024: Environment pressure

10 2 0
                                    

[messenger]

Adi

05:38 PM

Adi
Got home?

05:59 PM

Patch
yeppp

Adi
Kumusta ang pakiramdam?

Patch
para talaga akong lalagnatin

Adi
Sorry I didn't offer na sabayan kang umuwi.

Patch
huy 3 naman labas mo so fair enough na umuwi ka na agad at hindi maghintay saka hello hindi kailangan. kaya ko naman sarili ko.

Adi
Kaya ba talaga? Halos matumba ka na kanina.

Patch
na out of balance lang medyo

Adi
Nakabili ka ng gamot?

Patch
yeah kaya medyo late ng uwi

Adi
Kumain ka na?

Patch
eto na kakain na

Adi
Good. Para makainom ka na ng gamot at makapagpahinga. Drink plenty of water as well, Patch. Pagaling ka.

Patch
opo doc HAHAHAHAHA

Adi
Nagagawa pa talagang tumawa, parang hindi bad mood kanina.

Patch
e kasi naman yung isang part timer ang attitude

Adi
Hindi ba't matagal na siya?

Patch
oo, matagal na rin siyang may issue. buti nga hindi ako inaano noon. HAHAHAHAHA

Adi
Issue?

Patch
baka hindi mo lang nabalitaan before. pero kaya may umalis na ibang part timer last year ay dahil sa kanya. naging malakas kasi kay riggs dahil close niya tapos may relationship issues yata?

Adi
I wasn't informed about such.

Patch
e mukha ka namang hindi interesado sa buhay ng ibang commoner, adi.

Adi
Ganyan ba vibe ko?

Patch
loosen up kasi, para kang prof ko dati mag-type e or minsan akala mo yung tito kong laki sa australia
(😂)

Just Because (epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon