindi na ako nakikibalita sa kanya...
Back to present~
Naalala ko na, yun nga ang nangyari.. Pero hanggang ngayon, MAHAL ko pa rin siya ? Bakit ba ganito kahirap ang sitwasyon ko? Nahihirapan na ako..
Kung pwede lang sana na..
AKO NA LANG ANG MAHALIN NIYA.. :((
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry for the late update! :)
-Aliza<3