017: Push through

20 2 2
                                    

[messenger]

Andres Callangan

08:25 PM

Andres
Nakain mo yung inuwi mong carbonara?

Patricia Joanna
pagkauwi pa lang kinain ko na HAHAHAHAHA

Andres
Yung akin, hiningi ng kasambahay namin.

Patricia Joanna
may yaya ka?!

Andres
Wala ha.

Patricia Joanna
sabi mo kasambahay!

Andres
Kasama sa bahay, katulong sa bahay. Pero wala akong personal na katulong, kaya wala akong matatawag na yaya.

Patricia Joanna
pinaikot-ikot mo pa. ang point dito, bakit kayo may maid sa bahay?

🤔🤔🤔🤔🤔

Andres
Patch, syempre siya nag-aasikaso sa bahay. Hindi ko naman malilinis yung bahay kung pagod ako at inaasikaso yung back course kong thesis writing.

Patricia Joanna
so hindi ka gumagawa ng gawaing bahay?

🤔🤔🤔🤔🤔

Andres
Marunong naman ako.

Patricia Joanna
pero hindi mo ginagawa kasi may katulong naman?

🤔🤔🤔🤔🤔

Andres
Hindi ko na magagawa kaya may katulong.

Patricia Joanna
mali ka dyan. may katulong kaya hindi mo na kailangan gawin.

Andres
And the issue is?

Patricia Joanna
wala naman HAHAHAHAHA ang pikon, inaasar lang na nakakaangat sa buhay e.

Andres
It shouldn't be an issue. Hindi naman ako nagdesisyon na ganito ang kinalakihan ko. Although I'm grateful for all that I have all my life, pero hindi naman kami mayaman.

Patricia Joanna
sus eh anong tawag dyan?

Andres
Medyo nakakaangat sa buhay?

Teka, ikaw rin naman e. I heard that you're kind of a rebel to not walk on your parents' path.

Patricia Joanna
kanino mo naman narinig yan?

Andres
Hindi ko na matandaan pero medyo matagal na rin yata 'yon.

Patricia Joanna
well, sakto lang, normal lang naman ang buhay ko.

Andres
You chose that, but that's not the reality, Patch.

Patricia Joanna
ayaw ko lang din magmana ng law firm ng mga magulang ko. hindi 'yon ang gusto ko. kaya nga ako nandito.

teka iniiba mo ang usapan e.

Andres
See? Mayaman ka rin.

Just Because (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon