Lupit

24 0 0
                                    

Palo
Sa aking umaga'y gumising
Tahimik kong daigdig
Nabulabog nang palong kay lakas

Hampas
Sa aking balikat ay lumagapak,
Balikat kong manipis
Biglang namula; bakat
Kamay na malupit

Hataw
Sa binti, kong mahubog
Binti ko'y nangitim
Nanghina, namaluktot
Sa kahoy na pinanghataw

Hagupit
Sa katawan kong mura
Likod ko'y natamaan
Braso ko'y nahagupit
Ng sinturong masakit

Hablig
Sa akin ay nagpasandig
Sa sulok ng kamang
Magdamag kong pahingahan
O bakit ganito? Umaga ko'y bangungot
Sa among walang puso
Buhay ko'y mistulang 'mpyerno
Sa bansang banyaga

Yakap
Ng pamilyang iniwan
Pangarap sa twina'y
Sabik na makasama
Sa bawat araw.. .

LupitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon